Chapter 9

77.1K 1.8K 20
                                        

Chapter 9

I silently glanced Travis' sad eyes, he was looking at his Mom and sister's grave, humugot ako ng malalim na hininga bago naglakad palapit at saka hinawakan ang kamay niya, tumingin siya sa akin. "Mom, Breiz... I want you two to meet Kaira Chaves..."

Kinagat ko ang labi ko, "h-hello po sa inyo..."

Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Travis palapit at saka akbayan, "we're getting married soon..."

Tumaas ang isang kilay ko, "not gonna happen."

Ngumisi siya. "See Mom? She have the exact personality of a girl you always wanted me to marry."

Tumingin ako sa kanya habang nagtataka, what did he mean by that?

A silent wind passed us, "sorry Breiz kung ngayon lang ako nakabisita, ha?" Sabi ni Travis sabay lapag ng isang dosenang rosas sa taas ng puntod ng kanyang kapatid. Ganon din ang ginawa niya sa bouquet sa puntod ng Mama niya na katabi ni Breiz...

"Let's go." Sabi ni Travis matapos ang ilang sandali.

"Uuwi na tayo?" Sabi ko habang naglalakad pabalik ng sasakyan.

He nodded. "I have a meeting to attend today, I'm a president of the Javierres Company after all, I just postponed it for later so that we'll have time together."

Napatigil ako sa paglalakad, pinagmasdan ko si Travis habang naglalakad palayo sa akin, he postponed and delayed his work for me?

Lumingon siya. "What are you staring at? Let's go." Sabi niya sabay bukas ng sasakyan.

Lumunok ako at saka tumango at tumakbo na papunta sa sasakyan.

~*~

Isang oras na matapos ako mahatid ni Travis, heto ako ngayon... nakatunganga habang nakahiga sa sofa sa living room ng unit ko, bakit sa tuwing naaalala ko siya e kinakabahan ako?

Pumikit ako...

"Kai!!!" Napamulagat ako sabay tayo, bumungad sa akin sina Trisha, Vivien, JM, Ethan, at Blue.

"What the hell guys? Paano kayo nakapasok sa unit ko?!" Asar na sigaw ko.

"We have the keys! You gave us each, remember?" Trisha retorted sabay pakita ng susi.

I groaned. Why did I even think of giving them each?

"Tell us what's happening Kai!" Utos ni Vivien, halatang nakikilig na imbes na mag-concern sa akin.

"Why does Travis Javierres know you?" Pagsegunda ni JM, hindi mapakali at paikot-ikot siya sa gilid.

"Are you hiding something from us?" Pakisusyo naman ni Blue na lumapit sa akin.

"Tsk, what's the big deal about it?" Iritang saad ni Ethan sa may pinto habang nakakunot-noo.

"Dahan-dahan lang naman sa pagtanong! Mahina ang kalaban!" Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga sabay upo sa sofa. "Let me just say everything in one word: I'm-in-trouble."

"Well, that's three words!" Trisha rolled eyes.

Siningkitan ko sila ng mata, "okay, seryoso, how should I start explaining? Uhm... ok, let's just say I saw the billionaire's tattoo and right now as in 'now-now', I'm suffering the consequences of what I saw."

Suminghap silang lahat. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na mayroon akong koneksyon kay Travis, but what can I say? These are my best friends, wala akong maitatago sa kanila kahit ano man ang gawin ko.

"OMG! You're going to marry the billionaire! I'm going to be the flowergirl, okay?" Excited na sigaw ni Vivien.

"Shunga! Hindi ka na bata para maging flowergirl!" Tumingin si Trisha sa akin, "I'm going to be the maid of honor, okay?"

"Maid of honor, Trishalalabs? Seriously you can't, you're married to me." Ethan pouted.

Kumunot noo ako, "walang kasalan na magaganap. Never."

"I agree." Sabi ni JM, "we don't know yet the real intentions of this Travis guy, we can't trust him completely yet even if he is the richest guy who ever lived because I believe he is gay."

Tumawa sina Blue at Ethan.

"Wait... paano mo nakita ang tattoo niya?!" Takang tanong nila.

Nagbuntong-hininga ako, since alam naman na nila then I guess I should tell them everything that happened.

"Okay. Makinig kayong lahat ha?! Walang sasabat habang nagkukwento ako kundi hindi ko na itutuloy." Tugon ko, tumango naman sila at saka daling umupo para pakinggan ang kwento ko kung paano nangyari ang lahat. "One more thing before I start, Travis isn't gay."

Moonlit PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon