Chapter 20

460 12 0
                                    

Nagluto si Tita ng nilagang baka. Because Zieg's recovering, mainam daw na humigop sya ng sabaw. Tinulungan ko si Tita sa kusina habang si Tito Jay ay kausap si Martin sa likod. Aayain ko na sana kumain si Zieg pero pagpasok ko ay mahimbing ang tulog nya. We all decided na huwag na lang syang gisingin.

Pinasabay na namin si Martin sa pagkain.

Tumabi ako kay Zieg pagkatapos ko magpatunaw ng kinain ng kaunti. I hugged him from behind. I felt him squirmed a little, pero kagaya kanina ay hindi sya pumalag or hindi nya ako tinulak. I slept beside him with a smile on my face.

Mabilis akong napadilat nang maramdaman ko ang kakaibang pag-galaw ni Zieg habang naka yakap ako sa kanya. Napabangon ako at tiningnan sya. Parang nahihirapan sya na ewan. I was about to wake him up when he shouted.

"No! Ayanna!" Then tears started to run down his closed eyes.

Natigalgal ako sandal. Napatitig lang ako kay Zieg. He was squirming like he's been having a hard time moving. Parang gusto nyang kumawala kahit wala namang nagrerestrict sa kanya.

"Please... Ayanna!" Lalong lumakas ang tawag nya at lumukot ang mukha nya na parang mas nahihirapan sya.

Binundol na ako ng kaba. Mabilis ko na syang ginising. Yinugyog ko ang braso nya while softly calling him.

"Zieg.. Zieg nandito ako.." Naiiyak na sabi ko. Naninigas ang katawan nya, he's murmuring now at hindi ko maintindihinan. Mas linakasan ko ang pagyugyog sa kanya. "Zieg! Zieg wake up!"

Sobrang nagpapanic na ako kaya naisip ko na sampalin sya. I did, I made sure na malakas. De bale nang masaktan si Zieg basta magising sya. When Zieg opened his eyes, tinakpan ko ang bibig ko dahil naiyak na talaga ako.

He blinked a few times, tapos bumalikwas sya ng bangon at tumingin sa paligid na parang natatakot sya. When his eyes landed on me, I saw his eyes softened. Lumunok sya ng ilang ulit, tapos nakatitig lang sya sa akin.

Umiiyak na yinakap ko sya. "It's okay, I'm here." Pag-alo ko sa kanya.

Kagaya kahapon, hindi sya umiimik o gumagalaw. I kept on kissing his hair. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, but having nightmares meant there's really something wrong. Something happened to him. I clenched my fist. Galit nag alit ako kay Selina at sa mga tauhan nya. Bakit hindi na lang sila mamatay?!

When I pulled away, nakatulala na lang si Zieg sa bintana. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Pero alam ko na mas kailangan ko pang maging matatag. Zieg should see na hindi ko sya susukuan.

When I camled down, inayos ko ang sarili ko. I just sat with Zieg habang nakatulala sya. Ayoko syang istorbohin. Habang nakaupo lang ako, I realized I need help to fully understand Zieg or to fully help him.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Malambing na tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok nya.

He remained stoic.

"Let me help you, babe. I want you back." Nagsimula na namang gumaralgal ang boses ko.

Unti-unti syang lumingon sa akin. Napangiti ako dahil sa wakas, kahit papaano ay tumingin sya sa akin, but his eyes were cold and lifeless. Parang may kung ano syang ayaw ipakita, he just stared at me for a few seconds tapos dahan dahan na syang bumalik sa pag higa.

Nang makatulog na sya, lumabas ako at kinausap sila Tita Ellen at Tito Jay about what happened. We wanted the same thing, gusto namin na may makausap na psychiatrist si Zieg. And although hindi namin alam kung paano iyon mangyayari, we will try to talk to him.

Nagwawalis ako sa bakuran nang makatanggap ako ng message kay Bree. Nangangamusta and hiningi raw ni Craig ang bagong number ko. Okay naman sa akin. Craig's our hero, at ilang buwan na mula nang huli kaming magkita. Protektado rin kasi sya ng police kasi witness sya.

That Wild Night (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon