0.3: B*tchiful woman.

2 0 0
                                    

Hinihintay ko nalang si Calein sa bahay na kunin ako. Si Tsuki kasi, nauna na. May pinapagawa yata sina Via.

Since ang theme ng debut niya is brown and black. Kaya naka-brown ako na cargo pants at black na tutle neck.

Nagpony tail nalang din ako at nagmake-up.

Naka-brown heels din ako para naman medyo maayos-ayos, 'di ba.

Alas-siyete na. Antagal niya-

"NAK!" sigaw ni mama.

Nagmadali kong hinablot yung shoulder bag ko at yung regalo ko atsaka, nagmadaling lumabas.

"Nandito si Calein."

"Ah, mama. Pupunta na pala ako, babye!"

Hinalikan ko muna si mama sa pisnge bago lumabas sa gate.

Buti nalang naka-pants ako.

Inilahad niya yung black niyang helmet, naka-suot siya ng tuxedo at black leather shoes. Hindi ko na makita ang mukha niya kasi madilim atsaka, suot na rin niya yung helmet niya.

Pagsakay ko, saka ko naman isinuot yung helmet. Tangina, nakakatakot. Ang taas naman ng motor niya. Sabagay, Big nga eh. Big bike.

No'ng isinwitch niya na ang motor, mabilis niya ipinatakbo na halos mabaliktad ako. Napayakap ako bigla sa kaniya.

"TANGINA, MAMATAY AKO RITO!" sigaw ko.

"PAKE KO SA'YO, BAKIT KASI HINDI KA NAGREREPLY" sigaw niya.

"PUUUTAAAANG INAA MO, CALEIN!" sigaw ko.

Binagalan niya ng konti yung pagda-drive niya, kaya parang hinuhuli ko rin ang hininga ko sa nerbyos at takot.

"Jusko, lumabas kaluluwa ko sa katawan ko." Aniya ko.

Hindi nalang siya umimik at nagda-drive lang siya na akala mo naman kung sino.

Napatingin ako sa kalangitan, grabe.... Sumasang-ayon ang mga tala ngayon ah, anrami. Mukhang gustong manood sa buhay ni Via ngayong gabi eh.

Napatingin ako sa malaki at mailaw na buwan.

Ang ganda mo, moon. Kasing ganda mo yung mata ni Josh.

Pupunta kaya siya? hayst. Sana pumunta si koya.

Ilang minuto akong kinain ng ilusyon. Napatigil lang no'ng nasa parking lot na kami na akala mo naman hotel kalawak yung bahay nina Via.

Pagbaba ko, tinanggal ko agad yung helmet. Sinalubong din ako nina kuya Ace at Rosh.

Ang.... Ang pogi ni kuya Rosh. Jusko, kaya siya artista eh. Wait- pansin ko lang. Medyo may pula sa labi niya. Naglipstick ba siya or... Naneto, jay aga-aga may nilaplap agad eh.

"VIVYEN!" sigaw ni kuya Ace atsaka ako niyakap.

Naka-black long sleeve na polo si kuya Ace at kuya Rosh. Naka-black pants din sila at black leather shoes.

Si Via... 18 niya na. Grade 10 palang. Naudlot siya ng ilang taon dahil sa paga-attempt niya ng suicide sa mismong building ng skwelahan. Fourth floor, ihuhulog niya sana ang sarili niya ngunit, biglang may kumuha sa kamay niya. Hindi ko na maalala kung sino man yung lalaking iyon.

But, it's okay. Via's good and fine now.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw pa rin ang pipiliin koWhere stories live. Discover now