one

2 0 0
                                    

We are walking around the hallway kasi it's our 30 minutes break kaya naisipan nalang namin ng bestfriend ko na maglakad lakad because hindi rin naman kami makakakain agad sa kupad namin kumain dalawa.

"Huy, dali na kasi? manghihiram ka lang naman." pangungulit ko kay Lyana kasi wala nga pala akong dalang laptop ngayon at sakto pang inannounce sa gc ng section yung magkakagroup sa research 2. Ayos nga at hindi masyado mabibigat kagroup ko since magkakakilala na naman kami nung g11 alam ko na pagkatao nila. chos.

"Eh, ikaw na. Close rin naman kayo ni ate eh." sabat nya kaya habang inaayos ang ribbon nya. Nagmumukha na naman syang regalo.

Napasimangot nalang ako sakanya at nagmamake face sa likod nya nang malagpasan na namin yung arki department sa school. Ate nya rin kasi may dala ng laptop nila ngayon kaya baka sakaling makahiram kasi need namin idiscuss yung gagawin at yung topic na rin. Para hindi na rin kami magahol sa oras duh.

"Bukas na nga lang, tandaan mo 'tong araw na 'to Lyana Keen." sabi ko sakanya at nag phone nalang para gumawa ng gc at mag announce. Ako rin naman ang ginawang leader ano pa bang choice ko.

Habang naglalakad kami papaupo sa garden malapit sa gate ay nakasalubong namin yung iba naming classmate na lalabas yata. Sana all sakto lang sakanila 30 minutes break.

"Ay te, tanda mo pa ba si Nizi yung classmate natin dati na lumipat ng school?" biglang sabi ni Lyana kaya naganahan ako kasi chismis 'to for sure.

"Oh, anong meron? hinayang talaga ako bakit siya lumipat e top naman siya here, maraming friends, mabait, kaso nga lang may jowang---" nagulat ako nang marealize ko ang sinabi ko.

"Tumpak yang iniisip mo te, galing mo talaga pag usapang lalaki" hinarap ko naman sya with shocking face kasi ang kapal ng mukha nung lalaki magstay dito pwede namang siya nalang yung lumipat ng school. Hindi na siya nahiya, running for dean's list yung jowa nya pero ayun sya nangongopya kay Nizi at walang ginawa kundi maging maasim sa court?!?!

"Punyeta te, sabi sayo manloloko yung jowa nun kasi sa mukha palang alam mong hindi katiwa-tiwala eh. Tangina lakas din niya ah babae pa lumipat para iwasan siya. Mga lalaki nga naman wala nang dulot sa lipunan. Ang aasim pa lalo na pag nasa court yuck." sabi ko sakanya with matching actions pa.

"Kwento mo nga paano nagloko, alam kong alam mo yan kasi hindi ka naman magsasabi kung hindi mo alam shutaka" dugtong ko pa.

Kaya rin ayokong magjowa at naging man hater nalang (expect sa tatay at kuya ko kasi greenflag sila kaya may exemption!!) kasi sa tuwing naiisip ko mainlove may mga issue ng lalaki ang nagkakalat mapa labas ng school man o sa campus kaya hard pass sa larong inlove inlove-an idol. Magbabasa nalang ako ng libro kahit pa hindi sila nageexist at least greenflag mga lalaki ro'n hindi katulad dito (hindi ko na lalahatin baka kasi meron palang soft-spoken, greenflag na lalaki out there di lang nagpapakita) chachaka na nga ng mga mukha, hindi pa makabawi sa ugali agoi talaga.

Matapos ang 30 mins break namin ay bumalik na kami sa room at buti nalang WIRCC ang subject namin ngayon. Magiinterview lang si Ma'am about sa resume na ginawa namin last week.

"Barcelon?" Tawag ni Ma'am nang tapos nya na ang mga letter A. Shet mukhang maabot pa ako kasi C ako.

"Sana lang abutin ng time para next Tuesday na ako ppls pls." dasal ko kaya tinawanan lang ako ng mga katabi ko. Porket malalayo pa surnames nyo ganiyan na kayo huhuhu.

"Okay, since we're already time na, next tuesday na natin itutuloy ang interview. You may now go" sabi ni Ma'am kaya lumabas na kami

Natawag ako ngayon kaya malumbay ako now.. hindi ako prepared sa mga sinasabi ni Ma'am! pero sabi nya naman great job pa rin ako huhu sana nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Path of HateWhere stories live. Discover now