Sigawan at nakakabinging tugtug ng musika, maraming tao ang nag sasayawan, mga iba't ibang alak ang pag pipilian.
"Girl doon tayo, may upuan do'n oh!" Turo ni Ren.
Pumunta kami sa sinabi ni Ren kaya binaba ko yong dress ko, masyado kasing maiksi.
Napansin iyon ni Clare, kaya tinitigan ko ito, kaya tumingin siya sa akin.
"Gusto mo bang umuwi? Mukang hindi ka kumportable, gusto mo hatid na kita? Sabihin ko nalang sa kanila na nahihilo ka." Bulong niya saakin, umiling nalang ako bilang sagot sakanya at nginitian.
Nag patuloy nalang kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami.
"Girl ano gustong mong inumin?" Si chesika.
"Ah hindi na, hindi ako iinom, baka mapagalitan lang ako pag uwi sa bahay." Sabi ko sakanya.
"Heller?! Kaya nga tayo pumunta dito para mag saya, diba girls?!"
"YUP!" sabay-sabay nilang sagot, anong magagawa ko? edi mag saya rin katulad nila.
Inabutan ako ni lerka ng inumin, inilingan ko nalang ito kaya biglang nag iba ang mukha niya, kaya napipilitan akong kunin ang hawak niya.
"Eyon lang pala eh, si lerka lang pala ang katapat haha!" Si Chesika na nag simulang uminon na.
"Bakit ganito?! Ang pangit ng lasa!" Omaygad hindi ko kaya, tinry ko yong alak akala ko matamis, Ang pait tapos parang ma anghang hindi ko kayang e explain!
Muli nila akong binigyan, at nilagok na parang tubig lang, nag iiba na ang paningin ko nanlalabo at parang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid, nag sasayawan at sumasabay sa musika.
"Yohooo!! Yah! Ehhh" lumapit ako sa kumpulan ng mga tao, at nakipag sayawan.
Wala na, wala na ang sakit na nararamdaman ko, malilimutan ko na.
Nag papasalamat ako sa mga kaibigan ko, lagi silang andyan pag malungkot ako, napangiti nalang ako.
Paikot-ikot ang ginagawa ko, nag t-twirk gaya ng napapanood ko tiktok, pinalugay ko na rin ang mahaba kong buhok.
Lumapit na rin yong mga kaibigan ko at nakipag sabayan saakin, puro kami tawa dahil may ka duet si jane, kahit hindi marunong mag twirk ay pinipilit pa rin niya.
Kaya lumapit ako, kaya umalis si jane, nag hiyawan ang mga kaibigan ko.
"HERA! HERA!"
Sayang naman ang talent ko kung hindi ko gagamitin, biglang nag iba yong kanta, napalitan ng tugtug yong sikat sa tiktok, Lagabog ata ang title.
Tiktoker ako kaya alam ko ang sayaw neto. Nag simula na ang kanta kaya nag ready na'ko.
"Ang galing ng Hera ko! Buntisin na yan!" Nag tawanan ang mga nakarinig sa sinabi ni Ren, kaya pati ako ay napatawa rin.
Sa bawat pag pag kembot ko, sumasabay din ang pag alog ng diddib ko, hindi naman siya kalakihan, sakto lang.
Natapos ang sayawan kaya bumalik na kami sa pwesto namin.
Bumalik naman ang mga ala-ala na ayaw ko nang balikan, napaka walang hiya niya!
"Oh bakit malungkot ang hera ko? Kung ako sayo kakalimutan ko nayang gago na yon, ang pangit niya Hera!" Sigaw saakin ni Chesika.
Kaya napaiyak nalang ako."mahal ko siya eh, ang sabi niya ako lang tapos... tapos may iba na pala siya ahhh" napaka iyakin ko ngayon, siguro tama na rin ng alak.