The Memoir of Love

27 0 0
                                    

WALA PONG PROLOGUE.  [ sa wakas, nai-lagay ko din dito ang matagal nang nakatago sa aking mahiwagang kwaderno. ;~; ]

xx

CHAPTER 1

"Ma, ayaw ko na dito." sambit ng isang babae. Naka-upo ang dalaga sa damuhan at naka-sandal ang kanyang likod sa isang puno. Humahagulgol ito habang yakap-yakap ng kanyang mga kamay ang kanyang tuhod. "Kunin mo na ako, ma." iyak ng dalaga habang naka-baon ang ulo niya sa kanyang tuhod. Mas lalo pang lumakas ang hagulgol niya. Wala siyang pakealam dahil ang alam niya, siya lang naman ang nandoon. Pero mali siya.

"Ano ba 'yan." napatigil ang babae sa pag-hikbi dahil sa narinig niyang boses. Tumingin siya sa kanyang kanan, pero wala namang tao. Ganun din naman sa kanyang kaliwa. Natakot ang dalaga dahil naisip niya na maaring nanggaling ang boses na iyon sa multo na matagal nang naninirahan dito sa hardin. Natakot siya dahil naisip niya baka siya'y kunin nito at kainin ng buhay. "Pssst." muling nag-paramdam ang boses sa kanya. "Huy!" lumakas lalo ang boses ng "multo".

"Tama na po! Huhuhu. Pasensya na kung nabulabog ko ang nananahimik niyong kaluluwa. 'Wag niyo po akong kunin. Huhuhuhu." iyak ng dalaga habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang tenga. Takot kasi talaga siya mga multo. Ni minsan, hindi niya pinangarap na maging myembro ng ghost busters

"HAHAHAHAHA!" tawa noong boses. "Tingin ka sa taas." sambit nito. Kumalma naman ang dalaga at sinunod ang utos noong boses. Nahagilap ng babae ang isang lalaking naka-upo sa isa sa mga sanga ng puno.

"M-multo ka ba?" tanong ng dalaga. Hindi sumagot ang lalaki at ngumiti lang ito sa kawalan. Nag-taka ang dalaga dahil noong makita niya ang binata eh wala siyang naramdamang takot. Multo nga ba talaga siya? Habang nag-iisip siya ng kung anu-ano, biglang tumalon pababa ang binata. Nagulat ang dalaga dahil hindi niya inakalang gagawin niya iyon. Superman lang ang peg niya. Lumapit sakanya ang binata. Noong tuluyan na siyang maka-lapit, umupo siya sa tabi ng dalaga. Tinitigan lang ng binata ang dalaga hanggang sila'y nagka-titigan. Natigil naman iyon ng noong pinindot-pindot ng dalaga and mukha ng binata. Mula sa kanyang noo, sa kanyang ilong, sa kanyang pisngi, sa labi, hanggang sa kanyang baba.

Namutawi sa mukha ng dalaga ang isang gulat na gulat na ekspresyon. "TAO KA?!" sigaw ng dalaga. Napa-ngiti na lamang ang binata sa naging reaksyon ng dalaga. Nagtaka siyang sandali kung bakit hindi siya nakilala ng dalaga pero napag-tanto niyang bagong lipat siya na estudyante. Hindi pa niya kasi ito nakita dito dati. "Bakit ka andito? May klase pa ah." tanong niya sa binata.

"Eh ikaw, bakit ka andito?" pabalik niyang tanong sa dalaga. Hindi siya sumagot at napa-tungo nalang siya. Naramdaman naman ng binata na may problema ito kaya hindi nalang siya nag-salita. Naupo lang silang dalawa doon hanggang sa tumunog na ang bell. Tiningnan ng binata ang kanyang relo at napa-ngiti siya dahil lunch break na. Agad siyang tumayo para umalis pero naalala niyang may kasama pala siya. "Alam mo, kung aayaw ka kaagad eh walang mangyayari sayo." sambit ng binata habang naka-talikod sa dalaga. "Ge, alis na ako, Yuri."

Nagulat ang dalaga dahil alam nito ang pangalan niya. Tumayo ito at nag-salita. "Teka! Anong pangalan mo?" 

"Ian, Ian Reyes." at tuluyan na siyang umalis hanggang sa hindi na natanaww ng mga mata ni Yuri ang binata.

xx

Success. Huhu ; ;

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Memoir of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon