Episode 6

15 3 0
                                    


Monique...

Nakalabas na si Ashley sa larawan ni Fabian.Pero Ewan nya dahil nagkaroon sya ng lungkot mula ng makalabas sya.Sabloob ng ilang araw nyang pagkawala palagi nyang kasama si Fabian at pinapasaya sya nito.,na hindi nya naramdaman Kay Adrian...Pero Alam nya sa sarili nya na Mali ang kanyang nararamdaman...

Nilapitan nya si Adrian at hinaplos sa mukha...kaya nagising naman agad sibAdrian at agad na niyakap si Ashley...

"Honey,honey,nagbalik ka."ang Sabi ni Adrian.

"Sorry,honey"ang sagot lamang ni Ashley.

"Sorry for what?"takang sagot ni Adrian.

"Sorry kung nawala ako bigla,at nag alala ka sa akin."anan ni Ashley.

"Saan ka ba galing,honey?Alam mo bang halos mabaliw na ko kakahanap sayo."ang unti-unti ng pagalit na tono ni Adrian.

Hindi sumagot si Ashley sa halip ay nakatingin sya sa larawan ni Fabian.

Habang si Adrian ay sinusundan ang tinitingnan ni Ashley.

"Honey,"tawag pa ni Adrian.

"Ah! Hindi na mahalaga Yun,honey.ang mahalaga nakabalik na ko ng ligtas sayo,honey "ang nakangiti pang Sabi ni Ashley.

"Yun lang sasabihin mo.Apat na araw Kang nawawala.Ashley,tapos yan lang sasabihin mo."anan ni Adrian.

"Ano pa bang gusto mong malaman?"ang naiinis na tono ni Ashley.

"Gusto ko lang malaman,kung saan ka galing?"ulit pa ni Adrian.

"Gusto ko ng kumain."ang Sabi lamang ni Ashley.

"Sige,ipagpapaluto kita Kay manang Cora."biglang humina ang tono ni Adrian ng maramdaman nyang iba na ang tono ni Ashley.

Una ng umalis so Ashley papuntang kusina...at bago pa sumunod si Adrian Kay Ashley ay tumingin ito ng masama sa frame ng kNyang lolo.

~°~ Time of Fabian ~°~

"mukhang malungkot kayo,don Fabian,mula ng umalis ang senorita Ashley."si Elizabeth na ina ni Cora.

"Naramdaman ko kase ang lungkot din ni Ashley,mula ng bumalik sya sa mundo nila.Sa tingin ko,ang pagkakahawig nya Kay romeo ay anak sya ni romeo Kay Carmen."malungkot na sagot ni Fabian.

"Pero di ba,don Fabian,bago pa namatay sa panganganak Kay Monique.hindi ba si Monique ang unang anak nila Carmen at romeo."ang Sabi pa ni Elizabeth.

"Ang mga tingin ni Ashley kanina,kita ko sa mga Maya nya na babalik sya.At kailangan Kong malaman ang katotohanan sa batang yan."anan ni Fabian.

~°~ Time of Fabian and romeo ~°~

Eto yung bago pa makapasok si Ashley sa larawan ni Fabian...

~°~. Flashback. ~°~

"Bakit lagi na lang kayong magkasama ni Don Fabian?"ang tanong ni Carmen...

"Ano ba naman,sweetheart kakarating ko pa lang galing trabaho,"anan ni romeo.

"Malapit na Kong manganak,palagi Kang wala sa tabi ko."anya pa ni Carmen...

"Kaya nga ko,nagtatrabaho para di nakakahiya Kay Fabian.Nakikisama lang ako carmen."anya ni romeo.

"Sinungaling,ang sabihin mo may relasyon kayo ng Fabian na yan.kalat na kalat na kaya dito sa hacienda na may ginagawa kayong di maganda."anan ni Carmen.

"Ibaba mo nga ang boses mo,Carmen.Baka marinig ka ni Fabian."anan pa ni romeo.

"Bakit hindi ba totoo?"pang uusig pa na tanong ni Carmen.

