Prologue

5 0 0
                                    

"Angelo ito mga quiz notebook ninyo. Dalhin mo na at ibalik sa mga kaklase mo. I already finished checking that" ani ni Ma'am Hazel saka nilagay sa dalawang kamay ko ang mahigit tatlumpong quiz notebook.

Tumango lang ako saka nagpaalam nang maayos at naglakad pabalik sa classroom. Muntik pa mahulog ang mga dala ko dahil sa mga nagtatakbuhan sa hallway. Hindi man lang nagsorry at tinignan lang ako saglit bago tumakbo ulit.

Pero okay lang ayaw ko rin naman makipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala.

Napaayos ako nga tayo at hininaan ang paglalakad ko nang mapansin kung malapit na pala ko sa classroom ni Zairo ang crush ko.

"Hey dude, I've been wondering......what's your type?" rinig kong tanong ng kaibigan ni Zairo sa kanya

Napatigil naman si Zairo sa ginagawa niya saka kunot-noong nilingon ang kaibigan niya

"What do you mean?"

"I mean your ideal type of a woman you wanna date. You're so popular pero wala ka paring girlfriend"

Pinaikot-ikot naman ni Zairo ang ballpen niya sa kanyang daliri at mukhang napaisip dahil sa tanong nito.

"We'll, wala naman akong specific na type.....Maybe cute?"

Cute? I thought he would say pretty since yun naman ang kadalasang hinahanap ng mga lalaking kagaya niya and I think pretty girls would suit him.

Napabuntong-hininga ako.

"a little clumsy" patuloy niya

Eh??

"and someone with a beautiful smile"

Natawa ang mga kaibigan niya. Dahil siguro sa naging sagot niya.

Hindi naman na nakakapagtaka na ganyan ang sagot niya dahil lahat naman ng nagkakagusto at humahabol sa kanya magaganda at sexy

maliban nga lang sa akin

We'll gusto ko rin naman siya pero hindi sa punto na maghahabol ako sa kanya mas mabuti natong sa malayo ko nalang siya hinahangaan at isa pa lalaki ako at lalaki siya ano nalang ang sasabihin nila pagnalaman nila na si Zairo ang gusto ko.

"HOY!" napalundag ako dahil sa gulat at isa-isa namang nahulog ang mga dala kong notebook sa sahig.

Napatingin sa gawi namin si Zairo at ang mga kaibigan niya dahil sa nangyari. Ito kasing si Brent eh nanggugulat kita naman niyang may dala yung tao.

Umupo ako sa sahig at pinulot ang mga nagkalat na notebook.
"Sorry bro, I didn't mean to startle you. Kanina kapa kasi nakatayo diyan at hindi gumagalaw kaya naisipan kong lapitan ka"

Napakamot siya sa ulo niya saka lumuhod at tinulungan ako sa pagpulot, tinanguan ko lang siya dahil kasalanan ko rin naman. Bakit pa kasi ako huminto at nakinig sa usapan nila.

"Do you need another hand?"

Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko.

Si Brent naman ay umiling habang nakangiti "It's okay dude. Kaya na namin ni Gelo"

"Okay" simpleng sagot naman niya at rinig ko ang pagbalik niya sa loob ng kanilang classroom.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko napansin na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko.

Sabay na kami ni Brent papunta sa classroom dahil katabi lang naman ang sa kanila. He's my one and only friend hindi ko rin alam kung pano kami naging magkaibigan dahil ang naaalala ko lang ay palagi siyang sunod ng sunod sa akin simula pa nung grade 5 kami kaya hinayaan ko nalang.

Nang maka-upo ako sa upuan ko sa gilid sa may bandang bintana ay napaisip ako.

Cute...

Clumsy ...

And someone with a beautiful smile

Ganun pala ang tipo niya.

Then I guess.....



I would never be



'HIS TYPE'.

His TypeWhere stories live. Discover now