Mirth University-Chapter 1

13 1 1
                                    

Saffron's POV:

"Bhe ano nakapag-decide ka na?" Tanong sa akin ng bestfriend kong aakala mo laging maiiwan ng kung ano mang sasakyan. Di pa rin ako sure kung tama ba o hindi ang pumasok sa school na yun. I can't even ask my parents dahil wala naman silang pakialam kung saan ako pumasok. Wala na silang pakialam sa akin basta ang alam nila mapadalhan ako ng pera ayos na yun kahit lang man lagay ko sa buhay wala silang alam. My life has been complicated since they have a very big fight. 


"Meron bang site yung school na yun Para ma-check natin ang mga facilities?" I want to know kung maganda nga ba talaga ang school na yun.


"Bat ka pa maghahanap e para surprise na lang sa atin" Andami talagang alam nitong babaeng to, mga pa-surprise surprise pang nalalaman di naman alam kung saan yung location ng school. Haha


"Ayoko ng ganun bhe, baka mamaya may mga multo pala dun"


"Huwag kang OA"


"Ah basta! Maghahanap ako"


"Edi maghanap ka bahala ka!"


Nagbukas na kaagad ako ng laptop ko at hinanap ang school na yun. Pagka-search ko pa lang, lumabas na kaagad ang hinahanap ko, binuksan ko kaagad ang site at humanga ako sa mga nakita ko.


"BEH! BEH!" sigaw ko mula sa kwarto ko dahil nasa baba siya at kumakain. Kung tinatanong niyo, hindi naman kami magkasama sa bahay, may sarili siyang bahay pero mas madalas ata siya dito, dito na nga yan kumakain at minsan dito na natutulog lagi eh. Mag-kapatid na talaga ang turingan namin sa isat-isa since parehas lang ang mga magulang namin na wala ng inatupag kundi trabaho.


"BAKIT? ANONG NANGYARI!?" Patakbo siyang umakyat ng kwarto ko.


"Papatingin ko lang sa'yo tong papasukan nating school. Grabe ang ganda nga." Bigla naman siyang napasimangot.


"Edi nawalan na ng thrill, tiningnan mo na, kung hindi mo yan sinearch baka pag pumunta tayo dun baka tayo ay sobrang naka-nganga sa sobrang pag-hanga."


"San ba mag-eenroll?"


"May nakalagay ba sa flyer?"


"Wala nga eh. Sa site nalang nila baka meron." Agad kong hinanap ang location at inilista sa To Do List ko.


"Tara na mag-enroll"


"Siya tara na para makapag-tanong tanong tayo baka maligaw tayo eh"


"Intayin mo na lang ako sa may gate, kukunin ko lang ang kotse ko"


Kinuha ko na ang susi ng kotse ko, wallet at cellphone ko, nagmamadali akong tumakbo pababa.


Habang nasa biyahe kami, hindi ko mapigilang hindi mapaisip na baka naman niloloko lang kami nung nasa flyers at site para madaming mag-enroll sa school nila. Baka naman nag-jojoke lang sila tapos mamaya may mga creepy beings pala dun, mamaya sementeryo pala yun.


Tinrack ko na lang sa GPS ang lugar para hindi na ako malito. Habang nagda-drive ako, nagtataka ako kung bakit tinuturo nito ay papuntang gubat.


"Uy bhe sure ka bang dito ang daan papunta sa school?" Kinakabahan na ako dito eh


"Ikaw tong may hawak ng GPS eh. Tapos tatanong mo sa akin. Dumeretso ka na lang sa pagda-drive"


Makalipas ang kalahating oras, may nakita na akong malaking gate na color black. Bubusina pa lang sana ako ng kusa ng bumukas ang gate. Dumeretso na lang ako. Pagbaba namin ng kotse may sumalubong agad sa amin na dalawang babae, yung isa ay mukhang matanda na tapos yung isa dalaga pa.


"Good Morning Ladies! Welcome to Mirth University!" Sabi nung magandang babae na kasama nung matanda.


"Mag-eenroll ba kayo?" Sabi nung matanda, sobrang seryoso niya habang sinasabi niya yun. Samantalang yung babae na kasama niya todo ngiti.


Magsasalita na sana ako ng magsalita na ulit yung matanda.


"Alam niyo na ba ang mga consequences na kahaharapin niyo sa pagpasok dito? Call me Ms.Jane" Bakas sa mukha ni Ms.Jane ang takot.


"O..o..opo.." Nagsimula akong kabahan at nanlamig ang buong katawan ko ng biglang ngumiti yung matanda.


"Sumunod kayo sa akin. Yun nga palang matanda na kasama ko ay si Mrs.Curses"


Curses? Sumpa? Grabe naman yung apelyido niya, pati naman mukha kasumpa sumpa eh. Haha. Joke


Habang naglalakad papunta sa office ata, nadadaanan naming ang mga estudyante na ang mga mukha nila parang papatay. Nakakatakot lahat. Parang sinasaniban sila ng black aura. Sa tingin palang nila parang sinasabi na nilang mag-back out na kami.


After naming mag-enroll lumabas na kami ng office.


"Uy bhe! Uuwi na ba tayo?"


"Kelan ba tayo magto-tour sa school?" Sino ba tong mga nakatitig sa amin.


"Sa pasukan na ata. Tara na lang mamili ng gamit."


"SHOPPING TAYO !" Hinila na niya ako papunta sa kotse ko.


Bago kami umalis nasulyapan ko ang isang naka-itim na lalaki sa itaas ng puno habang naka-headset.


======================

chelx26

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mirth UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon