Friday ngayon sa petsa na Feb 16, 2024
Madalas ako managinip at yung iba talaga ay nakakalimutan ko. Ngunit may iilang panaginip naman na hanggang ngayon ay naaalala ko.
Ang panaginip ko ngayon ay hindi ko malaman kung love story o tragic o ewan ko ba.
Uumpisahan ko na ang detalye sa aking panaginip.
Napanaginipan ko na ako raw ay nasa kabilang bahay namin kasama ang lola at lolo ko na grandparents ko sa totoong buhay.
Inutusan nila akong pumunta sa kabilang bahay, ang bahay ng tita ko. Pagkadating doon ay nakita ko ang tita, ang step mother, at ang father ko na nagku-kwentuhan.
Sinabihan ako ng tita ko ng "kumain ka na, pagkatapos ay maghugas ka kung ayaw mong saktan kita". Dumiretso ako sa hapag kainan at nagsandok ng kanin mula sa rice cooker at kumuha ng ulam na daing na bangus.
Lumapit ako sa hapag kainan at nakita ko ang mga pinsan ko raw na hindi ko naman pinsan sa totoong buhay.
Tatlong babae, at dalawang lalaki.
Pagkaupo ay nagkwentuhan kami, habang nagku-kwentuhan ay bumulong sakin ang isang pinsan ko raw na babae.
"Ate, may store na ako. Ipapatayo riyan sa tawid na kalsada, isa itong parlor" pagku-kwento nito sa akin. Agad naman akong ngumiti "Wow, mabuti naman para sa'yo. Ngunit bakit parlor? May parlor sa tabing bahay natin" hindi ko na narinig pa ang sinabi niya ng mapansin kong may naghuhugas ng plato na dapat ay ako.
Tumayo ako at pumunta sa kusina upang tignan kung sino ito. Nakita ko ang isang lalaki na isa raw sa pinsan ko sa aking panaginip. Nakita ko siyang naghuhugas ng plato kaya naman sumigaw ako "Hala, bakit ikaw ang naghuhugas. Ako dapat ang maghugas ngayon!" dahil na rin na ako ang sinabihan ay ayaw ko iba ang gumawa.
Itinigil niya ang paghuhugas at lahat iyon ay nasabunan na. "Ako na magtatapos nito" sabi ko sa kanya. Gumilid siya at hinayaan akong ipagpatuloy ang paghuhugas ng plato. Naramdaman ko rin ang mga tinginan niyang parang tumitingin sa isang magandang larawan dahil sa tamis ng titig nito.
Maya-maya ay sumandal siya sa aking balikat habang ako'y naghuhugas. Hinayaan ko na lamang ito at ipinagpatuloy. Naramdaman ko rin na inaamoy ako nito, pagkatapos no'n ay umalis na ito. Natapos na rin ako sa paghuhugas ng plato at bumalik sa mesa.
Nag-uusap pa rin ang mga pinsan ko sa panaginip na ito. Nang bigla kong buksan ang topic patungkol sa mga crush nila. Andon din ang kaninang pinsan ko na lalaki na naghugas ng plato na pinigilan ko.
"Ako, ate ang crush ko ay crush din ako" kinikilig na pagku-kwento ng pinsan kong isang lalaki at nagkwento pa ito ngunit hindi ko na maalala ang detalye.
Pagkatapos namin mag-kwentuhan ay lumabas na ako at masaya ang mood ko ngayong araw na ito.
Naglakad-lakad ako habang patalon-talon paikot sa lugar sa aking panaginip. Sa pag-iikot ay naramdaman ko na mag sumusunod sa akin, ngunit ipinagpatuloy ko lamang ang pagtalon habang nagh-hum ng hindi ko malamang kanta.
Maya-maya ay nakita kong nakasunod sa akin ang isa kong pinsang lalaki na laging kasama nung isang tahimik na lalak na pinsan ko sa panaginip na ito. Hindi ko maalala ang pangalan nila ngunit ang pinangalanan lang do'n ay ang lalaking nakasama ko sa paghuhugas ng plato na ngayon ay hindi ko maalala ang ngalan, ngunit tatawagin na lang nating siyang E.
Napahinto ako ng makita ko ang pinsan ko. "Mukhang good mood ka ngayon ha" sabi nito sa 'kin. May itinawag siyang pangalan sa akon ngunit hindi ko na maalala.
Sa pagkausap nito ay nakita ko si E na hinihingal, siya pala ang sumusunod sa akin. Itinulak si E sa akin ng isa pa naming pinsan. Umamin ito sa aking harapan na gusto ako nito, hindi ko rin malaman na ang aking nararamdaman ay hindi maaari dahil na rin na kami ay magpinsan. Ngunit hindi ko napigilan na sa sobrang saya ay napayakap ako kay E na kitang-kita na kami ay may parehong pagtingin.
Masaya ang iba naming araw hanggang sa dumating ang araw ng aming family reunion.
Nalaman ng aming lolo na kami ay nasa gano'ng relasyon kaya galit na galit siya at pinaghihiwalay kami. Marami rin siyang sinabing masasakit na salita kay E pero wala kaming balak na maghiwalay.
Dahil na rin sa sitwasyon ay tumakbo ako at nakita ko rin na tumakbo siya palapit sa akin.
Nandito kami ngayon sa isa sa lugar na talaga namang nage-exist sa totoong buhay. Kasama pa namin ang isa naming pinsan na lalaki na matalik niyang kaibigan.
"P'wede ba bigyan niyo muna ako ng me time" sabi sa amin ni E. Pumayag naman kami at iniwan muna siyang mag-isa sa tabing ilog. Dahil na nga rin sa pangyayari sa aming family reunion malamang ay marami itong isipin at maraming natanggap na masasakit na salita.
Nag-ikot muna kami ng isa kong pinsan para makapag-isip siya. May nakita kami nang nagbebenta ng clothing, tumingin-tingin ang isa kong pinsan baka raw ay may magustuhan siya.
"Ilang oras na rin 'no, balikan na natin si E" sabi ko sa aking pinsan sa panaginip na ito. "Sige, Tara" sabi nito. Ngunit hindi pa kami nakakaalis ng makakita kami na lumulutang na tao sa tabing ilog, malayo pa ito kaya hindi pa namin nare-realize kung sino.
Ngunit ng makalapit ay ganon na lamang ang pagbigay ng aking tuhod at walang hintong paglabas ng aking mga luha. Nakita namin siyang lumulutang, sumisigaw raw ako na "Bakit niya 'yon nagawa" at sinabi sa aking isipan na hindi siya makapili kung pag-ibig ba namin o ang aming pamilya.
Nagising ako sa reyalidad at pinilit na pumikit muli para matuloy ang aking panaginip. Dahil na rin sa kagustuhan na malaman kung ano ang nangyari pagkatapos nito. Ngunit hindi na ako nakabalik sa pagkakatulog at buong diwa ko ay gising na.
Sa isip-isip ko na kung sana ay nakatulog pa ako ay siguro na maitutuloy ko ang panaginip na ito at maililigtas pa ang tao sa panaginip ko dahil iilang oras lang ang lumipas bago ito maiwan. Maari pa 'yon maka-survive sabi ko sa aking sarili.
Ngunit once na naidilat mo na ang iyong mata hindi na matutuloy pa ang panaginip na iyon.