Sa mag ba'barkada ako palagi ang hopia, paano 'ba naman kasi lahat nalang ng gusto ko may gusto namang iba o, kaya naman ay basted agad ako hay buhay nga naman parang life ano.
Hello sa inyo diyan, bago ko pala i-kwento ang kwentong buhay pag-ibig ko ay nais ko muna ipakilala ang sarili ko sa inyong lahat. Ako nga pala si Rainier Thirdy Dela Cruz at kung nahahabaan kayo sa pangalan ko 'di kayo nag iisa dahil mula bata pa ako magpa'hanggang sa ngayong ay tinatamad ako sa haba ng pangalan na meron ako pero, you can call me "Third" for short yan na 'din kasi ang palayaw na kinasanayan ko.
It's been 10 years ago since the day I bid a good-bye to the girl I love the most. Ang sakit pala talaga kapag mag pa'paalam ka doon sa taong pinakamamahal mo ano, kung alam ko lang na ganon kalaki yung naging impact sa akin nung pag pa'paalam ko sa kaniya edi sana hindi ko na ginawa, sana hinayaan ko nalang na malimutan niya ako.
I was 17 years of age that time, and that time nasa bokabularyo ko na talaga ang kasabihang "Age doesn't matter when it comes to love" ohhh! Di'ba very makasinaunang tao sa earth, hahahaha pero aside from that kahit na ang bata ko pa, alam ko naman sa sarili ko na hindi na ako minor ano! sabi nga ng mga barkada ko pwede na ako makagawa ng bata pero siyempre di ako ganun ano, sila lang yun.
She's 22 that time, her name is Aeliana that means is "Sunshine" in luminously Latin girl's name, ang ganda di'ba pero siyempre hindi lang pangalan niya ang Maganda kung hindi siya mismo. Sa lahat ng babaeng nakausap ko natatangi kasi siya sa lahat, alam niyo yung pakiramdam na ang dami pang "mas" sa kaniya pero siya lang talaga yung gusto mong piliin. Ewan ko ba kung bakit pinili ko siya kahit na alam ko na ang sakit at ang hirap niyang mahalin, para kasi siyang mga bituin sa langit na kahit anong gawin mo, hirap 'kang abutin siya.
Ang tagal na pero siguro kahit sa pagtanda ko hinding hindi ko siya malilimutan, marahil na 'rin siya ang nag iisang babae na nakagawa ng mga bagay na siyang ikinamangha ko, paano ba naman, ang ganda niyang babae pero akala mo kung sino makaasta, basta ang hirap ipaliwanag kasi masasabi ko na kakaiba siya sa lahat ng mga babae na nakilala ko paano 'ba naman kasi, sinong matinong babae ang magbibigay effort mag sulat ng love letter di'ba weird but sweet.
BINABASA MO ANG
Ba'ka Hindi Tayo
Short StoryHow could you tell if it is True Love? but, that's not the question here. The question is, hanggang saan ang kaya mo'ng gawin to the person you love the most.