Chapter 4 New Generation

3 0 0
                                    

Present 2024

"Ring ring ring ring ring ring ring" paulit ulit na tunog ng alarm clock

Kanina pa tumutunog ang alarm clock pero di parin ako bumabangon. Sarap pa matulog, parang ayoko na pumasok, bahala na. Bumangon na ako para mag handa papuntang school. Oo nga pala unang araw ng pasok ngayun dapat pumasok ako. Kumain ako ng kunti at pagkatapos kong kumain naligo na ako. Pagkatapos kung maligo isinuot kona ang school uniform ko. Medyo maganda pala tong uniform ng school namin! At pagkatapos kong mag bihis nag lakad na ako papuntang waiting shed.

Bagong transfer lang ako sa school nayun kaya diko alam kung comfortable ako don. Binilisan ko ang pag lalakad hangang naka abot ako sa waiting shed, swerte ko dahil may nakita agad akong sasakyan.

"Paraa!" Sabi ko sabay kaway ng kamay

Huminto ito at sumakay na ako, medyo mabilis mag patakbo si manong ah?!, bigalang nag vibrate cp ko kaya tinignan ko ito. May tumatawag? Sino to? Diko kilala yung numero 13 miss call! what?! Sino kaya to!.

"Nandito na tayo" sabi ni manong driver

"Salamat po"sinabi ko sabay abot ng pamasahe

Kakatapos lang mag flag seremony, nag lakad na agad ako papunta sa room para maka pili ng magandang pwesto na uupuan.

Habang nag lalakad ako biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa at sinagot ko ang tawag

"Helo?" Sabi ko sa call

"Zed!" Sabi ng lalaki sa call

"Kuya ikaw pala yan, ano sadya mo kuya ethan bat napa tawag ka?" Sagot ko

"Tika" sabi ng kuya ko. Biglang may narinig akong tunog ng pagsabog at kasabay nito ang pagka patay ng call namin ni kuya. No kaya ng yare? Bumili pala ulit si kuya ng bagong cp at sim card kaya diko siya nakilala agad. Madalas kase siyang nakikipag laban sa mga halimaw na tinatawag nilang demonyo kaya ayun minsan nasisira cp nya. Nasa japan siya ngayun kaya diko siya matutulungan, siguro di ko nalang siya tatawagan maiisturbo kulang siya di naman ako nakakatulong, ano kaya gusto niyang sabihin?.

Nag sipunta na kanilkanilang silid ang bawat studyante, kaya pumunta nadin ako sa room namin. Pumasok na ako sa room at pumili ako ng uupoan, ah sa likoran na ako uupo nakaka relax kasi sa likoran. Pumunta na ako sa likuran at umopo.

"Hi" sabi ng katabi ko

"Hello" sagot ko ng may kunting ngiti

"Transfery ka?" Tanong niya. Sumagot ako ng tango.

"Pwede ba tayong maging mag kaibigan?" Tanong niya saakin.

"Oo naman syempre!" Sagot ko sa kanya.

"Bat ayaw mo sumali sa usapan nila?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw nila akong pansinin e feeling gold siya" mahina niyang sinabi

"Ah ganun ba" sagot ko sa kanya.

"HAHAHHAHAHAH" natawa kaming dalawa ket walang dahilan. Siguro mag ka vibes lang kami hahahaha.

Medyo maingay na ket unang pasok palang, ano kaya firs subject namin dito?

Biglang pumasok ang adviser namin at biglang tumahimik ang lahat ng studyante sa room. Behave naman pala.

"Ok class introduce yourself in front" sabi ng adviser namin

"Ikaw nasa unahan pumunta ka sa harap at magpakilala ka" dagdag na sabi ng adviser

Pumunta ang lalaki sa harap para magpakilala.

"Attention may mga halimaw daw na galing sa parallel world ang papunta na dito, pumunta ang lahat sa loob ng room at mag tago, walang aalis sa school dahil sa ngayun walang lugar na ligtas" sabi ng matandang babae na naka speaker.

"Sino yun?"
"Mga halimaw daw?"
"Anong gagawin natin!'
"Boses yun ng principal"
"Ano ang ng yayare?!"
Usapan ng mga classmate ko

Ano ba talaga ang ng nangyayare?

Biglang gumuho ang mga pader sa likod ng school napa takbo kami sa labas classroom dahil sa pagkagulat. Hindi pwede to!

"Ano yun!" Sinabi ng classmate ko

Huh?! Nandito na agad sila?!

Biglang kinain ng halimaw ang isa kung classmate, agad kaming nag si takbuhan papunta sa labas ng school, lahat ay nag panic, ang iba ay umiiyak at ang iba naman ay nag uunahang tumakbo palabas ng school.

Ang dami nila! Anong gagawin ko!

Biglang may tumulak saakin at ng nilingon ko ito ang tumalak pala saakin ay ang katabi ko ng upuan kanina, tinulak nya ako para iligtas ako sa halimaw na paparating saakin, na wala ang halahati ng katawan niya, ulo hangang bewang nalang ang natira sa kanya.

"Pre bat moko niligtas?!" Sinabi ko sa kanya habang nag kakagulo ang lahat.

"Patuloy mo pagiging mabuti mo" sagot nya saakin.

"Pre di kita maintindihan" sagot ko habang naluluha. Wala naman akong ginawang mabuti sa kanya? Pinansin ko lang siya! Bakit niya ginawa yun!

"Pre!" Saad ko. patay na siya, ang gulo ah?! Bat nangyayare to! Ang dami kong problema! Ano bang sagot dito! Ano ang gagawin ko!

Depression, stress at anxiety? putangina nyong lahat, diko ikakamatay ang mga yun! Mamamatay lang ako sa physical hindi sa emosyon kaya bakit ako nag aalala sa mga yun?!

"Mga salita?! ako ang demonyo ng galet, zed!" sigaw ko sa mga paparating na halimaw. Nilababan ko ang mga halimaw, ang bawat lumalapit saakin na halimaw ay sinasalubong ko ng suntok. Ano kayo ngayun?!

Lumalakas ako pag nagagalet kaya di uubra saakin tong mga normal na halimaw nato! Kahit pa mag sama sama sila! Kayang kaya ko silang ubusin!

Biglang may tumosok sa likod ko. Ano tong tumagos sa tiyan ko?! Matalim na buto?! Di ako maka galaw! Nahihilo ako!

Unti unting lumalabo paningin ko. Nauubosan na at ako ng dugo, mamatay na ata ako.

"Zed!" Sigaw ni kuya ethan habang tumatakbo papunta saakin.

"Kuya"— Zed

Tame The Demons: The Chaotic World Where stories live. Discover now