⚠️ WARNING: May contains some explicit words. Read at your own risk!
CHAPTER 03
HINDI maalis ang ngiti sa aking mga labi kahit pa tuluyan na akong makalabas sa mansyon. Para akong nanalo ng isang bagay at sobrang tuwa ang aking nadarama. Sino ang mag-aakalang ganito lang naman pala kadaling malapitan at paglaruan ang isang kaaway na syang kinasusuklaman ko nang husto at pati na rin ng pamilya ko?
Gusto kong magdiwang kahit wala pa kami sa tagumpay. Simula pa lamang ito ng aming mga plano pero nakakasiguro akong may mas hihigit pa dito sa ginagawa namin.
Kaagad na dumiretso ako sa isang bahagi ng lupain na medyo may kalayuan na sa mansyon para kunin ang isang bagay. Bakante ang lugar na ito pero may mga pananim sa paligid nito at may mga puno rin.
Kinuha ko sa bulsa ng jeans ko ang isang susi at kaagad na sumampa sa may kalakihan kong black Thunderbolt motorcycle. At nang makapuwesto na ay pinaharurot ko agad ito.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay si Nanay agad ang bumungad sa aking paningin. Prente siyang nakaupo sa sofa na tila ba hinihintay talaga niya ang pag-uwi ko.
Napangiti ako sa kaniya saka ako lumapit sa kinaroroonan niya at naupo sa tapat niya.
“Anong pakay sa'yo ng Señorito at pinapatawag ka niya?”
Mas lalo akong napangiti na siyang ikinakunot ng noo ni Nanay ngunit agad din namang napawi iyon. Marahil, napagtanto niyang maganda ang ipinapahiwatig ko dito.
“May binigay siya sa aking trabaho, 'nay.” Saad ko.
“Anong trabaho, Zeliah?” Seryosong tanong ni Nanay at kikitain sa kaniyang mukha ang pagka-kyuryoso.
Napatitig ako sa kaniya bago nagsalita.
“Ako ang inatasan niyang maglilinis raw ng kaniyang silid. Pagkatapos ng klase ko, 'yon daw ang oras para pumunta ako doon at gawin ang trabaho ko.” Pagsisimula ko.
Nanatiling nakatitig lamang sa akin si Nanay at parang pinag-aralan ang bawat salitang binibigkas ko.
“Saka ang sabi niya, ako lang daw dapat ang gagawa niyan. At, araw-araw ko rin daw gagawin ’yan,” dagdag ko.
Napaiwas ako ng tingin kay Nanay at napatawa nang mahina.
“Hindi na ako masyadong mahihirapang kumilos dahil may naisip na akong paraan, 'nay.” Napatingin ulit ako kay Nanay pero sa puntong ito ay seryoso na ang ekspresyon ng mukha ko.
“Alam mo na ang mga bagay na dapat mong gawin at iwasan, Zeliah.”
Bahagya akong napatango sa kaniya.
Batid ko na kahit ginawa namin ito upang makuha ang mga bagay na kinuha ng pamilya nila sa amin at upang makaganti, ay may limitasyon rin ang bawat aksiyong gagawin namin. Kaya dapat ay hindi kami padalos-dalos sa pagkilos.
“Mag-ingat ka sa bawat planong binabalak mong gawin. Alam nating pareho na kumikilos rin nang tahimik at patago ang mga kaaway natin.” Ma-awtoridad na saad ni Nanay at mahihimigan sa kaniyang boses ang pagbabanta.
“Naintindihan ko po, 'nay. Huwag kayong mag-alala, mag-iingat naman ako.” Tugon ko sa kaniya at ngumiti to make her assured that I'll take care of myself.
“Oo nga pala, may hindi ka pa sinasabi sa'kin.” Saad ni Nanay kaya naman, bahagya akong napatigil.
“Ang alin, 'nay? Tungkol saan ba?” Tanong ko.
Napaisip naman ako kung ano ang hindi ko pa nasabi sa kaniya.
“Kinausap ka ng Señora, hindi ka ba niya nakilala, Zeliah?” Tanong ni Nanay at makikita sa kaniyang mukha ang pagkabahala ngunit kalmado ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Through Fire And Desire
RomanceSa likod ng ipinapakitang kabaitan ni Zeliah Lynne ay may ikinubling kadiliman siya na hindi lingid sa kaalaman ng lahat. She's doing that because of a mission. Nang makaharap niya ang isa sa mga target niya na si Señorito Kai Javien, nang una ay...