Chapter O1

32 2 5
                                    

Chapter 01

"Five more jumping jacks! Pagkatapos, tapos na tayo! Push guys!"

Patuloy kaming nagj-jumping jacks sa field para sa PE class. Minsan talaga hindi ko nakikitang educational ang PE namin. Ano naman makukuha ko sa jumping jacks? Physical strength at biceps? Trabaho na ng sugar daddy ko sa future yon.

Bakit kasi ngayon pa e may period ako? Pinagjogging pa kami sa buong track ng sampung beses. Grabeng parusa naman 'to Lord.

"Okay, go back to your respective classes now and change. See you guys tomorrow."

Sa wakas!

Hinihingal na humawak ako sa dalawang tuhod ko. Nilingon ko sina Suzumi at Natalia na hinihingal rin sa gilid ko.

Lumapit ako sa kanila.

"Palit na tayo?" Tanong ko. Naka PE uniform pa kasi kami.

White short sleeve jersey may green sleeves tapos may 'Notre Dame' sa harap at pangalan na naka marker sa top left. Naka shorts kami ngayon. Dalawa yung pang baba, either pants or shorts pero napakainit kasi ngayon kaya nakashorts mostly.

"Sige, tara." Sagot ni Natalia.

"Sabihan ko ba si Thaddeus?" Tanong ni Suzumi.

"'Wag na, hayaan mo siya malaki na siya." Tinapik ko ang balikat niya at sabay na kaming pumunta sa classroom para kunin ang uniform namin para makapagpalit na.

Pagkatapos namin magpalit ay bumalik na rin kami sa classroom para sa next class namin. Halos tunggain ko na yung hydroflask ko para maibsan yung uhaw ko.

Na pinagsisihan ko agad dahil naubos ko na yung tubig ko sa kalagitnaan ng english class namin. Tapos naiihi ako. Ayoko pa naman maka-miss ng lesson.

Titiisin ko nalang. Ah basta bahala na. Ang istrikta pa naman ni Ms. Aguinaldo.

"..We have different literary techniques that are used in literature. Who can name them?"

Nagnnotes ako para idistract ang sarili ko ng narinig ko yung tanong ni Ms. Aguinaldo. Chance ko na 'to para makaexcuse palabas!

Kaso.. baka mamiss ko yung lesson nya. Ang hirap pa naman kapag lumabas ka saglit tapos pagbalik mo hindi mo na alam saang lupalop ng textbook na ang pinaguusapan nila.

Tulad nung isang beses bago ako lumabas naguusap lang kami tungkol sa mga matters of science tapos bigla pagbalik ko may quiz na pala kami tungkol sa climate change?

Hay bahala na! Alangan naman mamatay nako sa UTI dito.

I raised my hand. Tiningnan ako ni Ms. Aguinaldo.

"Go ahead."

I stood up and fixed my skirt. "The most commonly used figures of literature are Simile, Metaphor, Personification, Hyperbole, Alliteration, Imagery, foreshadowing and many more such as Dramatic Irony and Symbolism."

"Good job Ms. Zenaida. You may sit. Can anyone elaborate each one of what Ms. Zenaida just said?"

Oh shoot. Sorry sa matatawag na susunod. I bit my lip and excused myself to go to the restroom.

Yung main restroom ay under maintenance pa kaya kinailangan ko pang dumayo sa isa pang restroom sa medyo malayong dako ng school. Hindi na sana ako pupunta kaso ay hindi ako makapag concentrate kapag wala yung phsyiological need ko.

Ay, wow physiological need? In short, naiihi lang talaga ako.

Nang makarating ay sa wakas guminhawa na ang pakiramdam ko. Natataranta na nga ako dahil hindi ko alam kung ilang minuto na akong nawala. Madalas pa naman yung mga student council nagroronda ng mga ganitong oras.

Amidst the top | Notre Dame Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon