***
"What do you think? M-maganda ba..?"
Sabi ko habang nakatingin sa ibaba at kinakagat mga kuko ko dahil sa kaba. Napatingin ako sa kaniya dahil hindi siya sumasagot. Hindi niya ata nagustuhan yung story na ginawa ko. Shit!
"Hindi mo ba nagus-" napatigil ako nang makitang tumutulo luha niya. Anong gagawin ko? lagot.
"Uyyy! Bakit umiiyak ka? ayos ka lang ba? huwag kang umiyak baliw ka!" sabi ko habang nag pa-panic dahil hindi ko alam kung paano papatahanin si Lhian.
"Ang pangit ng ugali mo! Bakit mo pinatay yung dalawang bida? HUSTISYA Jairus!!" he shouted.
Apaka OA naman ng taong 'to! Akala ko napapano na. Pero ang cute niya pala umiyak...that was my first time seeing him crying. Tigasin kasi siya tapos sa story ko lang pala iiyak HAHAHA!
"OA NAMAN! Akin na nga, mapatakan pa ng kadiri mong luha 'tong librong gawa ko."
Hinablot ko ang libro ko sa kamay niya dahil mababasa. Bagong print lang kasi 'to! Sayang ginastos ko rito, 3 days ko na ring baon 'yon, no!!
Saktong-sakto at tumunog na ang bell, nagugutom na'ko eh. Kinuha ko ang wallet ko sa bag at lumabas para bumili sa canteen ng makakain. Sabi ko sa sarili ko mag-iipon na'ko eh! Panay naman kasi ko lamon, pero okay lang, DESERVE MO 'TO SELF!!
Nanlaki mga mata ko sa dami ng bumibili, jusko!
Dahil chismoso 'kong tao, nakipag siksikan ako sa mga ibang istudyante para tignan kung ano meron sa canteen. Baka kasi may luto ng turon hehe.
"Aray! excuse me! excuse ME!!!! What the-" napatigil ako nang tumilampon yung libro ko habang nakikipag gitgitan sa mga hinayupak kong schoolmates.
"Huyy! yung libro koo! KAKAPA-PRINT KO LANG NOON EH!! Teka lang naman-"
May tumulak sakin kaya napa upo ako sa sahig. Sakit sa pwet takte! Tumayo ako at sinigawan silang lahat dahil sa pikon. "UMAYOS NGA KAYO NG PILA!! NAKAKASAKIT NA KAYO, HINDI NIYO BA ALAM? TULAKAN KAYO NANG TULAKAN! FEELING MGA ELEM STUDENTS?!" inis na inis kong isinigaw sa kanila. Ang daming napahinto at napatingin sa ginawa ko, kaya nahiya ako ng konti.
"Narinig niyo ba sinabi ni Vice Pres? Pumila raw kayo ng maayos para walang mag kasakitan!"
Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin. Hindi ako nakagalaw... si Lhian pala. Tumingin ako sa kaniya at nag tama ang aming mga mata at... Ayon! nag palibre! hayop na lalaki 'to. "Tinitingin-tingin mo? Libre mo na'ko aba! Wala nang libre sa panahon ngayon, boi! masakit din sa lalamunan sumigaw ah" syempre laging may kapalit, si Lhian na 'yan eh.
Pumila na kami para bumili.
"Astig ng kwento mo Jai, promise 'di ako nag bibiro! Naiiyak pa rin ako putcha." ani Lhian habang nakapila sa likod ko.
"Seryoso ba? Ilang months ko rin kasing sinulat yung libro ko..." yung libro ko... YUNG LIBRO KO!! Nawala sa loob kong hanapin! Shitt.
Umalis ako sa pila ko at sinabihan si Lhian na siya na pumila at bumili dahil hahanapin ko nga yung libro ko. Nakakaasar! malas naman, kakaprint lang noon eh.
"Asan na ba kasi 'yon?" tinignan ko sa mga ilalim ng mga tables baka kasi andon. Nag mukha akong tanga kakahanap at napagod na rin ang leeg ko kakayuko. Hindi ko talaga makita huhu "nakakainis naman... pinag hirapan ko yon eh..." naiiyak kong sabi sa sarili habang lumalabas sa ilalim ng lamesa.
Bumalik na lang ako sa classroom, doon nalang ako mag mumokmok. Malas naman! ipapabasa ko pa sa mga kaibigan ko 'yon eh. Mag p-print nalang siguro ko ng bago.
BINABASA MO ANG
Chasing The Dream
RomanceNever ever fall inlove to your best friend/friend. Jairus tried to control his feelings for Lhian just to keep their friendship. He can sacrifice everything for Lhian just to make Lhian stay by his side.