Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad papuntang school. Nang malapit na ako ay may napansin akong isang tumpok ng mga estudyate na nagtatawanan at palapit sa kinaroroonan ko.
"psst.. psst... Miss" tawag nung matabang lalaking mukhang gangster ang itsura pero nakaschool uniform din.
Lumingon ako sa kanila ng nagtataka.
"hi miss! Freshman ka?" tanong naman nung matangkad na lalaki na ubod ng payat
"ha? Ako ba kausap nyo?" tanong ko naman sa kanila
"ay hindi miss hindi ikaw ung kasama mo" pilosopong sabat naman nung matabang lalaki at muli silang nagtawanan. Napamaang na lang ako sa kanila at binalak na maglakad na lang muli papasok.
"oh miss sandali lang. pwede bang malaman pangalan mo. Ang ganda mo kasi ta sang sexy mo pa. witweew." Pigil sa akin nung lalaki na hawak ang aking kaliwang braso.
"ano ba? Bitawan nyo ako" mataray kong sambit sa kanila habang hinihila ang aking braso pero mas lalo nilang hinigpitan ang pagkapit.
"miss naman... don't be too harsh gusto lang namin ikaw makilala" pangungulit nung lalaking payat.
"bitawan nyo sabi ako kung ayaw nyong masaktan" pananakot ko sa kanila
"aba pare matapang si miss ganda oh hahaha" mayabang na saad nung matabang lalaki.
Akmang susuntukin ko na sana yung lalaking may hawak sa braso ko nang biglang may nagsaliting lalaki.
"let her go." Cold na sabi nung lalaki sa di kalayuan pero nakatalikod sya sa amin.
Sino ba itong pakialamerong ito?
" pare wag ka na makialam dito kung ayaw mo masaktan" inis na bara nung isa pa nilang kasama.
"pano kung gusto ko? Ano gagawin nyo?" mayabang pero cold na sabi nung nakatalikod na lalaki.
" abat naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan ha"
Hindi ko namalayan binitawan nila ako bigla kaya natumba ako. Aray kop o napuwing pa mga mata ko. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang mukha ko.
Paglingon ko tumba na lahat yung limang lalaki na humarang sa akin kanina. Yung lalaking tumulong sa akin ay nakatalikod pa rin. Tumayo ako at kukulbitiin ko sana sya para komprontahin sa ginawa nyang pakikialam ng bigla syang humarap sa akin.
Well may itsura sya, matangoss ang ilong, kissable lips, makapal ang kilay, kulay itim na mata at may perpektong hugis ng mukha.
"Are you done checking me?" bumalik ang ulirat ko ng magsalita sya.
Itinaas ko lang ang isa kung kilay sa kanya at tumalikod na para maglakad muli ngunit napatigil ako ng magsalita sya
"Don't bother yourself thanking me, it's nothing" ang sarcastic ng pagkakabitaw ng mga salitang iyon.
"I didn't do it because of you, I did it for my own purpose" he gave me a cold stare na talagang nanuot sa buong katawan ko.
"next time wag ka pahara hara dyan para hindi ka mapahamak"
"Bakit ba-"
hindi na nya pinatapos ang pagsasalita ko at umalis na sya.
Hmmmp ang sungit naman nya, bastos, sama ng ugali. Sino bang may sabing mangialam sya. Hmmp antipatiko.. Kaya ko naman sila ah nakialam lang sya. He's a DEVIL!!!
Napasimangot na lang ako at pinapatuloy ang pagpasok.
Hay naku ano bang room ko? Tiningnan ko ang schedule para alamin kung anong klase ko.
Aha room 111 pala sa Saphire building.
After 1233647 years.. nakarating na din ako sa room ko. Kakaunti pa lang ang estudyante sa loob. Pinili kong umupo sa dulo malapit sa bintana para mahangin.
Unti unting dumami ang mga estudyanteng nagpapasukan sa classroom hanggang sa magbell na.
Ten minutes na ang nakakalipas wala pa rin kaming teacher then suddenly..
"Aahhhhh!!!!! Oh my god!"
Nagulat ako ng bigla silang nagpalakatan.
"oh my G!! Classmate natin sya" sabi nung Girl1
"Ang swete naman natin Sis!!" sabi naman nung girl2
Lahat sila nakatayo at nakasilip sa daan.
"Pare ang malas naman natin! May kaagaw na naman tayo sa mga chicks dito" saad namn ni boy 1.
Hay ano ba naman sila para lalake lang nagkakagulo na sila.. hmmp makatulog na nga lang tumungo ako at isinandal ko ang ulo ko sa desk para matulog
After 2 minutes ay biglang natahimik ang lahat. Iniaangat ko ang aking ulo para tingnan kung bakit.
Lahat sila nakatingin sa gawi ko ang mga babae akala mo'y may mga puso sa mata at yung mga lalaki naman ay nakassimangot.
Hinddi, hindi pala siila nakatingin sa akin kundi sa katabi ko.
What the f*ck! Classmate ko sya at sit mate ko pa? I'm doomed! Napatanga na lang ako sa kanya. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
"staring is rude you know"
Napapitlag ako sa sinabi nya at inayos ang pagkakaupo ko.
"hmmp masungit, Antipatiko" bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam na narinig nya pala.
"I don't give a damn on what you think about me so shut the f*ck up." He said and lay his head on his desk.
Hmmp whatever. Tinalikuran ko na lang sya.
Antipatiko talaga ng DEVIL na ito. hmmmp