Chapter One

2 0 0
                                    

"Good afternoon po, Sir." Bati niya sa lalaking nakaupo sa likod ng mesa. Hawak nito ang kanyang resume'.

Nalay-off siya sa dating restaurant na pinagtatrabahuan niya kaya ngaun susubukan niyang mag apply bilang call center agent. Para naman kung matatanggap siya rito wala ng lay-off basta maayos ang record.

"Good afternoon Ms. Revira." Ganting bati nito sa striktong boses.

Mukhang mapapalaban siya ng englishan sa kaharap. Masyadong pormal. tapos na siya sa mga stages ng pagaapply. Final interview na ito. "Lord, Panubayan niyo nawa ako." Nausal ng utak niya.

"So, you're a BS Management graduate. Why are you applying here to be an agent? Your records are promising. Cum laude." Nagtatakang Tanong nito.

"Is there any reason why you didn't use your degree. No offer? nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatinin sa kanya na para bang sinusukat siya.

"uhmm, to answer your first question, Sir. Yes I am Cum laude in BS Management. I am applying here to have the opportunity to learn, be part of this growing company to grow and to sharpen my communication skills."

"Second, Yes the reason why I can't accept any offer from other companies because I got into an accident 6 years ago. I dont remember my memories from third year college up to six years ago. so, because of that Sir, I cannot give my 100% skills in a position they're offering but I assure you and this company that I will do my best to learn and give my 100% in communication skills." Mahabang pahayag niya. Shit! Sana hindi ko nalang pala nilagay na graduate ako. mukhang matatagilid pa ako dito.

Marami pang tanong ang interviewer pero nasasagot ko naman ng maayos. Hindi lang ako sigurado kung makakapasa ba ako kasi naungkat pa ang nakaraan. Sana talaga hindi ko na nilagay na graduate ako ng college. Wala din naman akong mapapala kasi wala akong maalala. Shit talagang malupit!

"Lord, sana man lang maawa saken yong interviewer." napapikit na panalangin ko habang naghihintay ng resulta.

Pinaghintay kami sa lobby ng assistant ng nag interview kasi tatawagin daw ang mga nakapasa. Bakit kaya hindi nalang nila kami prankahin kung bagsak kami? nagtatakang tanonng ko sa sarili. pasuspense pa eh.

pero napansin ko na parang kumunti kami. kanina kasi nasa mga mahigit bente kami dito. Ngaun mahigit sampo nalang. halos kalahati pala ang nawala. Pero baka may binili lang or nagbanyo. sa sobrang haba at tagal kasi ng proseso may iba na sumusuko na unang satage palang.

Nakita kong papalapit na ang assistant kaya naman napatayo ako. Pati mga katabi ko sa upuan ay napatayo na din. Tinawag niya ang mga pangalan ng mga nakapasa kasama ang pangalan ko. Hays, Thank You, Lord.

"Mag report kayo sa Monday 7pm sharp. bawal malate." Yan ang pinakapinagdiinan niya. May mga dinagdag pa siya at pinaalis na kami.

Masaya akong lumabas sa gusali at dumaan muna ng SM Department store para bumili ng mga kakailanganin sa bahay.

Paglabas ko ng Hospital noon hinatid ako ng kaibigan kong si Camille sa bahay ko raw. Hindi ko matandaan na bumili ako ng bahay. Knowing na ilang buwan palang akong nakakagrauate ng college noon. Napabuga ako ng hangin. Sabi kasi ng Doktor huwag ko daw pipiliting makaalala dahil kusang babalik naman daw yun.

Pero it's been six years. Wala parin akong maalala kahit isang kaganapan mula noon. Dreams? Yes, every night I dream. lagi akong mapapabalikwas kalagitnaan ng tulog ko pero paggising ko hindi ko na maalala yong panaginip ko. Minsan pinipilit kong alalahanin ngunit sumasakit ang ulo ko kaya hindi ko na iniisip ngayon. Hinahayaan ko nalang.

Pagkatapos mabili ang mga kailangan sa bahay ay lumabas na ako ng department store ay naglakad ako ng konti para makasakay ng tricycle pauwi. Four na ng hapon kaya naman nagmadali na ako. mahaba talaga ang proseso ng pagaapply sa call center kaya inabot na ako ng hapon. Buti nalang nakapasa ako. Friday ngayon kaya naman may panahon pa akong magpahinga para sa darating na Monday.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ScarWhere stories live. Discover now