Chapter 1: ANG SIMULA

8 0 0
                                    

Makalipas ang apat na taon...

Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Canada. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes. Thank you.

Pagkatapos kong marinig ang anunsyo ng Airline, ay dali dali na akong nag ayos ng gamit ko.

"Oh mga bata, siguraduhin niyong walang maiiwan sa mga gamit niyo ah, dahil boarding na Ang plane na sasakyan natin" saad ng propesor namin.

"Yes po ma'am!" masiglang saad naman ng mga kaklase ko.

Andito nga pala kami sa airport ng mga barkada/kaklase ko, kasi may educational tour kami na gaganapin sa Canada. Ang sosyal nga ng unibersidad namin kasi sa Canada pa talaga na ang mahal mahal pa naman doon, mabuti nalang at sponsored at wala na kami gagastusin, siguro ay mag e-enjoy nalang kami doon habang natuto din at the same time.

"Okay ka lang ba Sheryl? Kanina kapa hindi mapakali diyan ah" tanong ko sa kanya.

"Iba kasi pakiramdam ko sa tour na ito eh, parang may mali" tugon naman ni Sheryl sa tanong ko sa kanya.

"Naku! Overthinker ka lang talaga eh!" halos pasigaw naman na sabi ni Carl sabay abot ng tubig kay Sheryl.

"Ako ay excited na, kasi isipin niyo! Educational tour tapos abroad pa at sponsored pa!" magiliw na sabi ni Krhea.

"Oo nga! Sure ako madaming AFAM at pogi doon!" dugtong naman ni Miah.

"Guys ano ba, about education ang pinunta natin doon at di kung ano-ano." Sabi ko naman sa kanila.

"Oo na, ang sungit'' halos pabulong na sabi nilang tatlo.

"Okay kids! Let's go na because it's our time na" saad ni ma'am samin.

Sa awa ng Diyos ay lahat naman kami nakapasa sa immigration dahil diretso namin nasagot. Sa sinabi ni Sheryl kanina ay napapa isip na din ako na parang may kakaiba talaga sa araw na ito.

"Dito po ang daan ma'am at sir" saad ng flight attendant na sumalubong samin

Di namin akalain na private plane pala ang sasakyan namin, akala namin ay sasabay kami sa ibang mga pasahero pero hindi pala. Sa labas ay may naka abang na na isa private plane para sa amin.

"Wow, sosyal private plane pala ang sasakyan natin!" manghang saad ni Miah

"Ma'am! Hindi kami na inform na sasakay pala tayo sa isang private plane, I thought sa isang public plane tayo" saad ko naman.

"Nakalimutan ko sabihan kayo! Ito pala ang surprise ng school sa inyo" saad ng aming propessor habang nakangisi ng parang may balak.

"Wooooh! Tara na guys! First time kong sasakay dito!" masiglang saad ni Carl.

Pagkatapos naming sumakay sa private plane ay isa isa na naming inayos ang aming mga gamit at ang aming mga sarili.

"Oh sya, matulog muna kayo jan at mahaba haba pa ang ating byahe" seryoso at nakangiting saad ng aming propessor.

Bago ako maka idlip kay napansin ko si Sheryl na tila balisa sa kanang upuan. "Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko kay Sheryl.

"Okay lang ako, parang may mali lang talaga eh" tugon niya naman.

"Sus! I relax mo lang ang sarili mo at i enjoy ang ride" saad ko naman sa kanya at umidlip na  sa aking upuan dahil mahaba haba ang bya byaheen namin.

Someone's POV

"Ano? Ready naba kayo?" saad ng lalaki sa kabilang linya

"Yes sir, hintayin niyo na lang kami jan" saad ng propesora.

Sa kabilang banda, mahimbing na natutulog ang mga mag kaklase at walang malay sa paparating na panganib
 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ISLA NG KAMATAYANWhere stories live. Discover now