His Love

9 7 0
                                    

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng maramdamang wala siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ng maramdamang wala siya. The bed was empty. Saan kaya siya nagpunta? Napanguso ako.

Dumapo ang tingin ko sa orasan. Alas dose na pala. Napatingin ako sa bintana at naaninag ang pigura ng lalaki sa labas ng pinto, may dala-dalang bulaklak.

Agad akong napangiti saka binuksan ito.

“Love? Saan ka nagpunta? Anong oras na oh.”

“Ikaw? Bakit bakit gising ka pa?” tanong niya.

“Hindi kasi kaya ng puso kong matulog ng hindi ka kasama, nalulungkot.” biro ko.

Inaasahan kong matatawa siya saka babanat din pero nanatili siyang tahimik. Ang mga mata niya mukhang malungkot.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

“I love you, my honeybuchsugarplum” pagpapacute ko pa.

Napangiti siya saka inabot sa akin ang isng bouquet ng flowers.

“Happy Anniversary. I love you.” ani niya, saka niyakap ako ng mahigpit.

“I love you more, Jay.” I said smiling. “Two more years with you.”

“Callie!”

Napabalikwas ng bangon ng marinig ang humahagulgol na iyak.

I saw bela, my bestfriend, sitting beside my bed.

Before I could even utter her name, niyakap na niya ako ng mahigpit saka humagolgol na parang bata.

Hinarap ko siya, “Bela, bakit?” I wiped her tears away.

Kinagat niya ang labi bago magsalita.

“Callie,” malungkot na ani niya sa pangalan ko.

“Si Jay... Si Jay nasaksak.”

I stared at her confusion saka natawa nalang.

“That can't be. Kasama ko lang si Jay kanina. Andito— natahimik ako ng mapansing walang tao dito sa kwarto bukod sa aming dalawa.

Nilingon ko si bela. Nagkagat labi ito bago magsalita.
“Callie. Buong magdamag kang tulog.”

I  stared at her blankly before laughing sarcastically.

“Bela, hindi. Nagising ako kanina. At sinurprise niya ako! Bumati pa nga siya kasi Anniversary namin. Binigyan pa niya ako ng bulaklak,” ani ko.

Tinignan ko ang kamay ko. Nilingon ko din ang buong kwarto pero hindi ko mahanap ang kahit anong buluklak.

“Ito ba ang hinahanap mo?” Hinarap niya ako bago iabot ang isang bouquet ng flowers saka isang card.

The exact same bouquet that I received from Jay earlier.

Pinunasan ni Bela ang luha ko saka niyakap ako ng mahigpit.

“Nakita namin siya malapit sa may boutique. Kung saan malapit sa eskinitang mayroong mga nagaaway.” bumuntong hininga siya.

“Sinubukan ni Jay na umawat pero siya ang nasaksak.”

I felt my whole world collapse with what she just said.

Umiling-iling ako, “Hindi. Hindi! That's not true. You're lying right?”

Malungkot siyang tumingin sakin bago umiling.

“Nakita namin ang bulaklak saka ang card na yan hawak-hawak ni Jay noong nasakak siya.”

Hinigpitan ko ang yakap sa bulaklak na bigay niya.

“Kaya ba tayo pinagtagpo ng maaga, kasi hindi tayo sabay Tatanda?” tumulo ang mga luha ko.

“Kung hindi ikaw. Hindi ko nalang gugustuhing tumandang may kasama jay.”

— end

Whispers || One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon