Laruan (pt. 2) : Origin 3

105 2 0
                                    

                  🖇️"let's play?"🖇️






'3:04 PM'

Mag-uumpisa na?

Umpisahan ko na ba?

Ngayon na ngayon na?

Maganda nga sya, maganda rin ang buhok at pangangatawan nya.

Naka-upo s'ya sa harap ko at nakayuko, nanginginig at panay ang iyak. Kaunting oras nalang ang meron ako para maglaro, mahaba haba pa sana kung hindi pa sila nag-matigas. Gusto ko lang naman maglaro.

Inikot ang tingin sa loob ng bodega, madaming alikabok at sirang electric fan may mga upuan dito na sira, Sa sulok ay mayroong walis at dustpan, may tools din sa sulok at kalat kalat pa.

Nagpakawala ako ng hangin at walang gana na tumitig sa kanya, ilang sandali lang ay paunti-unti na akong ngumiti.

"Ain't done yet?"Tanong ko sa kanya, dahil kung magpapatuloy ang iyak nya ay baka hindi na kami makapag- laro dahil mas masarap makita na umiiyak sya at ako mismo ang dahilan.

Natigil ang iyak nito at tumingin sakin ng masama, maga ang mga mata at puno ng luha ang pisngi na umabot sa leeg, natatabunan din ang mukha nya ng buhok.

"Let go of me! I don't know you so why are you doing this to us, you killed Brimo and now you intend to kill me and Drice too? you really don't have a soul and you are so evil, I will make sure that if I can escape from here, you will be imprisoned!"Madiin na sigaw nito sakin, bawat salita nya ay ang pag-talsik din ng laway nya sa mukha ko.

Hindi nya ako malapitan dahil nakatali sya sa upuan, ang mga kamay nya ay nakapatong sa mesa ng upuan.
Ang lalaki naman ay nasa tabi nya at humihinga pa, katulad nya ay nakatali din ito.

Tumingala ako sa ilaw na nandito, pundi na at mahina nalang ang liwanag pero kahit ganoon, malinaw na malinaw nakikita ko sila, hindi problema ang kadiliman dahil sanay na ako.

Bumaba ang tingin ko sa babae, at katulad kanina kung hindi lang sya nakatali ay panigurado na sinugod na nya ako.

Ngumisi ako at nang-aasar na tumawa sumama lalo ang tingin sakin at ang takot kanina na nakabalot sa mukha nya ay napalitan ng pagka-inis at galit sakin.

"I don't know either, for fun i guess, but don't worry we'll just play,"
Malambing ko syang nginitian at hinawi ang buhok na tumatapal sa maganda nya'ng mukha.

Iniwas nito ang ulo at tumingin sa lalaki na katabi nya, mahal na mahal talaga ni ang isa't-isa pero paano si Brimo, paano sya.

Wag kang mag-alala Brimo, hindi isa kundi dalawa ang makakasama mo agad, makakapaghintay ka ba.

"Hey, hey Drice can you hear me?"
Sinagi nya ang balikat sa balikat ng lalaki, ungol lang ng lalaki ang narinig bilang sagot. What a nice.

May ibinubulong pa sya sa lalaki, hindi ko marinig at wala akong pakialam. Ilang minuto lang inabot nila sa pagdadrama nang tumayo ako at pumalakpak, "the drama is over, let's get started,"

"Fuck you! Go to hell, bitch!"Gigil na saad nito sakin. Sinubukan pa nito na kumawala sa pagkakatali pero sya lang din ang nananakit sa sarili nya.

Na dapat ay ako ang gumagawa, ako lang ang dapat magparanas sa kanila ng sarap.

"You're such a meanie,"Malungkot na saad ko sa kanya, bumakas ang pandidiri sa mukha nya ng marinig ang boses ko.

Kinuha ko muli ang panyo at itinali iyon sa bibig nya.

Tumalikod na ako sa pwesto nya at pumunta sa sulok kung saan nakalagay ang mga tools, una kong pinulot ang lagari na kinakalawang na at martilyo, kinuha ko na rin ang mga nakakalat na pako.

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Where stories live. Discover now