Jeaun POV
Maingay. Daldalan dito, daldalan doon, chismisan doon, chismisan dito. asaran dito, asaran doon. Ang palaging ganap dito sa loob ng classroom namin kapag walang teacher o kaya bakante namin.
Habang ako, nasa gilid lang kumakain, taga-asar lang sa gilid kumbaga.
Hindi pa dumadating ang aming adviser, maaga pa din naman.
"Oy balita ko may transfer daw"sabi ni Lyka.
Napakachismosa talaga nitong babae na ito.
"Eh?"
"Maganda?"
"Pogi?"
"Anong grade daw?"
"Grade 11 HUMMS?ABM?STEM?"
Yan ang mga tanong ng mga kaklase ko, ang o-oa nila promise. Ano naman kung may transfer? Makakatulong ba siya para tumaas ang grade ko? Like hayss awan ko.
"Ito na guyss kalma, grade eleven daw--" hindi na natapos ni Lyka ang sagot nya dahil dumating na ang adviser namin kasama yung transfer na sinasabi ni Lyka.
"Goodmorning everyone" bati ni Maam Zapre, katabi nya yung transfer.
"Goodmorning Maam" bati namin pabalik.
"Okay, Im sure you know that we have a transfer today, so Miss, kindly introduce yourself" sabi ni Maam.
Ngumiti naman ito at tumango bago ipinakilala ang sarili.
"Hello everyone, I'm Ashaette Cuenca, 16 years old, I hope we can be friends, and you can call me 'Ash'. Nice to meet you guys!" pagpapakilala nya at pagkatapos ay ngumiti sya sa amin.
Well may itsura sya, wait what I mean is maliit sya but may dating and her style ang cute--hoy anong cute ka dyan?? edi ang ganda--ala hoy?? parang tanga.
"You can sit beside Ms. Harzen"
Napatingin ako kay Maam dahil nabanggit yung apelyido ko. Nakita ko naman si transfer na naglalakad palapit at tumabi sa akin? Ha?Hakdog
Ah oo may bakante nga pala na upuan sa tabi ko. Syempre dyan sya uupo. Ay alangan.
Nagbaba naman si Maam about sa mga event sa buong school, classfund at kung ano-ano pa. Pagkatapos ay umalis na din at masisimula na ang klase.
Tingin ko naman wala pang klase na magaganap ngayon puro pagpapakilala at mga introduction about sa mga subjects.
Nandito kami sa canteen at nakikipag-gyera, kimi sumasabog kasi ang mga putok ng ibang studyante na narito sa canteen.
Pagkatapos makipagbakbakan sa canteen, pumunta kami sa usual seat namin dati nung Grade 10 kami.
Kasama ko nga pala ang mga kaibigan ko sina Thea, Niya, Chavez, at Lennon.
Bumili lang ako ng hotdog sandwich at nutriboost. Nag-agahan naman ako kaya hindi ako nagkanin. Ganon din naman sila kaya wala akong kasamang magkanin.
Pagtingin ko sa kanang direksyon nahagip ng mata ko si...si..si ano yung transfer kasi!
Hayss hindi ko tanda yung name nya, hindi ako magaling sa mga pangalan at wala din naman akong pake.
Weh? Pero nacute-an ka? sabat ng kung ano sa utak ko. Epal talaga.
Kasama nya si Shekinah at Vann. Close pala sila.
Napansin ko na lilingon sya sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Ang lakas ng kabog ng puso ko na parang takot na mahuli nya akong nakatingin sa kanya, syempre nakakahiya yon.
Natapos na ang oras para sa recess kaya bumalik na kami ng room. Dumating din naman agad ang subject teacher namin.
Tama nga ako puro pagpapakilala lang at puro introduction lang sa bawat subject ang ganap.