Did you ever think of confessing your admiration to someone you admired for a year? The one you've been eyeing and always makes you blush. The one that makes you laugh and the one that makes your heart jump.
I never thought of that.
I admired him, sa malayo, sa tabi, sa mismong harap niya.
"Hey Duke, wanna hang out?" Tanong ng isa naming kamag-aral.
She's not my classmate, she's Duke's classmate. Nasa star section sila which is section ng mga matatalino, hindi ko alam bakit ako napadpad sa friend group nila dahil isa akong carefree na tao at hindi masyadong pala aral.
Nakilala ko sila sa stadium, lagi kasi akong naiiwan sa school dahil nag e-excuse ako na may pinapagawa yung teacher namin kahit wala naman. Hinding-hindi ko gusgustuhing umuwi ng maaga sa bahay dahil panay masasamang comparison lang naman ang naririnig ko.
At dahil student leaders sila, lagi silang nasa school.
But they never once think of me as their friend. Kalaro lang ang tingin nila sa akin at tanggap ko iyon.
And Duke.. Duke never once talk to me.
We played, we bonded, we tagged each other, we catch each other but we never once made a real conversation. Hindi pa kami nag uusap sa loob ng anim na taon sa school na ito.
Malapit na kaming grumaduate sa elementary pero ni minsan hindi kami nagkaroon ng conversation. Kilala namin ang isa't isa sa buong anim na taon pero ni minsan wala kaming maayos na pagkikita.
"Sis ayos lang yan, kanta ka nalang ng titibo tibo tutal tomboy ka naman." Rinig kong sabi ni Mika.
Inirapan ko lang siya. She's also one of the star kids, pero at least siya kinakausap ako kung kailan man niya ako makita. I also grew popularity sa school dahil sa koneksyon ko sa kanila, and also kilala ako ng mga parents nila dahil over achiever ang ate ko na kilala din sa buong school. Hindi maiiwasan na ikumpara nila ako sa ate ko na nakakasakit ng damdamin ko.
Hinila na ako ni Mika dahil oras na para umuwi kaming dalawa, magkapitbahay lang kami at sumasabay siya sa akin dahil sinusundo pa din ako.
"Hey.. Sis." Si ate.
Napaka ganda niya at talino, maputi siya at kulot ang buhok niya. Siya na ata ang pinaka magandang tao na nakilala ko sa buong mundo. Normally hindi ako sinusundo ni ate, tanging ang driver lang namin.
"Uyy Mika." Ngiti niya nang makita si Mika.
Ngumiti din si Mika at hinila na ako papasok ng sasakyan. Tahimik lamang ako sa byahe dahil sobra sobra ang hiya ko sa ate ko.
My ride was awkward, si ate na tahimik at si Mika na sobrang daldal. Hindi ko kayang magsalita kapag nandiyan si ate, natatakot ako sa kaniya at nanliliit ang tingin ko sa sarili ko kapag nariyan siya.
Ibinaba namin si Mika malapit sa bahay niya at umuwi na kami sa amin. Binati kami ng mga tao sa bahay pero mabilis akong kinabahan dahil sa mga sigaw na naririnig ko.
Hinawakan naman ako ni ate pero nagpumiglas ako at lumapit sa sigawan.
"You lying piece of shit!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko kay Mama.
Hindi ko man lang narinig ang salitang ito kay Mama, she's a woman with class. A business woman and a greate entrepreneur.
She's not like this, she's not like this at all..
"Siguro kung binibigay mo ang atensyon mo sa'kin katulad ng sa mga ka trabaho mo sana hindi ako naghanap ng iba!" I heard papa.
No..