Minsan hindi mo malaman kung nage-gets ba ni mommy yung gusto ko sa buhay. Simple lang naman eh! Ang magkaroon ako ng iPhone.
Tulad ngayon, kinukulit ko syang bilhan nya ako ng iPhone, ewan ko bakit ang hirap nyang bilhin yun alam ko naman may pera naman kaming pambili at deserving ko naman na magkaroon ako ng iPhone dahil hindi lang matataas ang grades ko kundi palagi pa akong nasa top.
Nag-aaral kasi ako sa isang private school na hindi ko na papangalanan, anyway gusto kong mapabilang sa isang kilalang group sa school namin kung tawagin ay CCP stands for Cute, Cool and Popular group. Hindi ako mapapabilang don' kung wala akong mga cool gadgets and fashionable clothes ng katulad sa kanila.
Last year, parang ako lang yata ang estudyante sa buong middle school na walang iPhone kaya bumili ako ng supercheap cell phone, yung gamit na.
Then yun I spread the word to everyone na pwede na nila akong i-text and call with all the JUICY gossip on my NEW cell phone. Syempre di ko na binaggit na used phone yun.
Isang araw nakasalubong ko ang dalawang member ng CCP girls sa hallway, kinakabahan ako pero syempre kalma lang. Patungo sila sa kinaroroonan ko and they started acting superfriendly.
Sabi nila kung pwede sabay kaming maglunch and I was like, "ahm... sige" hindi ko pinahalata na excited ako but deep down inside I was jumping up and down and doing my "ney ney dance."
Tapos nagsalita si Barbie, oo pangalan nya ay Barbie swak na swak sa kanyang mukang anyong Barbie. So anyway she said like this.
"Hey Kimmy! I've heard about you bought a six hundred dollars worth of Juicy Couture design cellphone and everyone could not wait to see it." Sabi nilang naka-smile sa akin.
Omayy! Everyone? Meaning the rest of the CCP crew? I was about to explain na mali ang pagkaka-intindi nila, I said juicy gossip on my new phone NOT new gossip on my JUICY phone pero hindi ko na nasabi yun dahil unfortunately tumunog ang cell phone ko. Very abnormally loudly. Great!
Hindi ko nga pinapansin ang pagtunog ng phone ko dahil ayokong ipakita sa kanila, alam nyo naman na supercheap lang ito but these girls were staring at me like, "Hindi mo ba sasagutin yung cell phone mo?"
Obviously, hindi, ayokong sagutin dahil malakas ang pakiramdam ko na madidisappoint sila pagnakita nila ang supercheap made in China phone ko.
So yun para akong tangang nakatayo don' na tinatawag lahat ng santo sa isipan ko na patigilin kung sino man ang tumatawag sa akin, isa syang pahamak sa buhay ko.
Finally, I gave in. Kinuha ko yung phone ko to mainly stop that AWFUL sound. Tumalikod ako sa kanila at sinagot ko yung tawag."
Hello? Umm... sorry wrong number?" di ba kamalas malasan, pinahamak ako ng kung sino man iyon.
Paglingon ko, wala na ang dalawang CCP girls sa harapan ko. They were running down the hallway screaming like ewwee! so I guessed ayaw na nila akong makasama sa lunch which was a very disappointing thing.
Iyon ang natutunan kong lesson last year, that having a cheap and crappy phone can totally ruin your social life. Kaya nga kinukulit ko si mommy na bilhan na nya ako ng iPhone.
Nag-iipon nga ako para makabili ako ng sarili kong iPhone pero alam kong napaka-imposible. I love zooey, my baby shih tzu and I will spend all of my cash on her kapritsu.
Anyway, noong time na yun alam kong may pasalubong si mommy sa akin, galing sya sa mall and alam ko kung ano ang binili nya for me.
Sabi nya kasi sa akin na nakaka-relate sya sa mga pinagdadaanan ko bilang isang estudyante na nag-aaral sa isang private school na wala pang gaanong kaibigan. Nakikita nya kasi akong Mag-isa sa kwarto at malungkot kaya ang sabi nya reregaluhan nya ako ng something kung saan ay makikipagcommunicate ako para mailabas ko kung ano ang nasa isip ko at mai-share ko kung ano ang nararamdaman ko.
I was absolutely ECSTATIC dahil naiisip ko na makikipagcommunicate ako with a BRAND NEW CELL PHONE! Right?!
Parang isang musika sa pandinig ang bawat salitang binibitawan ni mommy. I was daydreaming about all of the cool ring tones, music and movies na ida-download ko. Parang yung feeling ko mala-love at first sight ako sa ipapakita nyang so called SURPRISE.
But after my mom finally finished her little speech, ngumiti sya sa akin ng pagkalaki-laki at niyakap nya ako sabay bigay sa akin ng BOOK.
I opened it and FRANTICALLY flipped through the pages, baka kasi may nakasulat na SURPRISE YOUR CELL PHONE IS IN YOUR BEDROOM!
Pero wala ni isang letter wal. Para akong binagsakan ng langit at lupa na walang iPhone na pinapangarap ko and my so-called present was just a stupid little book! Then I noticed lahat ng pages were blank. I was like, OH NO! Parang alam ko na kung para saan yun. Mom gave me a Diary.
Seriously? Wala na kayang nagsusulat ng mga intimate feelings at deep, dark secret nila sa diary, and this supposed to post this kind of juicy stuff online sa BLOG ko para MILLIONS of people ang makakabasa.
Loser lang ang gumagamit ng diary
Gusto kong sumigaw hanggang sa mapatid ang ugat ko sa leeg dahil ito ang pinakapanget at walang kwentang regalong natanggap ko. Gusto kong isigaw na "ma' hindi ko kailangan ng diary na may 500 blank pages. Ang kailangan ko ay magkaroon ng sariling cell phone, at take note gusto ko yung iPhone.
BINABASA MO ANG
aNg diArY Ni dYosAme
RandomIto ay mga kwentong wala namang kwento haha.. Basta kwento ko to bilang isang ako. Salamat kung binasa mo ito. Sana hwag po kayong mahiyang magvote at magcomment ^_^