Short Story !
Baduy.
Bruha.
Tamad.
Panget.
Sanay na ako diyan pero hindi na nga lang ako nasanay ng mag-iba na ang meaning ng mga yan.
Papasok na sana ako ng campus ng magsalita na naman yung familiar na boses na yun.
"hoooy, baduy na bruhang tamad na panget" aargggh, pwede namang panget lang ah, aminado naman akong panget ako, pano ba naman naka long skirt, baggy uniforms, rubber shoes, may braces, kulot ang buhok pero ok lang talaga na panget kasi panget naman talaga ako, pero ba't niya pa kasi dadagdagan ng bruha, tamad, at baduy, di naman ako tamad ah, nakakainis siya, isusumpa talaga kita Ash Mendres "aba hangin ba ako?"
"hoy! adik na druglord wag mo nga akong matawag tawag na panget" sabay lingon sa kanya with matching hand movements pa.
"ikaw ba ang kinausap ko?"
"eh, sino pa bang panget na tinatawag mo?"
"so? aminado ka nga na panget ka" sabay binelatan ako at inunahan na akong pumasok.
Siya si Ash Mendres ang napakasuplado sa lahat, panget na nga suplado pa, partner kami sa position ng Ms. at Mr.
Panget, siya kasi may hindi pantay na ngipin tsaka naka eye glasses pa with matching may na buhok, ang eeeew lang dahil mas panget pa siya sa akin.
Pumasok nalang ako sa room at inaasahan nang mapagkatuwaan ako ng mga classmates ko pero may mas pinagtripan at pinagkatuwaan sila.
"yan na lang ang gamitin mong upuan, tutal bagay naman sayo ee, plastic" tapos bumalik na yung mga nanlait sa kani-kanilang mga upuan dahil dumating na yung teacher namin.
Nakakapagtaka nga ee, kung bakit si Ash ay nagawa paring tumawa at ngumiti kahit nilalait na siya ng mga classmates namin.
Well oh well nang matapos na ang first sub ee diretso na ako sa canteen, wala akong breakfast, lalalalalalala, gutom ako.
Taimtim na sana akong kumain ng may kalinawan at kapayapaan ng may panget na umupo sa kabilang side ng table.
"uuy, si panget oh, patay gutom" arggh, nakakainis, wala pa naman akong lakas na lumaban.
"huy panget, pahingi naman ng ------" hindi ko na siya pinatapos ee nakakairita, panget ng panget siya, panget din naman siya ah, makaganti nga.
"hoy adik na druglord, gawin kaya kitang ash diyan"
"ee kanina pa nga ako na -------"
"che, hanap ka ng ibang mapagtripan" sabay kuha sa tray na nilagyan ko ng snack ko at lumipat ng ibang mesa.
Hindi na niya ako sinundan, siguro nasa isip na niya na wala naman siyang mapapala kahit saan niya ako sundan, pero truthness, admirer niya ako, admirer lang ha, diyan lang ang dead end, hindi na tataas pa.
BINABASA MO ANG
Panget ako pero Panget ka din =>
RomantikThe first and best story na nagawa ko, sana pagtiyagaan niyo. Daming parts na korneee dito, pero sure 100% kung kayo ang nasa place ni Fhabie ay kikiligin kayo. => thank sa babasa.