Prologue

53 1 0
                                    

Lovely Ladies Series
#1 - Drawn by Dawn
#2 - Murals on City Walls
#3 - The Fall of Summer

Prologue

"Wow! Ang talino talaga ni Summer! Na-perfect na naman niya ang exam!" Mangha ang seatmate ko habang tinititigan ang 60/60 na score ko sa English. Nagkomparahan kasi ang mga kaklase ko ng puntos at karamihan lang ay 55 pababa ang nakuha. Nahirapan ata sila sa Identification.

"Ma'am, may mali po sa exam." Tumingin kaming lahat sa lalakeng nasa sulok ng room. Paul Solark Azcueta. Umigting ang panga ko dahil sa inis kasabay ng pagtahimik ng buong klase. He's my biggest rival and enemy simula grade 1. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit per grade level naman sa St. Paul ay may apat na sections, lagi kaming mag-classmates. Nakakainis!

"Paul, what's wrong with the exam?" Our English teacher asked politely.

Sumilip ang katabi ni Paul sa kaniyang papel at nanlaki ang mga mata, "perfect score din si Paul!" Anunsyo nito sa klase.

"Oh, perfect score ka naman pala, Paul... So, what's wrong with the exam?" Kumunot ang noo ni Ma'am Frey.

Tumayo si Paul at mula sa likod ay naglakad siya papunta sa harap ng klase upang lumapit sa guro. Sinundan siya ng tingin ng lahat, ako rin ay nagtataka dahil wala naman akong nakitang mali sa aming test paper. "The identification part, the instruction stated per correct answer is equivalent to one point. On item number 18," lahat kami ay pumunta sa ika-18 na tanong, "it says-" he started reading the test paper, "write down examples of punctuation marks."

"Oh, so asan ang mali doon?" Nagtatakang tanong ni Ma'am Chua. Ako rin ay nagtataka dahil wala naman akong nakikitang mali sa tanong.

"I cited sixteen answers... the period, question mark, comma, exclamation point, semicolon, colon, em-dash, en-dash, hyphen, parentheses, brackets, braces, apostrophe, double quotation marks, single quotation marks, and ellipsis... but I only got one check, Ma'am." Paul replied, "please go back to the instruction again and item 18." Utos nito sa guro.

"Per correct answer is equivalent to one point." Saad ng guro. Binasa ko rin ang teksto na naka-print sa aming test paper. I gasped.

"So, can you see what's wrong now, Ma'am?"

The teacher was dumbfounded, realizing it, she nodded. "Since you had 16 correct answers, instead of one point only, you get 16 points. Kaya ang over-all score mo na ngayon ay 65/50."

Ngumiti si Paul habang tinatama ng guro ang marka nito sa papel. Naglagay ito ng +15. I groaned behind my breath.

Nakakainis! Hindi ko naisip iyon dahil dumiretso na rin agad ako sa mga tanong, isa lang ang aking nilagay na sagot at ito ay ang period. Ganoon din sa lahat ng mga kaklase ko. Pareho kaming lahat na isa lang ang nilagay at doon lang sa underlined space bago sa number. Lucky bastard!

Mariin akong pumikit, halos malukot na ang test paper na hawak ko dahil sa gigil. I studied hard for this! Bakit ganito ang resulta?! Hindi naman umangal ang buong klase rin dahil tama naman siya. Still, it's so annoying! Lagi na lang siyang lumalamang sa akin kahit perfect score naman din ako!

"Obvious na naman ang class standing natin nito." Usapan ng mga kaklase ko matapos ang klase. Hinihintay namin ngayon ang susunod na guro.

"First place na naman yang si Paul, ta's si Summer ang pangalawa. Wala na talagang nagbago, simula grade 1." Tugon naman ng isa. Nagpantig ang aking tenga dahil sa mga narinig at gusto ko silang bulyawan pero pinakalma ko lang ang aking sarili, huminga lang ako nang malalim at saka ko sila pinaikutan ng mata kahit alam kong hindi naman nila nakikita dahil nasa likod ko sila.

The Fall of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon