Chapter 1 This is Where I Begun

30 1 0
                                    

"SABRINA!!!" Tiling may halong sigaw ko sa lukaret kong BFF while akala mo'y ilang taon nang di nagkita eh halos dalawang buwan lang naman ang bakasyon. Dagdag pang halos linggo-linggo eh nasa bahay namin itong parasite na to lol>_<
"Bruha! Makasigaw ka naman parang narape ka!"naiiling na natatawa namang singhal ng besty ko...

Ako pala si Bryan Gene Bacalla, and this Super-ever lukaret/Kikay/Malandi/Emotera/etc. is my bestfriend Sabrina Nicole Librado, at kung tatanungin nyo ko kung pano, saan, at kelan kami naging magbestfriend? Wag nyo nang alamin, mamomroblema lang kayo. Hehehehehehehe Joke!!!
Di ko na masyadong mapinpoint kung pano kami naging magkaibigan pero kilalang kilala na namin ang isat-isa simula pa ng mga bata pa kami. Magkapitbahay kami sa lugar namin sa Malabon, (yeah bahain lugar namin so what...😒) at sabay kami pumasok mula kinder hanggang ngayon na 4th year highschool na kami ( think of it?! Tagal ko nang nagtitiis sa pagkabungangera nya?!😖) heheheheheehehe sensya na ganun talaga sya promise....

Pero may isang part ng memories ko nung mga bata pa kami na hinding- hindi ko malilimutan. May kababata kami, si Butchoy, pinanganak yatang maging bully yung ugok na yun, malaki kasi sya sa edad nya, at pinagdiskitahan lang naman nya ang salamin ko sa mata. Yup, may salamin nako sa mata bata palang ako at dahil narin sa liit ko kaya naman mukha kaming si David at Goliath kung titingnan. Bigla ba naman akong tinulak!
"Hoy! Dalawa na nga mata mo di mo pa nakikita dinadaanan mo? Hirap kasi ng maliliit ang binti noh? Wahahahahahahaha" pang- aasar ng tsonggo na yun. "Anu bang problema mo?! Di naman kita inaano dyan ah!" Singhal ko naman sa kanya, sabay pahid ng duming dumikit sa ilong ko na may uhog (hehehehehehe just imagine it guys!) pag minamalas ka nga naman oh!
"Oh, iiyak na yan oh! Wawa naman si punggok, ang liit na nga wala pang papa! Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Kantyaw ni Butchoy kasama ng mga hukluban nyang mga alipores. Si ako naman maluha-luha na at sisinghot- na ng sipon ko ng biglang napasigaw si Butchoy sa sakit. "ARAY KOOOOHH!!! Sino bumato sa akin?!!!" Sigaw ni Butchoy sabay lingon sa paligid.
"Hoy Gorilla! Bakit di ka maghanap ng katapat mo?! Maliit lang ba ang kaya mo ha?!" Sigaw sa kanya ng batang babae na nakatali pa ang buhok sa magkabilang side ng kanyang ulo, plus pa ang one-seat apart na ngipin nito sa gitna. Heheheheheheh.

"Hoy tiyanak, ikaw ba bumato sakin ha?!" Maangas na tanong ni Gorilla este Butchoy kay Sabrina, (Yup si Sab nga yung bungal na bata) habang sapo nito ang ulo nyang may bukol. "Ay hindi, hindi, yung tatay mong lasinggero ang bumato sayo... Gosh baba ng IQ mo teh! Loading lang?" Pang-aasar ni Sab sa kanya ( hahahahahahaha sabi ko na sa inyo eh palengkera na yan nung bata pa😆)

"Aba at pilosopo ka pang tiyanak ka ha?!" Susugurin na sana ni Butchoy si Sabrina nang biglang nagsalita ang bruha, "Hep! Wag na wag mo kong sasaktan? Bakit bakla ka ba?! Pumapatol ka sa babae ha?! Ay bakla! Bakla!Bakla!...." Hahahahahahaha lakas lang mang-asar noh?
"Hindi ako bakla!" Namumula na sa hiyang sagot ni Gorilla-Butchoy kay Sab. "Weh? Di nga? Eh kung di ka bakla bakit hanggang ngayon di ka pa tule? tanda-tanda mo na di ka pa natatapyasan!!! Bwahahahahahahahahah" gatong uli ni Sab. "Bruhang to? Pati ba naman yun alam nya?!" Tanong ko sa sarili ko habang hangang hanga akong naka tingin sa kanya. "P-pano mo n-nalaman yan???" Namumutla na namang tanong ni Butchoy. "Hello?! Ang lakas kaya ng talak ng nanay mo habang nagngangangawa sa palengke dahil akala nya nagpatule ka na sa health center eh may libre palang tule kahapon, tapos kala mo kung sino ka dyang maangas eh takot ka pala sa labaha?! Hekhekhekhekhekhek!!! Supot si Butchoy! Supot si Butchoy!!!" Pang-aasar pa ni Sabrina hanggang lahat na eh nakigaya sa kanya. Ang kawawang Butchoy, nagtatakbo habang umaatungal ng iyak!😝

And the rest is history.

Si Sab ang naging tanggulan ko kapag ginagawa akong tampulan ng tukso at kantyaw ng mga bata at kung minsan eh mga matatanda sa lugar namin. Siya lang din aside kay Mama ang tanggap ang pagkatao ko. Yes I admit na bata palang ako alam ko sa sarili ko na kaiba ako sa mga kasabayan naming mga batang lalaki na ang hilig eh basketball o basagan ng mukha sa kalye. At lahat yun ay tanggap ng aking mahal na ina at ni Sab kaya kahit paano ay di naging bangungot ang childhood life ko. Magbestfriend din si Mama at ang mama ni Sab na si Tita Perly. Hair stylist kasi si Mama habang si Tita Perly naman ay manicurista. ( Oh diba David Salon ang peg ng mga lola nyo!)
Kaya magmula noon, lagi na kaming magkasama sa lahat ng lakaran, sanggang dikit in other words; lahat ng sikreto dapat walang lihiman, korny man o kababawan, serious man o kahit may pagkasensored, dapat labas lahat. Ang maglihim, di papansinin ng isang linggo. Ganyan kami ni Sabrina, sensya na ganyan tlga ang rules namin eh😊.

If I'm going to describe naman myself, well wala namang kainte-interesting sa akin eh. (Choz!>_<) sa edad ko ngayong 15 anyos, maliit parin ako hehehehehehe, medyo tumangkad naman ako nuh! ( mga 5'4"?) hmmmp liit parin....tsk
Di naman ako mataba, totoo nyan slim ako kasi marami akong ginagawa, una dahil scholar ako, kelangan kong magsubsob sa pag-aaral para mareach ko ang needed na average grade ko as requirement for my scholarship, pangalawa, tumutulong ako kay Mama sa pamamagitan ng pagsa-sideline sa isa sa mga sikat na fastfood restaurant dito sa amin, and last but not the least, yung pangako ng principal namin na kung consistent honor student ako, mabibigyan uli ako ng scholarship at syempre gagaan na naman ang bulsa ni Mama kaya go lang ng go hangga't kaya ng katawang-lupa ko LOL😉.

Sabi nila, maganda daw ang mga mata ko, para daw laging nakangiti (hmp if I know, eye bags lang yan) hehehehehehe pahumble pa>_<...... Kaso di daw nabibigyang emphasis kasi ang lapad daw ng eyeglasses ko. Eh kasalanan ko ba kung maagang lumabo mata ko?! Haist.... Saka wala talaga akong kataste-taste sa fashion, si Sab lang naman kasi ang nagpipilit na pagsuutin ako ng kung anu-ano. Dagdagan pa ng sul-sol nila Mama at Tita Perly kaya ayan tuloy ginawa pa akong experiment na manika ng tatlong yun! Hmmm... Ok lang at least kahit paano nalilibre na sa salon, may bagong damit pa 😎😎😎😎😎😎😎
"HOY BAKLA! natulala ka na dyan? Alam ko maganda ako, kaya please lang wag kang tumitig sakin ng ganyan, kinikilabutan ako sayo.... Kelan ka pa naging tomboy huh?! Sumagot ka!"
"Sira! Anung tomboy pinagsasasabi mo dyan?! Hindi ba pwedeng napatingin lang sayo kasi may dumungaw na kulangot sa ilong mo?" Ganting asar ko kay Sab😋.
"Ayyyyyyyy kainis ka! Ba't di mo agad sinabi?!!!!!" At napraning naman si Lady Gaga sabay kuha ng salamin sa bag. Tawa ako ng tawa dahil wala naman talaga syang kulangot. Ang aga kasing mang-asar, buti nga at nang makaganti! Hehehehehehehehehe!
"Hahahahahahahahah eto naman di na mabiro! Magaling ka lang kapag ikaw ang mang-alipusta ng kapwa. Tara na at naghihintay ang madlang pipol sa atin!" Aya ko sa kanya para pumasok na nang campus. Opening of classes na kasi sa aming pinakamamahal na eskwelahan, Ang Potrero I National Highschool, well, mangarap ba ng pangmayaman na school...?Asa pa meh..... Pero wag kayo huh! Mahal ko talaga ang school namin, puwera lang sa ilang mga EPAL na nag-aaral din dito, ay Lord please lang! Wag nyo pong pagtagpuin ang mga landas namin ngayon! Ayokong masira nila ang first day of school ko! Pwede bang "love,love,love!" lang muna?(Cris Aquino mode😘)

Haaay isa lang ang hiling ko, sana maging memorable ang last year ko dito sa school na ito......

Plus pa pala ang scholarship! Aja Aja!!! (Go gurl! Have a happy period!)

Author: Hmmm sounds like a sanitary pad commercial..... >_<
_______________________________________
Hope you like my first chapter! Sana may mabubuting puso na magcomment at maglike ng story ko huhuhuhuhuhuh!
Kahit 10 man lang masaya na ako! Whew! Promise I will make my second chapter a good one to read and to like for.
Vote now!
- Souldrifter XOX

Si Jockey at si NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon