CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Kinabukasan ng gabi pagkatapos ng pangyayaring iyon, si Andrea ay napilitang lumabas ng kanilang bahay dahil nag text sa kanya si Molly na nasa tapat na ito ng kanilang bahay at naghihintay, labis naman nag aalala si Andrea kaya't agad niya itong sinipot upang alamin kung ano ang kailangan ni Molly.

"Molly, anong problema bakit ka nagpunta dito? gabi na." Nagtataka at nag-aalala nitong tanong. Naka-pajama pa ito ng lumabas ng bahay

Hindi naman mapakali si Molly at nilalaro ang kanyang kamay. "Andrea, may importante kasi akong sasabihin sayo." Kabado nitong wika

Mas lumapit pa siya kay Molly at hinawakan sa magkabilang braso para pakalmahin dahil ninenerbyos ito. "Anong importanteng sasabihin mo?"

"E, k-kasi..." Umuurong ang dila niyang bigkas.

"Ano Molly? Sabihin mo sa'kin, sige na wag kang mag dalawang isip na sabihin sa'kin kung ano man yang problema mo, kaibigan mo ko." Aniya. "Tungkol ba 'to sa family mo?" Panghuhula niya. "Kahapon kasi umalis ka ng presinto ng di nag sasabi sakin, sabi naman ni Charmaine may emergency daw sa bahay niyo." Kwento niya.

Umiling siya. "Hindi Andrea, hindi tungkol sa family ko..."

"Saan?"

"Andrea...."

"Ano?"

"Kapag sinabi ko ba sayo magagalit ka?"

"Ba't naman ako magagalit?"

"Sabihin mo muna sa'kin na kapag inamin ko 'to sayo hindi ka magagalit at sa atin lang 'tong dalawa, wag mong sasabihin sa iba."

Tumango nalang si Andrea.

"Andrea hindi ko na kasi kayang ilihim sa'yo ito eh...." Malamig niyang tono at nanginginig sa kaba. Hinawakan niya ang mga kamay ng kaibigan, "Andrea sorry...kasi ako ang may kasalanan ng lahat, ginamit ko yung mukha mo kaya kahit wala ka naman kinalaman ikaw yung naipit sa posisyong dapat ako ang humaharap." Tulo luha niyang paghingi ng tawad at pag amin kay Andrea

"Anong ibig mong sabihin?" Nanggigimbal nitong tanong.

"Andrea....a-ako yung may-ari ng account, ako si Cheska." Humahagulgol niyang pagtatapat.

Labis naman ang pagkabigla ni Andrea at hindi agad nakapagsalita, hindi siya makapaniwala na si Molly pa ang gagawa non, hindi siya nakapagsalita at tumulo nalang ang tubig sa kanyang pisngi.

"Patawarin mo ko Andrea, hindi ko sinasadya..." Patuloy sa pag-iyak niyang sabi. Lumuhod siya sa harapan ni Andrea. "Andrea sorry na, hindi ko naman akalain na seseryosohin ni Chris yun eh, a-akala ko nakikipag-play lang din siya sakin, nakonsensya ako nung napansin kong tuluyan na siyang na fall sa gamit kong dummy account kaya tinigil ko hanggang sa umabot ng 1 month, hindi ko naman akalain na pupunta pa siya dito ng Pinas para lang hanapin sa personal yung account ko na yun, hindi ko sinasadyang ikaw ang mapaghinalaan niya, sorry at wala akong nagawa nun, natakot lang din ako, pinangunahan ako ng takot kaya hindi ko nasabi kay Chris, kaya hindi ako nakapagsalita, natatakot ako Andrea, natatakot ako." Nakayakap sa bewang ni Andrea habang binabahagi ang kanyang saloobin habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha.

"Molly, tumayo ka d'yan..." Aniya at inalalayan si Molly sa pagtayo

"Andrea natatakot ako, tulungan mo ko, hindi ko kayang sabihin 'to kay Chris, b-baka ipakulong niya ako, baka hindi niya ako patawarin pag nalaman niya ang totoo, kasi n-niloko ko siya." Humihikbi niyang sabi.

"H-hindi ko-" naputol ang sasabihin niya nang akapin siya ng mahigpit ni Molly at damang-dama niya ang bigat na nararamdaman nito, labis siyang nababahala sa nagawa niyang kasalanan kaya't ang tanging nagawa ni Andrea ay hagudin ang likod nito upang hayaang mailabas nito ang lahat ng luhang kinikimkim ng kanyang kaibigang si Molly.

Unexpectedly To Be Loved Where stories live. Discover now