16

121 11 3
                                    

16

Mahimbing pang natutulog si Zerina sa kalagitnaan ng gabi, sa kanyang apartment, nang makarinig ng kalabog mula sa kapit-bahay niyang si Lori.

Dati-rati naman ay hindi niya naririnig si Lori sa kabila kung meron man itong kaniig, pero sobrang wild naman yata ngayon dahi ultimo langitngit na ng kama nito ay naririnig, siguro dahil na rin sa ang kanilang mga kwarto ay mayroong maliit na balkonahe.

Gumilid ng higa si Zerina at tinakip sa ulo ang unan. Pero napabangon na lamang si Zerina dahil walang nangyayari, matalim na tinignan niya ang pader. "Lo-ri." Nag-gigitgitan ang mga ngipin nito nang banggitin ang pangalan ni Lori.

Asar na bumangon muna itong si Zerina. Kumuha muna ito ng maiinom atsaka lumabas sa balkonahe. Mas klarong-klaro ngayon ang mga boses ni Lori at ang kaniig nito.

"Hmm, mukhang isa lang yata ang kasama niya ngayon." Komento ni Zerina at napasandal sa railings ng balkonahe nito.

Pinagmasdan niya ang kalangitan na napakaganda dahil sa mga bituin at malaking buwan. Umihip ang malamig na simoy ng hangin, buwan na rin kasi ng Disyembre kaya naman malamig ang ihip ng hangin.

"Sana pala natulog muna ako sa bahay ni Franco." Nakalabing sagot niya dahil heto siya at naputol ang tulog. Sinamaan niya ulit ng tingin ang kabilang apartment, na patuloy pa ring naririnig ang palitan ng ungol at hagikgik nitong si Lori, "Can I give back her ugly self again?"

"Ahh, Barro. Take me all night! Yes!"

Muntik mabitawan ni Zerina ang kanyang baso nang marinig ang pamilyar na pangalan sa bibig ni Lori. Hindi na siya nakagalaw nang makitang lumabas si Lori na hubo't hubad habang buhat-buhat siya ng isang lalaki na kumpleto pa ang suot.

Suminghap si Zerina dahil si Barro nga ang kasa-kasama nitong si Lori. Iniupo nito si Lori sa may barandilya at muling pumuwesto sa pagitan ng kanyang mga hita.

Hindi na napigilan ni Zerina ang sumigaw, "WHAT THE HELL!"

Napatingin tuloy ang dalawa, si Lori ay nahihiyang napangisi sabay patong ng ulo sa balikat ni Barro, habang si Barro ay nakaawang ang bibig.

"Tita Lee? I mean, professor?" Gulat na sambit ni Barro.

Hindi alam ni Zerina bakit lumapit siya sa may dulo at buong lakas ni hinagis ang baso pero swabeng nasalo iyon ni Barro.

"Zer, huwag mo namang saktan si Barro ko."

Zerina hissed at her, "Ikaw! Wala bang pahinga yan?" Dinuro nito ang bandang hita ni Lori. "Maawa ka naman sa katawan mo, at maawa ka sa akin! Nakakaistorbo ka! At ikaw!" Tinuro niya si Barro na ngayon ay humiwalay na kay Lori at inalalayan itong makababa. "Isusumbong kita sa Nanay mo! Anong oras na at nandito ka?"

Napakamot si Barro, "It's a mission kasi."

"Anong mission?!" Nilingon niya si Lori na talagang tinamaan ng lintik kay Barro dahil nakaakap ito sa likuran ni Barro at hinihimas-himas ang katawan. "Lori, pumasok ka na nga! Magbihis ka at matulog! Magtutuos kami ng pamangkin ko!"

Nagulat naman itong si Lori, "Pamangkin? Okay ka lang? Matanda pa satin 'to eh."

Napapikit nang mariin si Zerina at di na nag-abalang magpaliwanag.

Kaagad siyang lumabas ng apartment at hinintay na lumabas si Barro. Nakahalukipkip na hinihintay niya itong makalapit sa kanya.

"Tita, I mean professor. I was on a secret mission. Okay?"

"What mission? Why? Are you from the FBI? A spy?"

Napakamot sa batok si Barro, "I can't tell you. Lori could be a key to track those evils sucking others' lives. We both know that their victims are still increasing."

Not Even Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon