"Hi. I'm Jessica Robles." Napatingin ako sa kamay na nakahalad sa harapan ko. Umangat ang tingin ko.
A girl in lower pigtail hairstyle smiling at me. Nakasuot siya ng PE uniform. Binitawan ko ang hawak kong libro. Kasalukuyan kasi akong nagbabasa. Tinanggap ko ang kamay niya, nakipaghandshake.
"Hello, My name is Izumi." Sabi ko at ngumiti din pabalik.
Umupo siya sa kaharap kong upuan. Nasa library kami. Wala ang teacher namin sa english subject kaya dito sa library ako nagpapalipas ng oras. Mamayang 3:15 pa ng hapon ang susunod na subject.
Bella arrived carrying three thick books. Nagulat siya ng makita si Jessica na nakadungaw sa binabasa ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Bella.
Umayos naman ng upo si Jessica at nangalumbaba siya sa lamesa tsaka nginitian si Bella.
"Nakikipagkaibigan." Simpleng sagot niya at tumingin sa'kin na nakangiti. "Diba, Izumi?"
I didn't answer. I turned my attention back to reading. I don't know but they seem to be enemies.
Bella sighed. Binaba niya sa lamesa ang mga libro at umupo ulit sa tabi ko.
"So, Izumi. . . You're from Japan, right. Where exactly in Japan? Kasi 'yong Tita ko nakatira sa Kyoto." Pinakita niya sa'min ang picture ng Tita niya na nakasuot ng yukata.
"I'm from Kobe." Tugon ko.
Tumango-tango siya. "Oh okay. Saang school ka nag-aral do'n?" Curious niyang tanong.
Sinara ko ang binabasa kong libro at maingat na nilapag sa lamesa.
"Horikoshi Gakuen." Sagot ko at inangat ang tingin sa kaniya.
Tumango-tango na naman siya. She lean forward and diretsong tumingin sa mga mata ko, makahulugan ang mga tingin niya.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. I don't like her vibe. I felt Bella holding my arm, I looked at her.
"You don't need to answer her questions, Izumi-chan." Bulong niya.
Jessica chuckled. "oh dear, I'm sorry if I ask too many questions." Tumingin siya kay Belle tsaka sa'kin. "I just want to get to know Izumi. Hindi naman siguro masama."
"So plastic." I heard Bella whisper.
Tumingin siya sa wrist watch niya. "By the way, I need to go now. Thank you for the time, Izumi. See you around." Tumayo na siya at umalis.
Napabuga ng hangin si Bella at sumandal sa upuan. "Iwasan mo si Jessica. She has an attitude." Bilin niya.
I nodded. "I don't like her too."
Sana naman maging tahimik at payapa ang pag-aaral ko sa school na 'to. Maya-maya'y may biglang sumagi sa isip ko.
Hinarap ko si Bella.
BINABASA MO ANG
Why Can't You Love Me?
Teen FictionDue to an incident, Izumi's parents decided to send her to the Philippines, her mother's home country. Izumi force and train herself in the new phase of her life, though it was difficult to adjust to a country she was not used to, but with the help...