Introduction

32 1 0
                                    

* Paalala: Ang storyang ito ay produkto lamang ng imahinasyon ng manunulat.

- - - - - ~ *

(Guy's POV)


Kapag may mahal ka, gusto mo lagi siyang masaya.

Gusto mong alagaan sya.
Gusto mong yakapin sya.
Gusto mong halikan sya.
Gusto mong ibigay lahat ng gusto nya.

Babatiin mo sya pagkagising mo sa umaga ng "magandang umaga, mahal ko". Sasabihin mo sa kanyang, "mahal kita". Papaalalahanan mo sya na kumain at matulog ng maaga.



Uulitin ko. Kapag may mahal ka, gusto mo lagi syang masaya.

Gusto mo lagi syang masaya kahit nasasaktan ka na.
Gusto mong alagaan sya kahit na tinataboy ka nya.
Gusto mong mayakap sya kahit na ayaw na nya.
Gusto mong mahalikan sya kahit pa na magalit sya.
Gusto mong ibigay lahat ng gusto nya kahit meron na syang iba.

Wala ka nang babatiin sa umaga ng "magandang umaga, mahal ko". Tatanungin mo sya kung ano ang naging pagkukulang mo. Hindi mo na sya papalaalalahanan na kumain at matulog ng maaga. Pero papaalalahanan mo sya ng "mahal na mahal padin kita".



Pero isang araw, sasabihin mo sa sarili mo na ayaw mo na. Pagod ka na. Hindi mo na sya mahal. Nakapagmove on ka na.

Nakita mo syang muli at nalaman mong hindi pa pala.

-

"Tang*nang buhay to oh. Paksh*t, napakamalas ko," bulong ko sa sarili ko nang makita ko sya sa malayo na may kasamang iba. Sa lahat lahat ng lugar bakit sa University pa.

Ang sakit-sakit. Kahit na ilang beses na kong umiyak di ko padin mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Sakit no? Gusto mong tissue?" bigla nalang nagsalita yung babaeng katabi ko. Nakatingin din sya sa direksyon na tinitignan ko.

Tinignan ko sya ng masama. "Wag mo kong pakialaman," malamig na sabi ko.

Tinitigan nya ako at ngumiti.

"Gusto mo bang maglaro?"

*~

A/N: Noob writer here. Okay lang humusga, wag lang sobra. :'( feel free to comment. Thanks. :*

TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon