FMS Prologue & Chapter 1

479 31 3
                                    

++Plsss Take Note++

Para po sa Dedication..

Kung kaninong COMMENT po yung magustuhan ko..sa kanya ko po idededicate..

Kaya sa mga masisipag mag-Comment..Pagkakataon niyo na to para sa dedication..=)))

Malelate po yung dedication kasi pipili pa ko sa mga COMMENT..(^__^)

Mas napapasaya kasi ako ng Comment Kesa sa Vote..

Pero ok lang naman din mag-Vote kung talagang nagustuhan..Kaya sana magustuhan nyo po itong story na to..

Kaya gandahan niyo na po mga Comment niyo..(^___^)

Kanino kaya madededicate ang Prologue at Chapter 1..

Pinagsama ko na kasi maikli lang naman kasi yung Prologue eh..

Shiela Marie Gomez Pic>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

++Enjoy Reading++

++Prologue++

Ikaw gusto mo bang malaman kung sino ang Soulmate mo??

Ako kasi gusto ko na..at lahat gagawin ko makita ko lang siya..

++Chapter 1++

++Shiela's POV++

Ako nga pala si Shiela Marie Gomez..4th year high school na sa darating na pasukan..

Dahil sa kagustuhan kong malaman kung sino ang Soulmate ko ay nagpunta ako sa sinasabi nilang magaling daw na manghuhula kasama ang aking BFF na si Alyssa..

Isa pa kaya ko gagawin yun ay dahil sa Manila na ako mag-aaral..

Aalis kasi ang mga magulang ko para sa kanilang business..

Pinilit ko nga silang dito na lang ako sa mag-aral kasi graduating naman na ako..

Pero hindi pa din sila pumayag..

Wala daw kasi akong makakasama..

Dinahilan ko na nga si Alyssa wag lang akong pag-aralin sa Manila kasama ang pinsan kong Kahawig ko..

Aakalain mo ngang mag-kapatid kami kasi talagang mag-kamukha kami..

May tanda lang siya malapit sa may itaas ng labi..

Pero alisin mo lang yung tanda niya na yun ay aakalain mong iisa na talaga kami..

Pero hindi pa din sila pumayag dahil mas makakabuti daw sakin kung mababantayan ako nila tito..Si tito yung kapatid ng tatay ko

Ok lang naman sakin dahil talagang ka-Close ko sila..

Sa huli ay napapayag din nila ako dahil alam kong para sakin din naman talaga yun..

+++++++++++++++++++

Nagpunta na kami ni Alyssa dun sa mall kung saan nandoon yung manghuhula..

Pag-pasok namin ay napaka-dilim sa loob..

Hindi pa man din kami nakaka-lapit dun sa manghuhula ay bigla na siyang nag-salita..

"Iha kanina ko pa kayo inaantay..Tara dito at maupo kayo"

Alam niyang darating kami??

Nagkatinginan na lang kami ni Alyssa at lumapit na dun sa manghuhula at naupo na kami..

Pero hindi pa kami nag-sasalita ay nagsalita na naman siya..

"oo iha alam kong darating kayo..Shiela Marie at Alyssa"

Mind Reader din siya??

nabasa niya nasa isip ko eh..

Tapos alam niya din yung buong first name namin??

Wahhhhhh nakakabilib naman tong manghuhula na to..

Pero siguro nahalata niya lang sa mga reaksyon namin..

Nagkatinginan na lang ulet kami ni Alyssa at umupo na..

"Shiela Isipin mong mabuti kung anong itatanong mo dahil isang beses ka lang pedeng mag-tanong"

Hindi pa man din ako nakakapag-salita ay nagsalita na naman siya..

"Inuulit ko isang beses ka lang pedeng magtanong"

Unli lang??

Diba kakasabi lang??

Tumango na lang ako..

"Gusto ko lang naman po sanang malaman kung sino yung Soulmate oh yung makakatuluyan ko"

Yan lang naman talga ang ipinunta ko dito eh..

Nakita kong parang may ginagawa siya dun sa bilig na bagay..

"Isang gwapong lalaki--"

"Malamang po lalaki"

Common sense naman diba??

"Iha hindi pa ako tapos"

"Hindi pa naman pala tapos eh..atat lang??"pang-aasar ni Alyssa..

Hindi ko na lang pinansin si Alyssa..

"Isang gwapong lalaking may malaking peklat sa mukha"

yahhhhhhhhhh may malaking peklat sa mukha??(>.<)

Pero ok lang kasi gwapo naman daw eh..

Saka at least may clue na ako kahit papano..

Gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung kelan ko makikita yung soulmate ko eh..

Pero diba nga isang tanong lang??

Tumayo na kami ni Alyssa at nagbayad na..

Hindi pa kami na kakalayo..

"Ma-swerte ka iha"pahabol pa nung manghuhula..

Binalik ko yung tingin sa kanya at nginitian ko siya..

Habang naglalakad kami papunta kung saan namin pinark yung kotse ko ay biglang nagsalita si Alyssa..

"Naniniwala ka ba dun sa mga sinabi nung manghuhula??"sabi niya na parang hindi naniniwala dun sa mga sinabi nung manghuhula..

"oo naman..bakit naman hindi diba??saka wala namang mawawala sakin eh"

++++++++++++++++++++

++@house++

"Shiela sigurado ka na ba??"tanong niya na ang tinutukoy ay ang pag-alis ko..

"Wag ka nang malungkot..alam mo naman na ayaw ko din naman tong gawin eh..pero wala din naman akong magagawa"

"Edi iiwan mo na talaga ko??"tanong niya na parang kinokonsensiya pa ako..

"Arayyyy!! naman bakit mo naman ginawa yun??"

Binatukan ko nga ang drama eh..pati tuloy ako nadadala na..

"Mamimiss lang naman kita eh"sabay yakap sakin..

Hinayaan ko na lang siya..

"Ako din naman mamimiss kita eh..wala na akong mababatukan"sabi ko sa kanya..

Bumitaw siya sa pag-yakap sakin at tinitigan ako ng masama..

"To naman hindi na mabiro..syempre mamimiss kita dahil mahalaga ka sakin"

Nakita ko namang napangiti siya kaya napangiti din ako..

Kami lang kasi ang laging mag-kasama simula nung 1st year pa lang..

+++++++++++++++++++

Rhianne's Note: ok lang po ba??

Kanino kaya madededicate tong Prologue at Chapter 1??

++RainbowHeart29++

Finding My Soulmate[FMS] ++ Chapter 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon