Settings: way back year 2015
- First meeting with the team, kaya medyo kinakabahan si Seth. Hindi kasi nya alam kung paano ang magiging pagtanggap sa kanya ng team nya lalo na sya ang pinakabata. Baka mamaya kasi hindi sya seryosohin.
Hinga muna! Then sabay bukas pinto......
Paano kung hindi sila nila ako pakinggan?
Ano ba magandang intro?
Winnie: Hello Sir! Hey guys andito na si Sir! Seth right? Hi I'm winnie! I am also a writer, I can do voice over and can sing. I can do cooking also. And I can be your jowa for a day.
Mike: 🤣🤣🤣🤣 Baka matakot sayo yan. Hi I'm Mike and excited ako nung nabasa ko ung storyline. Galing bro!
Rick: Sorry I'm late. Hinatid ko pa kasi mga bata. Sir Seth? I am Rick marami ako kilalang freelance na animators. And I can do voices also wag mo lang ako aasahan sa pagsulat sorry. Pero itong kalbong ito at si Winnie the best yan.
Mike: Kalbo talaga eh noh?
Rhian: Hi I'm Rhian and this is Savi. Sound effects, storyboard un ung specialty namin.
Savi: Hi Sir! Pwede din kitang matulungan in terms of production staff. Welcome sa team! Anong food natin ngayon?
Winnie: Well ako na bahala magpadeliver treat ko na kasi malaki ang naging tip sa akin kagabi. And for sure mahaba haba itong araw na ito. Ikaw Mike , bahala ka na if aabutin tayo ng gabi ha! Sagot mo na dinner!
Seth: Tip kagabi?
Rick: Stand up comedy alam mo na raket.
Winnie: Akala mo kung ano noh? 🤣🤣🤣🤣 You are cute 🤣🤣
Mike: So kami nagpakilala na. Ikaw? Introduce yourself boss.
Seth: Ahhh sorry. I am Seth actually this is my first project.
Winnie: Amazing.
Seth: Thank you. And sa totoo lang kinakabahan ako before ako pumasok ng door pero you are all accommodating naman pala. Well team, if you have any suggestion or any comment please ...... Sabihin nyo lang as long na mapapaganda itong project na ito. Let us work together and hopefully maging mas close pa tayo.
Savi: Welcome to team Alpha Sir Seth!
Rhian: Alpha team! Nice......
Rick: Alpha? Ok sounds good.....
Winnie: Well let's do this!
- Ilang gabi at ilang araw din ang dumaan. Sunod sunod na meeting....... At minsan nalilimutan na ni Seth ang mga importanteng araw sa kanila ni Andy.
Short call......
Short text......
Alam naman ni Seth na naiintindihan ni Andy ang lahat at kung para kanino nya ito ginagawa.
Para sa kanila........
Hanggang sa isang araw na lang bago ang pilot episode ng project nya. Nagdecide sya na bigyan ng off ang buong team since natapos sila bago ang deadline. Bukas sabay sabay silang manonood ng pilot sa office para makita ang output at the same time if ano pa ang iimprove. Nagdecide din sila na magkaroon ng kaunting kainan para pasasalamat na din at gift sa lahat ng sleepless night ng staff.
- Isang tulog na lang bago ang pilot episode, habang enjoy ang lahat sa off nila, nakatulala si Seth sa loob ng office nya at habang nakatitig sa phone nya.