Just a product of my wild imagination. Bear with me guys! Sorry for the typos, wrong grammars etcetera.
Enjoy reading!~
***
High school? Probably the worst stage of my life as a student. Harsh? Blame me not, sino ba namang mag-eenjoy kung sa apat na taong ito laging may nambubwisit sa’yo? Cliché? Yes, no doubt. Hindi ko nga alam kung alam ng lalaking yun ang pangalan ko. Imagine, four years ko syang naging kaklase pero iisang beses o hindi ko pa nga ata narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko.
I know my name is a sort of novella. Margarita Arabella Sophia Ann y de Castro. I wonder how my teachers in grade school taught me how to write my name, my whole name. Siguradong halos maubos ang pasensya nila sa ‘kin. I highly appreciate their efforts, buti na lang maganda ang penmanship ko. Nang tinanong ko naman si Mommy about sa pangalan ko, iisa lang ang sagot niya, it’s the name of your great grandmother. Thanks to you grandma your great granddaughter had been called OY.
Maganda sana ang may mahabang pangalan kaso sa sobrang dami hindi mo alam kung ano ang itatawag nila sa’yo. Naalala ko pa ng nagkaseatwork kami. Write your name acrostically. Acrostic? A number of lines of writing, especially a poem or word puzzle, in which a combination of letters from each line spells a word or phrase. Exactly, sa sobrang haba ba naman ng pangalan ko naubusan na ‘ko ng adjectives, bawal pa naman maulit. Hindi naman sa mahina ako intellectually, pressured lang. Acrostic? In three minutes? Great, kasama pa ang apelyido.
That’s when I ate my pride at nagtanong ako ng adjectives kay Xavier— the guy who never failed to pester me. Siya lang naman ang tumatawag sa ‘kin ng OY nakakainis kasi sa dinamirami ng pangalan ko yun pa ang naisip nyang itawag sa ‘kin. Sophie ang kadalasan nilang itawag sa ‘kin. Pero yang si Xavier kahit kailan hindi ako tinawag sa pangalan ko. Naiinis man ako hindi ko na pinatulan, ako rin naman ang talo sa huli.
Years had passed at finally fourth year na kami. Pero si Xavier hindi pa rin nagbabago. Hindi nya ba alam na kapag OY ang tawag niya sa ‘kin I felt degraded. Pakiramdam ko hindi niya ako nirerespeto. Kahit naman ikaw tawagin ka sa hindi mo pangalan matutuwa ka ba? Hinayaan ko na lang at kadalasan iniiwasan ko siya. Xavier Santos— as much as I want to deny, that idiot got a pretty gorgeous face. From his chinky hazel eyes that I’m really attracted to, to his straight nose and his thin pink lips. And that priceless smile he always manage to wear whenever he is bothering me.
“Oy!” Kilalang kilala ko ang boses na ‘yan. And here we go again ilang linggo na lang at magtatapos na kami pero hindi pa rin ako tinatawag ng mokong na ‘to sa pangalan ko. Is that to much to ask?
Hindi ko siya nilingon. Kahit maglumpasay pa siya hinding hindi ako haharap sa kanya unless tawagin niya ako sa pangalan ko. Sa ganda ng pangalan ko, OY ang tawag niya sa ‘kin?
“Oy! Ba’t ang sungit mo?” Tanong nito habang sinusundot ako sa braso. Alam kong naging mabait ako sa kanya nitong mga nakaraang linggo but it doesn’t mean that we’re okay. Kaasar ang isang ‘to.
I manage to wear a smile. Plastic ang ngiting ‘to.
“Close tayo? How many times do I’ve told that OY isn’t my name. I’ve got lots of names you can choose there. Look, in two weeks span we’re graduating. Can you at least do me a favor and be good to me by calling me in my name? In my real name?” Naiinis na talaga ako sa kanya. Sobra, as in. Gusto ko na siyang sapakin. Kundi lang, naku! Hinihintay ko lang siyang sigawan ako, sapakin or magwalkout siya dahil na rin sa mga sinabi ko. But what surprise me most is when he laugh. He actually laughed like he just heard the funniest joke ever. Seriously, I want to tear off his head and burn it.
BINABASA MO ANG
OY!
RomanceTinawag lang kitang OY! nagagalit ka na? Alam mo ba kung ano 'yon? © ubiquitous_stories