THE GUY IN THE TRICYCLE

13 1 0
                                    

Hi! I'm Syvielle Colorado
I am 26 years old.
Nagtatrabaho ako sa isang restaurant bilang server. Yun lang ang toka ko.

Ayos lang sakin na magpart time dahil kailangan kong suportahan ang pagkokolehiyo ko. 3rd year college na ko ngayon. Mahirap talaga. Lalo na at ilang taon din akong nabakante. Nag stop ako ng pag aaral para alagaan ang mga magulang ko na nagkasakit.

Dahil wala silang kakayahang magbukid dahil sabay nga silang nagkasakit ay kinailangan kong tumigil sa pag aaral para maalagaan ko sila ng maayos. Syempre nagtanim ako. Nagdidilig at nag aani para maibenta ko sa palengke. Ako ang pumalit muna sa kanila para kahit papaano ay mayroong kaming kinikita pambili ng gamot at iba pang pangangailangan.

Hanggang sa binisita kami ng Tiya ko at kinamusta ang kalagayan namin. Sobra naawa samin si Tiya.
Pinadala kami sa hospital para doon ay matutukan ang mga magulang ko.
Nakakatuwa naman dahil sa loob ng 3 araw ay gumaling na ang mga magulang ko.

Pagkabalik namin sa bahay ay kinamusta din ni Tiya ang pag aaral ko. Nalaman nyang di nako nag aaral non kaya ang sabe nya ay ampunin nya muna ko pansamantala hanggang sa makatapos ako. Syempre natuwa ang mga magulang ko sa alok ng Tiya kaya pinayagan nila akong sumama sa kanya. Syempre malungkot sa part ko na iwan ang parents ko. Pero dahil makakapag aral ako ay nagtiis ako. Nang sa ganon, matulungan ko mga magulang ko.

Nagmungkahi pa ang Tatay na magtrabaho ako kung kinakailangan para hindi mabigat sa Tiya ang pagkupkop sakin.

Nang makarating kami sa Manila ay nagtanong sya sa mga kaibigan nya at kakilala nang maaapplyang trabaho.
Nakakatuwa naman dahil mayroong trabaho na bakante. Doon ay pumasok at nagtrabaho nako.

Nagtatrabaho ako ng 5:00am to 9:00am. After nyan didiretso nakong school. 1:00pm to 4:00pm. Tapos pag uwe mayroon pa ring online class na, 5:30pm to 7:30pm. Nakakapagod talaga. Todo review pa ko lagi para pag nagpaquiz ang professor ay handa ako at may maisasagot. Lalo na kapag nag exam

Si Tiya Dreann ang Favorite Tiya ko.

Sabi ni Tiya sa parents ko na ibenta na nila ang lupa namin doon sa province para makabili kami ng lupa't bahay dito sa Manila. Pero syempre ayaw nang mga magulang ko. Di nila kayang iwan ang bukid at lupa namin.

Nag iisa lang akong anak. Ang Tiya ko naman ay balo na. May isa rin syang anak, pinsan ko. Hindi na nag asawa pa ang Tiya ko. Ganon nya kamahal ang pumanaw kong Tiyo dahil first love nya to. First thing nya din sa lahat ng bagay.

Ganon pala magmahal. Kailangan wag ka nang magmahal ng iba pag nawala ang taong yon lalo na pag unang pag ibig mo ito. Shempre wala kasi akong experience sa mga ganyan kaya mejo pa inosente ako.

4:00 Am.

"SAVI!" tawag sakin ng Tiya ko. Nasa loob ako ng kwarto. Nakatulala. Iniisip ko yang introng kinukuwento ko sa inyo.

Nakailang tawag na pala sya. Hindi ko namamalayan dahil malalim ang iniisip ko habang nagkakape. Kita nyo naman sa image sa itaas diba?

Hinigop ko nang mabilisan ang kape kong nilamig na. Kalahati lang pala nainom ko bago ako natulala haha.

Tumayo agad ako pagkatapos kong mahigop ang malamig kong kape at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

• OPEN DOORS •

"Good morning po Tiya. Hello po." Bati ko sa kanya. Nakasuot pa itong apron.

"Bilisan mo nang kumilos ha. Kasi mabilis lang ang oras. Taka naman ako sayo, dyan ka pa sa kwarto mo uminom ng kape. Mag almusal ka na don. Nakapagluto nako ng almusal niyo ni Gavin."

Weyt lang muna. Saglit lang to. Si Gavin yan ang pinsan ko. Anak ni Tiya. Bait ng Tita ko diba? Inaasikaso ako. Si Gavin ay may motor at sa kanya ako nasabay bago pumasok sa trabaho. Nagtatrabaho ito sa grocery store kung saan sya ay bagger. Yung motor nya second hand lang yan pero sya ang nag ipon para mabili yan. Yon lang haha.

Tear the love.Where stories live. Discover now