Chapter 1
Georgina's POV
Nasa harapan ako ng prestihiyosong paaralan ng Our Lady of Fatima University. Nanliliit ako dahil sa taas ng building na nasa harapan ko. Ito ang unang pagkakataon kong makakita ng ganito kataas na gusali. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko. Mababakas sa kanilang mukha ang pagkabalisa dahil sa nagbabadyang panahon. Napakadilim ng kalangitan na tila ba may bagyong paparating.
Maya maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan habang nag aabang ako ng bus na masasakyan.
Arrrrg. Wala pa naman akong dalang payong.
May isang lalaking lumapit sa tabi ko at pinayungan ako. Tinitigan ko siya. Ngunit tila hindi pamilyar ang kanyang mukha. Matangkad siya siguro nasa 5'9 ang taas niya, moreno, matangos ang ilong, may magandang pangangatawan higit sa napaka gwapo. NAtulala ako dahil tila isang modelo ang nasa harapan ko.
Kapansi pansi ang kislap sa mga mata niya na tila natutuwa dahil napayungan niya ako.
"Miss dapat lagi kang may dalang payong lalong lalo na at tag ulan ngayon." Bulong niya sa akin.
Tumango lang ako. Nahihiya akong magsalita sa harapan niya.
"Nag aabang ka ba ng bus?" nakangiti niyang tanong.
"Oo" napakaikli kong sagot.
"Kung ganun doon tayo. Hindi dito ang bus stop." Sita niya.
Naglalakad kame sa side walk nang biglang tumaas ang baha. Nagtakbuhan ang mga tao sa paligid at tila alalang alala sa baha. Halos umabot na ito sa mga paa namin. (Napaka malas naman talaga.)
"Halika sa likuran ko. Kakargahin kita para hindi ka mabasa." Sambit niya.
Namula ako bigla at nahiya.
"Ha? Naku hindi na kailangan, okey lang ako. Wag ka nang mag abalala." Tutol ko.
"May sugat ka sa paa. Pag nabasa ng baha yan baka magka leptospirosis ka. Ikaw din." Pangiti niyang sabi.
"Wag ka nang mahiya. Tara na." Sabi niya sabay karga sa likuran niya.
Sino bang mag aakala na may gentleman pa pala sa mundo. At sino bang mag aakala na may tutulong sa akin? Sa isang katulad ko.
Siguro yung ibang tao iniisip na weird ako. Kasi nga nakasalamin ako . Malabo na kasi ang mata ko. Tapos ang baduy ng porma ko. Pink and black polkadots na wide skirt na lagpas tuhod, red checkerd na polo tapos tsinelas. Tapos naka bun ang buhok ko yung pang matrona. Well this is fashion for me at wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao. Masaya ako dito.
Nakasakay na kami ng bus. Standing position. Arrrgh.
Sa bandang kalagitnaan ng bus may napakagandang babae. As in diyosa sya. Nakakaingit at nakaka tulala ang beauty niya. Naka minidress siya na nude ang color tapos naka high heels.
Maya maya may kumalabit sa kanya.
"Miss upo ka dito oh." Sabi nung lalaki.
"Naku kuya salamat." Sagot niya.
Sa isip isip ko. Pag maganda ba kailangan maging gentleman ang mga kalalakihan. Meron namang mga matatanda sa loob ng bus. Yun nalang sana ang pinaupo nila. Hay bihira nalang talaga ang katulad ng lalaki sa harapan ko.
Ilang sandali pa nakaupo na kame. Sa wakas. ☺
Maya maya tinanong niya ako. "Anong name mo?"
"Georgina, George for short. Ikaw anong name mo?"
"Sean" sagot niya tapos nakipag shake hands siya sa akin.
Omg totoo ba to o nananaginip lang ako? Kung panaginip man to ayaw ko nang magising. Kinurot ko ang sarili ko.
"Aray!!" Sigaw ko.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"Ah wala" sabay ngiti.
Totoo nga ito. Hindi ako nananaginip.
"Bago ka lang dito sa Valenzuela?" Tanong niya sa akin.
"Oo, lumuwas ako galing Benguet." Sagot ko sabay ngiti.
Kailangan kong magpa cute.
"Ah kaya pala ngayon lang kita nakita. So sa OLFU ka din nag aaral?" Pag uusisa niya.
"Oo" sagot ko sabay ngiti ulit.
"Good for you. Oh paano dito na ako. Kitakits nalang tayo."
"Sige. Ingat." Hindi niya na yata ako narinig nagmamadali na siyang bumaba eh.
Sayang naman ni hindi nya man lang hiningi yung cellphone # ko. Ang gwapo niya grabe. Kilig to the bones. Hay. I feel like i'm the most beautiful girl in the world.
( Itutuloy )
BINABASA MO ANG
So fond Of You
RandomCan you make him fall for you? Alamin natin ang kasagutan sa kwento ng pagibig nila Sean at Georg.