Prologue
"Hello, Z."
"This is Erish."
"I'm sorry."
Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa nabasa. Buong umagang tahimik ang cellphone ko at ngayong sa wakas ay tumunog na, ganoong klase naman ang bungad agad. Magkakasunod pa.
Sa tuluyan kong paghinto sa pasilyong maraming taong paroo't parito, naramdaman ko ang pamumuo ng pag-aalalang halos pamilyar na sa dibdib ko sa tuwing nakakatanggap ako ng ganoong text message.
Ilang buwan na nga ba ang nagdaan? Lima? Anim?
Right. Exactly half a year.
Pero huling text niya, nangako siyang buburahin na niya ang numero ko. Hindi ko na rin matandaan kung ilang beses na rin siyang nangako na gagawin iyon at muntik na nga akong maniwala sa panghuli dahil tumagal iyon ng isang buwan.
Ang kaso... heto na naman siya. Apologizing for the mistakes she did not commit. Saying sorry to the man who never even deserved an apology. Malinaw na malinaw, she still hadn't learned her lesson and was now on her way to ignoring her worth again.
For the nth time.
Anim na buwan... at paulit-ulit na lang ang nangyayari.
For half a year, she had been sending me different kinds of messages. Kabisado ko na nga ang pattern. Magsisimula iyon sa pagbuhos ng galit niya at saka magpapaalam. But then, kagaya ng nakasanayan, after promising that she would never contact me again, she would text me again days or weeks later. On the worst days, hours later.
And then apologize.
At ngayon, ginagawa na naman niya.
Hindi pa rin ba niya alam na ibang tao ang nakakatanggap ng mga mensahe niya? Hindi ko alam ang buong kuwento, but from what I had read for the past six months, I got a hint of what had been happening. She was in an on-and-off relationship, and it was toxic. The guy was a serial cheater. But instead of dropping him, this girl kept picking him up as soon as he was out of girlfriend again.
Hindi ko na matandaan kung ilang babae na ang nabanggit niya. At alam kong wala naman ako sa posisyong makialam sa sitwasyon na patuloy niyang pinipili lalo na't hindi ko alam ang buong pangyayari. Pero sa tuwing humihingi siya ng tawad... sa kasalanang hindi naman kanya, hindi ko na mapigilan ang pag-usbong ng inis sa dibdib ko.
May mama ako. Marami akong kapatid at ang bunso, babae. It would wreck me if it happened to my mother. It would crush my soul if it happened to our Czeila.
Wala naman siyang kasalanan. Hindi naman siya ang patuloy na nagloloko. Siya dapat ang hinihingan ng tawad ng hilaw niyang boyfriend.
And the fact that I was the one who had been receiving her supposed messages for her boyfriend without her knowledge made me feel more awful. It felt like I had been prying into her personal life kahit hindi ko naman ginusto.
Minsan, natutukso na akong magpakilala at ipaalam sa kanyang hindi ako si Z. Lalo na kapag ganitong malakas ang kutob kong bibigay na naman siya sa damdamin niya. Pero may parte rin sa akin na ayaw na malaman niyang nababasa ko ang mga pinagdadaanan niya sa pinili niyang relasyon.
It would embarrass her, for sure. Sasama lang lalo ang loob niya kasi parang nagsayang lang siya ng panahon sa maling tao. Naging dalawa pa nga—first in line 'yong hilaw niyang boyfriend na hindi niya deserve, at ako dahil hindi naman para sa akin ang mga ipinapadala niyang text. I wasn't even supposed to read or know about them. Hindi ko siya kilala sa personal at wala rin siyang kaide-ideya sa katauhan ko. At saka, hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kapag nagtanong siya kung bakit pinalipas ko pa ang anim na buwan bago ko ipinaalam sa kanya ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
If I Could Write About Us (SUAREZ SERIES V)
General FictionSuarez Series V: If I Could Write About Us A book about believing. COMING SOON. Writing offline.