"Hindi totoo ang mga nalaman mo,kaibigan ko si Fabian mula pagkabata,at alam mo naman Yun di ba."anan ni romeo.

"Wala along pakialam...pagkapanganak ko sa bata,lalayo na kami dito ni Monique."anya pang may tono ng pagbabanta ni Carmen.

"Yan ang wag na wag mong gagawin,Carmen."anan ni romeo at...

Lalapit si Fabian sa nagtatanong mag-asawa...

"Ano bang problema dito?"tanong ni Fabian.

"Fabian,dun ka na.Wag ka ng sumali dito.Away mag-asawa ito."ang Sabi pa ni romeo.

"Bakit ba?"muling tanong ni Fabian.

"Totoo,di ba,may relasyon kayong dalawa.Aminin mo Fabian."tanong pa ni Carmen Kay Fabian.

Sa puntong Yun,gusto ng isigaw ni Fabian ang katotohanan...Pero pinipigilan sya ni romeo,kaya naman...

"Wala kaming relasyon ng asawa mo,tinalikuran nga nya ang pagkakaibigan namin dahil sayo.Ginawa nyang isang manggagawa ang kanyang sarili,kahit di naman dapat,para sayo.Nagtatrabaho si Romeo para sa anak nyo."paliwanag ni Fabian.

"Tama na Fabian,"pigil pa ni romeo.

Away ni romeo at palabas na ng kwarto si Fabian ng magsiaisigaw si Carmen Tila manganganak na ito kaya madaling nagtulong ang dalawa na dinala si Carmen sa hospital.

"Aaaahhhhhh...romeo....si Monique...."ang sigaw ko Carmen.

*Skip*

Kinabukasan...

Matapos managank ni Carmen Kay baby Monique ay di nito nakayanan at nabawian ito ng buhay...kaya inaalagaan ni romeo at Fabian si Monique ...

Habang lumilipas ang araw ay walang mapag sidlan ng saya si Fabian,dahil pakiramdam nya na sya ang ama ni baby Monique ...

Habang nagtatrabaho si Fabian,naiwan si baby Monique at romeo sa mansyon...

"Oh! Cora,anong Ginagawa mo dito?"tanong ni romeo sa batang paslit.

"Gusto ko lang po makita si baby Monique." Ang Sabi pa ni Cora na masayang masaya.

"Ganon ba,sige...papayagan kitang makita so Monique,Pero wag mong hahawakan,bagong ligo lang sya."anan pa ni romeo.

"Talaga po,salamat po,may kalaro ka na baby Monique."ang masayang tugon ni Cora.

"Ang cute nya di ba,sya Cora...wag mong bubuhatin si baby,may kukunin lang ako sa kusina."anan ni romeo.

At tumango lang ang batang si Cora saka umalis si Romeo...

Maya-maya pa ay umiyak na ang baby at di malaman ni Cora ang gagawin kaya kahit bawal nyang hawakan ang baby ay binuhat nya ito saka iniharap sa salamin.

Mabuti na lang at dumating ang ina ni Cora...at inagaw ang bata dito...

"Cora,bakit hawak mo si baby Monique?iniharap mo pa sa salamin na may nakasinding kandila." Anyang pinagagalitan ang anak na so Cora.

"Eh! Inay,pinabantayan kase po sa akin ni don romeo si baby."anan pa ni Cora.

"Sa susunod wag mo ng ihaharap si baby sa salamin."anan ni Elizabeth.

"Bakit po ba inay? Masama po ba?"tanong pa ng bata.

"Oo Cora,dahil sa likod ng salamin na yan,may ibang mundo na nakatira dyan."paliwanag pa ng ina ni Cora at...

Magtatanong pa Sana si Cora Pero dumating na so romeo...kasunod si Fabian...at masayang binuhat ni Fabian ang bata kahit pagod sya.

"Kamusta na ang aking prinsesa?"tanong pa ni Fabian na kinakausap ang walang malay na bata.

At ngumiti lamang si Romeo.

The Time of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon