[1]

9 1 0
                                    

*Guy's POV*

I turned her down. Whatever game that crazy girl was plotting, I'm never gonna f#cking play it.

It's been 3 weeks nung huli kong makita yung ex ko na may kasamang lalaki. Ganun lang pala kadaling palitan ako. Hindi ko matanggap. I thought there was a 3 -month rule pero wala pala sa utak nya iyon.

It feels like pinaglaruan lang nya ang feelings ko.

1st day of class namin today and my life as a 2nd year college student will start. Sana makapagmove-on ako ngayong taon. At sana makalimutan ko na yung nararamdaman ko para babaeng pumunit ng puso ko at pumako sa mga pinangako nya sakin.

Hindi ko gusto na sya padin ang tinitibok ng puso ko kahit ilang beses nya na kong sinaktan.

"Sana.," bulong ko sarili ko at napabuntong hininga bago pumasok ng classroom.

As usual, marami sa mga estudyante ang lumingon para tignan kung sino ang pumasok. Napayuko agad ako.

I hate being stared at.

Lagi kasi akong tinititigan ng mga tao eh. Kapag kumakain ako sa fast food restaurants, kapag sasakay ng public transpo kahit pag dadaan ako sa hallway. Ito kasi ang mahirap kapag pogi e.

Umupo ako sa last row. Pinili kong upuan yung pinakamalapit sa pintuan sa dulo. I can see everything from here. Makikita mo yung mga taong lilingon sayo. Makikita mo yung ginagawa ng iba.

Napansin ko na mejo marami-marami na din kami dito. May babae, mukhang nasa early 40's na, na nakatayo sa harapan. Siya siguro ang professor namin. Umikot sya ng room bago umupo.

"So, only 32 students are present at the moment. My goodness. You're already second years! Be responsible huh!"dismayadong sabi ng prof namin bago magbuntong hininga.

Pucha, ang aga-aga pa pero sermon agad. Hindi ako pumasok para masermonan. Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay nasasama ako sa kasalanan ng iba.

Tsaka hindi ba't normal lang naman na may late sa first day, dahil syempre kakagaling mo lang ng bakasyon e. Hindi pa sanay yung katawan mo. Wtf am I even saying?

Biglang bumukas yung pintuan at bumulaga sa amin yung ingay ng mga students sa labas kaya napatingin din yung ibang mga estudyante kung sino-sino yung mga pumasok. May mga lalaking pumasok na mukhang magkakatropa dahil nagtatawanan at naguusap sila. Binilang ko.

1..2..3..4.. 4 sila. Naguusap padin sila na parang di nila napansin yung mga tingin namin at lalo na ang presensya ng prof namin sa harapan.

"Ang bobo mo kasi magsupport eh!"

"Nagsuicide yan sa clash eh b&b& hahahaha"

"Napindot ko lang yon g@go! Hahaha"

"B&b& mo talaga hahaha"

Nagulat nalang ako nang sabay sabay nilang batukan yung lalaking sinasabihan nila ng bobo habang nagtatawanan sila.

"Aray ko, put@!" sambit nung lalaking tinawag nilang bobo at hinimas ang batok nya.

Napatingin ako sa prof naming namumula at gusot ang mukha. Galit na galit sya. Patay.

"I guess I'm not worth respecting huh?!" galit na sigaw ng prof namin bago kinuha ang mga gamit nya at lumabas.

Natahimik silang lahat tila gulat sa mga nangyari. Nakakabaliw yung katahimikan. Nagbubulungan nalang yung apat na lalaking pumasok na maingay kanina. Naririnig ko pa silang nagsisisihan.

Mukhang hindi na ata babalik si Ma'am.

Kasalanan talaga nung apat na mukhang mga unggoy 'to eh. Hay. Mukhang di ata magiging maganda tong school year na to.

Lord, wag naman sana please.

*click*

Napatingin kaming lahat sa harapan nang may pumasok. Inaasahan siguro ng iba na bumalik yung professor namin pero nadismaya nang babaeng estudyante ang pumasok.

Nagulat ako. She's the girl I met last 3 weeks ago! Kaklase ko sya?! Wtf.

Dali-dali syang umupo sa front row since yun nalang naman yung may vacant seat.

Simula nun, hindi ko na sya tinignan ulit. At kung makilala man nya ako, sasabihin kong hindi ko sya kilala.

Naalala ko yung mukha nya. Hindi naman sya kagandahan pero hindi rin siya pangit. Average lang ang itsura nya. Isa sya sa mga babaeng hindi magsastand out kapag inilinya mo sya sa kasama ang ibang mga babae.

Hindi katulad ni Diane. Maganda, maputi, at sexy. Magaling din magluto. Lagi pa akong dinadalan ng pagkain. Sya yung tipo na babaeng mapapalingon ka kapag nakasalubong mo sya.

Damn. She's in my head again. At this rate, it will take me forever to forget her.

"40 minutes na, wala na tayong klase dito," naoverheard ko sa kabilang row at nagtayuan na sila para umalis.

First day na first day, wala agad klase. Wow.

Umalis agad ako ng room para hindi ko na makita si Average. She gives me the creeps. Tinignan ko yung oras sa phone ko.

9:46 am

Next class ko ay mamaya pang 11 am kaya naman pumunta ako ng cafeteria para kumain. Umorder agad ako.

"Ate, ito po bayad,"

Pamilyar yung boses na yun ah! Tumingin ako sa kanya. Watda?! Si Average! Nagabot sya ng 100 pesos sa nagtitinda at napatingin sa akin.

Akala ko magugulat sya pero umiwas lang sya ng tingin, kinuha ang sukli nya at umalis agad.

Di nya ako natatandaan?!

Deep inside nakaramdam ako ng pagkainis. Hindi ko alam kung bakit. I'm confused.

*Average Girl's POV*

Nakatitig ako sa pagkain ko. Andaming nangyari sa bahay. Nagaway nanaman ang mga magulang ko. Lumayas ang kuya ko dahil hindi na nya kaya yung mga nangyayari sa loob ng bahay namin.

I'm so unfortunate.

Ah. At ngayon ko lang din narealize na hindi parin ako nakakapag-move on.

-
A/N:

Ngayon lang ako nakapagupdate dahil wala akong mga plano. I still dont have a concrete plot for this story but I'm starting to gain ideas from writing randomly. Hahaha.








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon