"JOAQUIN ANTONIO GONZALEZ III!!! Pag hindi ka pa tumayo dyan bubuhusan na talaga kita ng mainit na tubig!!!! BANGON NA TANGHALI NA!!!"
Diyos ko po, kung ikaw ang magkaroon ng inang may built-in na megaphone sa lalamunan ewan ko na lang kung hindi pa magising ang natutulog mong kaluluwa!
"Jeez Ma, pwede ba?! Inaantok pa ko eh....!" Sigaw ng utak ko habang kinakapa ang cellphone ko sa may lamesita malapit sa kama. Anung oras ba ako nakauwi kagabi? Napainom kasi ako kasama ang bestfriend kong si Francis. "Shit! Ma naman alas 6 palang....!" sabay takip ng unan sa mukha ko. Syempre mahina lang yung "Shit" baka maupakan ako ni Mama sa bibig. Ayaw pa naman nun na naririnig kaming nagmumura.Ako nga pala si.........Well, sinigaw na ni Mama kanina, (Haist! My name sounds so vintage!😑). Wacky na lang for short, 15 years old, taga Tenejeros. Pangalawa sa magkakapatid, alam nyo na, may middle-child syndrome yata ako. Lagi na lang kasi si Kuya Jaime (25 years old) o si Darla (yung bunso namin, 12 years old) ang palaging magaling sa paningin nila. Samantalang ako, lagi na lang sermon ang inaabot. Hindi rin naman nila ako masisisi kung nagbubulakbol ako, kasi naman kapag may nagagawa akong maganda, halimbawa nalang kung nakakuha ako ng mataas na marka (ex. Naka-80 ako sa Math: success na kaya yun para sa akin!) sasabihin nila: "Ano ba naman yan Joaquin, noong nakaraang grading period 79 ka, ngayon 80 lang?! Bakit di ka tumulad sa Kuya Jaime mo? Consistent dean's lister sa PUP, si Darla, pinakamababa na ang 85, ikaw 80 lang? Sayang naman ang pinapadala ng Papa mo galing Saudi para lang mapag-aral ka! Sa basketball ka lang magaling! Magaling ka ring mambola!" Litanya ni Mama nung nakaraang pasukan. Ayaw nya nun?! At least line of 8 na ko at di na Palakol?!!!!😩
Haaay buhay nga naman! Buti na lang pinanganak akong gwapo. Hehehehehehehehe! Feeler din noh? Wala naman kasi sa lahi namin ang pangit, si Papa dating kilalang MVP dito sa barangay namin, saka lagi syang kinukuhang Lakan or escort kung may fiesta saka si Mama naman, dating title holder sa probinsya namin sa Nueva Ecija. Duon yata sila nagkakilala ni Papa nuon, kwento dati ni Mama, (Imagine nyo na lang eyes ni Mama na naka Heart-shape habang nagkukwento😍....Yuck!😝) Kaya wag nyo na akong kontrahin....Gwapo talaga ako ok?😆
Matangkad ako para sa edad ko, mga 5'7" ata, saka maayos naman ang built ng katawan ko. Mahilig kasi ako sa basketball, dun lang yata ako magaling eh... Saka minsan sumasali rin ako sa ibang sports sa school, kaya siguro pinagtyatyagaan na lang ako ng mga teachers namin kasi malaki talaga ang naibibigay ko when it comes to sports.Kaso talagang mahina ako sa klase, hindi naman sa "Bopols" talaga, eh sa hirap talaga ako sa memorization eh! Lalo na sa Math! Anak ng tipaklong talaga...... Minsan nga nangatwiran ako sa Teacher namin si Ms. Matugas (take note, old maid sya kaya alams nyo na kung anung drama nya sa buhay😵😵😵). Sabi ko: "Maam, anu bang maitutulong samin ng Math? Alangan naman sasabihin namin sa palengke; Manang, may I buy a dozen of egg divided by 2 plus 3.5 milliliters of coconut oil plus 4 grams of Sodium Chloride ( in short asin) raised to the 10th power?"
Si Ms. Matugas, nanigas ang leeg sabay dilat ng mata sakin, "MR. JOAQUIN ANTONIO GONZALEZ III, SEE YOU ON PRINCIPAL'S OFFICE AFTER CLASS!" Sabay kapa ng kanyang red ballpen. (75 sa recitation, patay...)😱😱😱😱Kaya eto, dinadaan na lang sa inom at DOTA ang lahat, pero take note mga pare, hindi ako nagda-drugs huh! Oo, basagulero ako pero hindi ako adik!( iniimagine ko lang mukha akong bungo sa kakahithit..? Ewwww!) Yun lang naman kahinaan ko, saka syempre mga bebot, hehehehehehehehehee😎😎😎😎
Alam nyo naman basta basketball player diba mga parekoy? Magnet kami sa mga girls, lalo na kung may paliga sa amin or minsan dumadayo kami sa ibang barangay, di matatapos ang araw na walang bebot na nakaupo sa mga hita ko. Hehehehehehe.
"JOAQUIN!!!!!!!" Aray, sakit na nang tenga ko!
"Ayan na bababa na!" Ganting sigaw ko kay Mama sa baba. "Pakiulit nga PO?!!!!" Ulit na naman ni Mama. (Grrrrrrrrr!!!)😡😡😡😡😡😡😡
"OPO, BABABA NA PO AKO PO!!!" Sagot ko sabay tayo ng kama. Makababa na nga! Kainis...."Hesusmaryosep na bata ka!" Napa sign of the cross pa si Mama.(OA)
"Bakit po?!" Takang tanong ko kay Mama.
"Kakain kang ganyan itsura mo?! Diyos ko po yung ANO mo nakatayo pa dyan sa boxers mo! Bastos kang bata ka!" Sabay tapon sa harapan ko nang tuwalya. >___<
Kasalanan din naman nya, pinapadali nya kong bumaba eh boxers lang suot ko! Syempre natural lang saming mga boys ang "Morning Erection" noh! Si Mama talaga, parang walang anak na mga lalaki. Tsk.Maalala ko, pasukan na pala! Hay naku, tapos ang maliligayang araw ko nito! Makikita ko na naman ang mga kontrabidang teachers namin. Bahala na nga, dating gawi. Tambay na lang kina Mang Kaloy sa may bilyaran mamaya. Ang maganda lang naman, may baon! Hehehehehehehehe.
"Tao po! Tita Emily good morning po, gising na po ba si Wacky?" Tanong ni Francis kay Mama sa baba. Shit! Aga rin ng mokong na to!
"Hay nako andoon pa sa taas nagbibihis, teka nga anong oras na naman kayo umuwi kagabi ha?! Aba at di ko man lang naramdaman na nakauwi na pala si Joaquin sa bahay di mo man lang sinabi sa akin?! Magdamag akong naghintay dito sa sala tapos ni Ho ni Ha wala man lang?!" Talak ni Mama kay Bestfriend. Patay ka ngayon hehehehehehehe
"Eh tita tulog na tulog po kayo dyan sa sala kagabi eh nakakahiya naman po kung gigisingin ko pa po kayo, kaya ako na lang naghatid kay Wacky sa taas. Di po ba ayaw nyong iniistorbo tulog nyo?" Sagot naman ni Francis. (Ayos rin magpalusot noh? Hehehehehehehe. Totoo nyan sa likod-bahay kami dumaan 😝)
"A-ah eh ganun ba? A-hhh sige, kumain ka na ba iho? Kain ka na muna, ay teka........Hoy Joaquin! bilisan mo dyan! Nandito na si Francisco oh! Ke bagal- bagal naman ng batang ito kumilos, hangos na dyan!" Haaaaaay si Mama talaga.
"Tita Francis na lang ho....." Napapakamot ng ulo si Bestfriend. Tinawag kasi sya in fullname. Hehehehehehe si Francisco at si Joaquin Antonio (parang panahon ng Katipunan, Saklap!)
"Eh Francisco ka naman talaga! Aba'y pinangalan ka nga sa paboritong santo ng Mama mo, eh si Mareng Alma kamusta naman? Di na ako makapasyal sa puwesto nya dahil busy rin ako sa puwesto ko sa palengke." Magkumare kasi sina Mama at ang Mama ni Francis na si Tita Alma. Magkababata sila sa probinsya at pagkakaalam ko ay magpinsan daw sila sa side nila mama, ewan basta ang sabi yung lolo ng Mama ko at lola ni Tita Alma mag pinsang buo daw, so magpinsan pa kami ni Francis sa......ewan! basta pinsan daw kami, tapos!
"Ayos naman si Mama tita, maayos naman po ang grocery store, yun nga lang minsan inaatake ng rayuma." Kwento ni Francis. "Eh si Pareng Kanor kamusta naman? Ang huling dinig ko eh nambababae na naman daw?! Naku talaga yang Papa mo..." Litanya naman ni Mama. "A-hh eh....." Sasagot na sana si Francis ng pinutol ko na ang usapan. Minsan talaga kulang sa common sense si Mama. "Ma alis na kami! Dali na pare malelate na tayo!" Sabay hawak sa braso ni Francis. "Sige tita alis na po kami...." Paalam naman nito.
"Ha?, ah o sige, ingat kayo... Oy Joaquin, uwi kayo ng maaga ha at walang magbabantay sa kapatid mo!!!!" Pahabol pa ni Mama.
"Oho!!!!!"
Kung mamalasin ka nga naman oo......Kelan kaya mababago ang takbo ng buhay ko? Sana naman may magandang mangyari sa pasukanng ito.....
Ay Pakshet nakalimutan ko ang BAON KO!!!😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭
___________________________________________________
Hope you like this part, at ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila Bryan at Joaquin sa school? And what will happen sa darating na Intramurals Meet? Gosh! Can't wait to make the new chapter!!!!😝😝😝😝😝😝😝Author: Anu bang meron sa Intramurals Meet???? Hmmmm isip-isip......
-Souldrifter XOX
BINABASA MO ANG
Si Jockey at si Nerd
Roman pour AdolescentsBy: Souldrifter What will happen if the famous, devishly handsome jockey in campus fell inlove with a nerd, and the worst of all, a boy!!! Let your world be turn up-side down with this romance comedy story that will surely give you new insight on ho...