First day high

21 1 0
                                        

Naalala ko malelate na pala ako. Haist! Dali dali na kong sumakay ng bus. Rush hour ngayon kaya eto siksikan. 😒 Ganito pala sa Maynila. Tapos sobrang traffic pa! Arrrgh! First day ko pa naman ngayon!

After an hour ng pag suong sa traffic finally nakarating din ako. Naglalakad ako sa pasilyo na di alam kung saan patutungo. Hanggang sa naalala ko may registration card nga palang binigay sa aking yung cute na lalaki sa registrar. Hinalungkat ko ang bag ko at dahil sa pagmamadali natapon ang laman ng bag ko. Arrrgh! Malas! Malas! Malas! Dinampot ko ang mga yun at maya maya may tumulong sa akin sa pagpulot ng mga gamit ko. Akmang magpapasalamat ako ng makita ko nanaman siya. Si Sean ang knight in shining armour ko. Sobrang kisig nyang tignan sa white v neck shirt and black baston pants. So simple yet yummy! Hahahaha

"George san ka? " sabi nya matapos nya kong tulungan.

"Sa PJP 401 ako. " sagot ko

"Parehas pala tayo. Tara sabay na tayo. " nakangiti nyang sambit

Sabay kameng umakyat ng 4th floor. Kahit di nya ko kinakausap sobrang saya ko parin dahil hinawakan nya yung kamay ko habang paakyat kame. Pinagtitinginan kame ng mga tao sa paligid. Ako naman eto namumula sa kilig. Who would have though na ang ugly duckling na katulad ko makakahanap ng gwapong gwapong prince charming. (Prince charming agad no? Ang ambisyosa ko talaga haha. Whatever wala kayong pake!)

Nakarating na kame ng room. Bumungad sa akin ang estudyanteng katulad ko. May kanikanya silang grupo. May grupo ng mga babaeng punong puno ng koloreta ang mukha at tila nasubsob ang mga nguso sa kapulahan. Meron ding grupo ng mga rakista/punkista. May mga tatoo at hikaw ang ilan sa mga kalalakihang ito at may black eyeliner pa. Astig dude. Meron ding grupo ng mga heart throb ang babango at ang gugwapo nila. Pero mas gwapo parin si Sean. (wala nang hihigit sa kanya) Meron ding mga grupo ng mga nerd/geek. Nagkakapalang eyeglasses ang suot nila at tila di marunong pumorma. (parang ako 😂)

Nagulat silang lahat ng makita nilang magkaholding hands kame ni Sean. Grabe ang ganda ko talaga. 😂 (haba ng hair. Naaapakan mo na haha)
Binitawan ni Sean my loves ang kamay ko at lumapit sa grupo ng mga cute guys (group where he belongs) naririnig ko yung kantyawan nila.

"Bro ganyan na ba ang mga type mo ngayon? " pang aasar nung isa. Napangiwi ako ng marinig ko yun. Lakas mang asar. Argggh!

"Sino ba prof natin? " iniba nya yung topic.

"Si Ma'am Manalastas." sagot nung isa

Hanggang dun nalang yung pinakinggan ko. Pumunta ako sa grupo ng mga friendly pero nerdy classmates ko. Mababait sila at mukhang mapagkakatiwalaan. Kaso may pagka chismosa. Haha
Pagkalapit ko sa kanila agad agad nula akong tinanong kung boyfriend ko daw ba si Sean.

"Hindi ah! " madiin kong sagot

Ang ganda nang pambungad nila. Ni hindi man lang tinanong yung pangalan ko. Yun agad yung tinanong. Hmmmp.

"Georgina nga pala." Change topic mode. Haha

"ako naman si marj." sagot nang cute girl in red polkadots glasses.

Maganda sya. Matangos ang ilong, wavy ang hair, morena pinay beauty eh at matangkad. Medyo chubby nga lang sya. Pero feeling ko konting make over lang pag beauty queen sya.

"Ako naman si Anton. " sagot ng lalakeng naka suspenders. Teka teka di pala sya tunay na lalake. Malambot ang kilos nya. Mahahalata mong berde ang dugo nya. Haha

"Gina" sambit ng mala boyish na nasalikuran ko. Mala tuesday vargas ang beauty nya. (kilala mo ba yun? Kung hindi i search mo para maimagine mo. Haha)

Masaya silang kasama. Malilimutan mo talaga lahat ng problema. Kaya sa sandaling panahon palang magaan na ang loob ko sa kanila. Mukhang magiging masaya ang college life ko. May kwelang mga kaibigan at dream guy na saksakan ng gwapo. Hayyy. God is really good.

So fond Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon