My GAY Fiancé: ♥2♥

19 0 0
                                    

My Gay Fiancé: ♥2♥

"Aba. Good mood yata si Madam aah. Anong meron Madam?" puna ng isang echoserang sastre.

Nilingon ko naman ang baklang nakangisi na iniluwa ng pintuan ng kanyang opisina. Aba'y ang saya nga. Ganda ng ngiti eh.

Siguro may bagong katextmate na naman yang baklang yan, o ano. Hmp. Bahala siya.

Oo. Galit ako sa kanya.

Biruin niyong iniwan niya ako sa bar na pinuntahan namin kagabi dun sa ex-suitor kong si Robin na ex-crush niya nung high school para masolo naman niya yung kasama ni Robin. Walang hiyang haliparot! Di niya ba alam na sobrang sakit mabugaw sa iba ng taong mahal mo para makapanlandi siya?! G-R-R-R. As in.

If I know, galit pa rin siya dahil sa 'kin nanligaw ang crush niya at gusto lang niya akong inisin kasi alam rin niya na bwisit na bwisit ako dati sa pesteng Robin Hood na yun!

And here comes the devil.

"Hi Sissy."

"Hey." pa-walang paking sagot ko kahit deep inside gusto ko siyang pagmumurahin at bangasan ang gwapo niyang mukha.

"Ganda ng drawing mo aah."

Kasi ang dinrowing ko ay siya na may sungay, buntot, pakpak, at malaking tinidor.

Pero syempre, joke lang. Fashion designer ako, malamang damit ang dino-drawing ko. It's a wedding dress, actually. My wedding dress kung sakaling magkaroon ng malaking milagro at pakasalan niya ako. Psh. In my dreams.

Tumango-tango lang ako.

"Alam mo, pwede na yan para sa bagong kliyente natin."

Suussss... Bagong kli-- Wait, what?!

Napalingon ako agad kay Kenneth na nakangisi pa rin at taas-baba ang kilay.

"Seryoso?" Taas-babang kilay lang ang sagot ng bruhilda.

"Sino?"

"Hmmmn, fianceé ng kasama ni Robin kahapon, si Bat Man. Ikakasal na sila 2 months from now at hanggang ngayon na malapit na ang kasal, wala pa ring nakakasang-ayon ang bride-to-be na gagawa ng espesyal na wedding gown niya pati damit ng mga abay, kaya I grabbed the opportunity. And you, my dear, will be the one to design her wedding gown." he explained and winked.

"Oh my gosh, oh my gosh, oh my gooosssshhh!" Hindi ko alam kung paano ako mabilis na nakatayo at nayakap siya. Sobrang saya ko lang talaga, as in! Hindi dahil sa makakapagdesign na naman ako ng mga bagong wedding gowns na hilig na hilig ko, kundi dahil hindi pala puro panlalandi at panlalalaki ang inaatupag ni Kenneth, hindi siya nakikipagmabutihan sa iba, at lalong-lalo na dahil nakatali na yung lalaki! Whoooo! Ang sayaaaa!

"Ayy, sistaaah. Wag ka ngang chancing! Ewww!" nagpupumiglas na pagkalas ng baktita.

" 'To naman oh. Happy lang!" Saka balik akap ko sa kanya at dinikit ang pisngi ko sa pisngi niya.

"Eeeehh... Ang sweet nina Madam Kendee at Ms. Gianna!" epal ng isa pang sastre at sinundan pa ng panunukso ng iba pa.

Pinamewangan naman sila ng bading. "Gusto niyong masesante? Halaa! Magsibalik sa trabaho!" Maldita talaga 'to. Haha.

"Ayy, Madam. Kelan po natin sisimulan yung ipapagawa ng bagong kliyente?"

"Bukas na bukas din."

~***~

*tililing tililing

Kasabay ng tunog ng wind chimes sa may doorstep ay ang pagpasok ng isang balingkinitan at napakagandang babae.

Nandito na ang bagong kliyente namin, si Ms. Cat Wo, na soon-to-be Mrs. Cat Wo-Man. Kasama rin niya ang fiancé na si Bat Man.

Phew! Buti nalang talaga at hindi sumama si Robin, kundi sira araw ko.

"Hi BM!" Bati ni Kenneth kay Bat Man at bumeso. "And hello, Ms. Cat." bati niya sa kasama sabay kuha ng kamay niya, and kissed it. Walangya! Dapat ba magmukha rin akong sosyal para ganyanin niya ako? Tsss. Kaselos kaya. As in. G-R-R-R.

"Oh, and by the way, this is my assistant, Gianna." pakilala niya sa 'kin.

"Actually, it's Gee Anne po. Gee Anne Silvestre." pangongoreksyon ko naman. Inirapan naman ako ng baktita. Our client just smiled.

"So, Ms. Cat, she is the one who's gonna design your wedding gown. After all, she's the Head Fashion Designer. Business Manager lang naman ako dito." Asusss. Pa-humble. "Is that okay with you?"

"That's great." she sweetly replied.

"This way to my office, Ma'am." I said politely sabay turo. Before I could take another step, kinalabit ako ng taksil kong minamahal.

"Hoy, ikaw Gianna ha, kilala kita. Don't do anything stupid." pabulong pero nanggigigil niyang paalala. Huh. Buti aware siya sa feelings ko at sa kung anong pwede kong gawin.

I stepped in just to see her marvel at everything in my office. Marami kasing nakapaskil na paintings, sketches, at drawings ng iba't ibang designs ko.

"Hello po, Ms. Cat." my greeting seemed to disturb her from her reverie, but with grace, she smiled at me. I immediately gave her some of my wedding dress designs para makapili siya or maka-build up sa mind niya ng gusto niyang attributes at details ng espesyal na wedding gown niya.

"I like the sleeves of this one, and then the frame of this, the details here, the embroidery and the beads and laces over here, and oh, here, I like the way the lower part seem to flutter when I'd walk..." she said as she looked into my designs. But she stopped when she got to look on one particular design. Nung tingnan ko kung anong design yun, napahawak ako dun at akmang babawiin. I bet she noticed, 'cause when I looked at her, she just smiled a different smile.

"This is a one of a kind design. Is there a particular person who's gonna wear this?" With her expression, I think she already knows the answer to her question. "Who's the lucky groom-to-be?" follow-up question niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero napa-share ako sa kliyente namin, digging deeper to personal stuff. "Wala po. Hindi pa po ako engaged."

"No, I mean, who's that lucky guy na mahal mo at gusto mong makasama habambuhay? I'm sure there is that someone you have in mind right now, 'cause if not, you wouldn't be able to make this wedding dress design that seems really personalized especially for the designer herself."

"Mahirap man paniwalaan, pero yung boss ko po..."

"Siya magsusuot?" Now she's puzzled.

"Ayy, hindi po. I-I mean... Umm.... .Kasi..."

"What is it?"

"Yung boss ko po yung taong gusto ko pong makasama habambuhay. At ang design na yan ang gusto kong maging itsura ng wedding dress ko pag nagkamilagro at magpakasal kami nun." waaaaahh. Kakahiyaaaa.

Tinapik nalang niya ako sa balikat. "Just don't stop believin'. Perhaps some could say you're reaching for the moon, but hey, love moves in mysterious ways." She then winked at me. Napa-smile na rin ako.

"So, let's get back to business, and design me one heck of a wedding gown especially for me." she finally said, with her usual sweet smile.

To be continued...

**********************************************************************************

Vote. Comment. Follow. :)

♥~Sam Heartbreak~♥ :">

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My GAY FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon