FORGET ME NOT
romance novel
Episode 1
First day sa kolehiyo..
Humihikab si Annie habang naglalakad sa corridor habang papunta sa room nila. Madaling araw na kasi siyang nakatulog dahil sa kaka internet. Medyo masakit pa nga ang ulo niya. Kinukusot niya ang mata dahil minsan napapapikit pa siya dahil sa sobrang antok.
Di niya alam na may papasalubong pala sa kanyang lalake.Nagkabanggaan sila at muntik na siyang mabuwal,pero hindi iyon natuloy dahil sinalo siya ng lalake.Napapikit siya dahil akala niya ay babagsak ang puwet niya sa sahig,pero pasalamat siya at sinalo siya nito.
Inangat niya ang paningin.Nakita niya ang mukha nito at napasinghap siya sa taglay nitong kagwapuhan.
“Woah,sino kaya tong savior ko?” usal niya sa sarili.
“Miss,are you okay?” nakangiti nitong tanong habang lumalabas sa bibig nito ang isang nakakabatubalaning tinig.
“A-ah,i'm okay” ganti niyang ngiti dito na may halo pang kilig.
Pero biglang napalis ang napaskil nitong ngiti sa mga labi at nagsalita ulit..
“Ako? I'm not okay,dahil muntik mo na akong matapakan!” saka siya binitawan, bagsak sya sa sahig, una ang puwet.
“Aray!Teka ang sakit non ah?!” sigaw niya rito nang lumakad lang ito na parang walang nangyari. Akala pa naman niya ay savior niya,yun pala..
Bago pa ito mawala sa paningin niya ay sinigawan niya ito ng ..
“YABANG!” .
Tumayo siya at pinagpag ang pantalon at nagpatuloy sa paglalakad para makarating na sa hinahanap na room,habang hawak-hawak ang pang-upong nasaktan.
“PATAY! late na pala ako”, ang nasabi lang niya sa sarili nang makarating sa room at nakitang may nagsasalitang guro sa harapan.
Ilang sandali pa ay napansin siya nito na nakatayo malapit sa pintuan. Lumapit ito sa kanya pagkatapos siya nitong sipatin.
“Miss? Do you belong in this class?” tanong ng sa tingin niya ay dalaga pa at magandang guro.
“Ahm, yes maam, i'm so sorry ma'am i'm late,may nangyari lang ho kasi eh” mahina ang boses habang nagpapaliwanag dito.
“Okay,palalampasin ko toh,pero don't do that next time ha? College ka na and you have to be responsible lalong-lalo na pag involve ang school okay?” mahinahon pero maawtoridad nitong sabi.Tumango naman siya at nagpasalamat dito.
“Right your name and course in a 1/8 sheet of paper, then pass it to me, now” utos nito sa kanya at bumalik ito sa pwesto kanina.
Tumalima naman siya saka kinuha ang papel at ballpen sa bag.Saka siya nag-excuse sa taong nakaupo sa harapan para doon makapagsulat ng maayos.Pagkatapos ay inabot niya sa guro at binasa nito.
“Okay class meet your new classmate Annie Navarro taking up BS in HRM” baling nito sa mga estudyante,saka siya tumango sa mga ito.
“Annie, sit beside Mr. Anceslao” turo nito sa isang bakanteng upuan.Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito at awtomatikong naningkit ang mga mata sa nakita.
'At magkaklase pa kami ni yabang huh?' sabi ng isang bahagi ng utak niya.
Hinagod muna niya ng tingin ang buong silid, nagbabakasakaling meron pang mapepwestohan. Ayaw niyang makatabi ito,ngunit wala siyang choice dahil iyon lang ang bakanteng upuan.