Chapter 1

5 0 0
                                    

Angelo's POV

"It's a great honor to stand here in front of you, students. I hope that you will not regret choosing this university as your stepping stone for your future careers. Since this is your first day here, I will allow you to have your time and tour the campus as you like after the orientation......."

Tulak-tulakan na nagsilabasan ang mga tao sa auditorium kung saan ginanap ang orientation para sa mga freshmen. Inakbayan ako ni Brent pero agad kong tinanggal iyon dahil mabigat sa balikat

"Let's get out of here" bulong niya sa akin

Hawak-hawak niya ako sa may pulsuhan habang hinahatak palabas. Nakabangga pa ako kaya magsosorry sana ako kaya lang bigla na akong kinaladkad ng gago palabas.

Nang makalabas na kami ng tuluyan ay nakapamewang siyang humarap sa akin
"Since we're free today let's eat something first before touring the campus. Gutom na ako" saka niya hinawakan ang tiyan niya at hinaplos-haplos iyon

"Brent kakakain mo lang kanina tapos kung ano-ano pa ang pinasok mo diyan sa bunganga mo habang nagoorientation tapos gutom ka na naman?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya

"Bro, nakakagutom naman talaga yong orientation kanina ang boring pa"

Napailing nalang ako sa kanya. Sa huli ay pumunta nalang kami sa canteen dito sa campus, sa sobrang laki halos nasakop na ang buong 3rd floor. Hinayaan ko nalang si Brent na bilhin ang gusto niya dahil ayaw ko rin naman maiwan mag-isa lalo pa't hindi ko pa pamilyar ang lugar.

May kaya naman ang pamilya ko dahil isang nurse si mama at engineer si papa, kaya nakapag-aral ako kahit papano sa mamahaling university nato ang mahal pa nang tuition.Gusto talaga nilang magfocus ako sa pag-aaral at hindi magbulakbol na hindi ko naman kayang gawin. Isa nga lang kaibigan ko tapos si Brent pa na hindi ko minsan masabayan sa mga gusto niya.

I have a sister who is married and living in Japan because that's where she works.  Ako nalang ang pinag-aaral nila mama at papa and since they're busy, they don't have much time with me. They are strict, but I can't blame them because they say they're doing it for my sake.

"Angelo"

Napalingon ako sa likuran ko nang may tumawag sa akin. Napalunok ako ng bahagya dahil nasa harap ko ngayon si Zairo. Simple lang ang suot niya but it looks good in him.

He looks so cool.

"Zai---Zairo" medyo nauutal kong tawag

Nginitian niya ako saka lumapit sa akin
"Hey it's been a while. Your also studying here?"  masaya niyang tanong sa akin

Tinanguan ko siya saka napahawak sa batok ko "ah yes . Kakatapos lang rin ng orientation namin"

Mas matanda nang isang taon sa akin si Zairo kaya Sophomore na siya ngayon, sa pagkaka-alam ko ay Computer Science ang kinuha niyang kurso rito. Matalino naman talaga siya dati pa, and it's one of the reasons why I like him.

"Are you alone? Want me to tour you around the campus?"

"ah" medyo nag-alinlangan ako dahil kasama ko si Brent na hindi ko alam kung nasan na dahil kanina pa siya hindi bumabalik ang sabi niya ay bibili lang siya pero mukhang magkakalahating oras na ako rito at wala parin siya.

"Well it's okay if you don't----"

"Hindi sasama ako" bigla kung putol sa kanya nang akmang babawiin niya ang offer niya sa akin

Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. Well I don't want to lose this chance, I haven't seen him for a year at hindi ko naman siya siguro palaging makikita rito since magka-iba course namin and this school is so big. Himala nalang siguro na magkasalubong pa kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His TypeWhere stories live. Discover now