01

0 0 0
                                    

College.

Gagi, hindi ako na informed na ganito pala kahirap. Sabay sabay ang pag bato sa amin ng mga requirements para sa prelim.

Tehh? First year pa lang ako pero grabeness naman.

Mabuti na lang at yung iba online. May mga iba pa na ipapasa face to face. Gosh, I feel like I cannot survive this Sem. Hindi naman sa nagiging OA ako ha?

Ang dami talagang kailangang gawin.

I wish, I enjoyed every moment during my senior high school. Ayst.

"Salvaterra, Kelsey Azaleas? Are you here?"

Shette, kanina pa yata ako tinatawag ng teacher namin. Mabuti na lang online ngayon.

"I repeat-" I interrupted my teacher.

"Ma'am, Salvaterra present po."

"Ay naku, nasa CR ka din ba?" She said, but I know that was a joke. Rinig ko kasi kanina na humabol yung classmate ko kasi galing CR.

"Hindi ma'am, nag space out lang." Then I also laughed.

"Naku, boring na ba si ma'am?"

I love her vibes. Madaling mabiro and all. Kahit na matanda pa siya. Ganyan sana lahat. May teacher kasi kami na matanda pero walang pa joke time. Mas nag mumukha tuloy na matanda.

When our class ended ay inalis ko lang ang ID ko at nahiga na sa kama. Nasa room ko naka set up ang PC for online class ko. Kaya ako madaling nakaka tulog eh.


Halos kakapikit ko pa lang ng sunod sunod naman ang pag ingay ng phone ko. Messenger. Akala mo naman may mag chachat ng,

Baby, kumain ka na ba?

Baby, naligo ka na ba?

Charr. Hayyy, when kaya?

I double tapped the screen and saw it was from a new GC. Na naman.

Sa TFN ata ito.

Tiningnan ko sa notification yung mga chats nila. Ayaw ko muna mag seen.

Hindi ako maka double tap. Android tayo eh.

TFN Wed

Randall Orion Keiran Montalvo created the group.

Randall
Paki add si Salvaterra at Honda.

Jan Climente added you and 2 others.


I even accidentally click liked. Gagu talaga kaya naman napa bangon ako at naupo. Ayst, akala ko wala na gagawin. Ang atat naman kasi ni kuya gumawa.

New grouping ko sila. Ngayon lang ako na mixed sa kanila. Yung isa lang pala, si Jan na nag add sa akin. Group mates ko siya sa CFVE last week.

Please pa send yung gagawin dito. Thanks.

Chat ni leader yun. Si Montalvo.

Hindi ko na sineen. Ayaw ko nga. Bala kayo jan.

Kaya natulog ako.

Gabi na nga nang bumangon ako at pag open ko sa messenger, marami na silang chats. Kaya nag backread.

Nag hahati hati na sila. Buti naabutan ko pa. Marami sine send na link si leader. Sipag naman mazyado.

May sinend na ulit na template. Pangatlo na.

Final template na ba?

I replied sa last na sinend.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

hey, Rinne! 😘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon