Chapter 1: Libre mo na lang ako

22.8K 399 12
                                        

FEMI’S POV

At dahil sa sablay kong paa at malas na sintas, ayun… nabasa ko pa ng tubig ang walang kamalay-malay na tao.

“Pasyensya na, di ko sinasadya… sowiii +___+” sabi ko habang parang waiter na pinupunasan ko yung basang uniform niya gamit ang panyo ko.

Biglang hinawakan niya yung kamay ko. Oo, hinawakan niya!

Napatingin tuloy ako sa kanya. Aba, grabe makatitig si kuya, parang ako pa yung nang-agaw ng baon niya.

“Ayos lang naman, eh. Di ba ikaw yung lagi kong kasabay kapag late? ?___?” sabi ni Gian, sabay tayo mula sa pagkakatumba.

Napasinghap ako. Hay, nakow! Huwag mo na paalala yan =___= Ang sakit sa pride!

“May mga bagay na hindi na kailangang ipaalala pa!” reklamo ko, sabay hagis ng banat. “May magagawa ba ako para pagbayaran yung ginawa ko?!” Sarap isabay ng hugot line: “Kung may nagawa akong mali, kaya ko namang itama… sa tamang panahon.”

Pero siyempre, pinigilan ko sarili ko. =___=

“Umm…” sagot niya, sabay kamot-baba, parang seryosong nag-iisip. Hehe XD Kinabahan tuloy ako. “Libre mo na lang ako sa restaurant niyo! ^___^”

O__O WHAT?!

“Paano mo nalaman??” tanong ko, halos malaglag ang panga ko. Wala pa naman akong sinasabi tungkol sa internet café ni Ate Grace. Hala, may secret stalker na ba ako?!

“Actually, hindi naman restaurant… -.- Internet Café lang yun na pagmamay-ari ni Ate Grace,” dagdag ko agad.

“Ahhh… nakita kasi kita doon minsan. Ang galing lang… may food service rin pala kayo.” Ngumiti siya, tuwang-tuwa pa.

?___? Ah ganon. Kung nagtataka kayo, may internet café si Ate Grace. Siya ang manager, siya ang kumakayod, tapos ako ang assistant manager by force. #LabanLang

“Ahhh… oh sige!” sabi ko na lang at mabilis na umalis. Kasi lahat na lang ng mata nasa amin, at ayoko nang may mag-chismis pa. Famous pa naman ang lalaking ‘to.

“Sandali!” tawag niya, sabay hawak ulit sa kamay ko. Huy! Ano ba! Pati palad ko may downpayment na?

Napalingon ako.

“Sa tapat ng gate ako maghihintay, ha? Salamat!”

Wierd talaga ng lalaking ‘to. Pero bakit parang may spark? >///<


Fast Forward

Uwian na! Diretso ako sa café ni Ate Grace kasi… well… nakapag-oo na ako eh. Libre is libre.

“Yo! Tara na!”

“AY PUTEEEKKK!!!” halos atakihin ako nang may biglang humawak sa balikat ko mula sa likuran. “Ano ba, muntik nang bumigay ang puso ko, ha!”

Paglingon ko, si Gian pala. Atunayan, nakatitig lang siya sakin.

Napakagat labi ako. Ay, mali. Baka ma-misinterpret. Kaya bigla kong dagdag:

“ANO, baka bumigay yung puso ko sa GULAT! Ikaw, ano-ano na namang pinagiisip mo d’yan?!” sabay takip ng mukha ko. Shet. Ang pogi niya sa malapitan. Lord, bakit ganito?


Sa Internet Café

Nakaupo na siya sa Table #3. Ako naman, derecho kay Ate Grace para magpaliwanag.

“Ate Grace! May nagawa kasi akong kasalanan sa lalaking nasa Table #3. Libre ko na lang siya, please! Kaltas niyo na lang po sa sahod ko. (-___-)(U)”

“Oh sige. Pero kaltas yan sa allowance mo ha,” sagot niya, sabay bulong sa tenga ko. “Basta ang ibibigay mo sakin 1.5 million, ahh.”

“Bata pa ako, Ate! Hindi pa ako mamamatay -.- Wala pa nga akong trabaho tapos hihingi kayo ng 1.5 million?!”

“Ano ba, gusto mo taasan ko pa?”

“AYYY hehehehe XD hindi po! Okay na po, salamat! Naniniwala po akong maraming magagandang mangyayari sa inyong maganda at sexy na nilalang.” Pinapa-cute points ko na lang siya, baka makalusot.

“Oo na, puntahan mo na yung BOYFRIEND mo!” sagot niya, sabay deadly irap.

(--___--) (>3>) Boyfriend agad? Kapag may ililibre lang, relationship status na agad?

Anyway. Pumunta na ako sa table niya. FYI, ang café namin ay double-purpose: may area para sa computers at may dining area para sa pagkain.

“Good evening, sir! What is your order?” tanong ko, kunwari waitress, kahit hawak ko pa rin yung quiz notes ko (study first, libre later).

“Ahhh… isang waffles with chocolate on top, then isang French vanilla coffee,” sagot niya.

“Okay po! Waffles with chocolate on top and French vanilla coffee… isang set po yun, 175 pesos lahat.” Nilagay ko yung order slip, hinihintay ko yung pera niya. Pero… nakangiti lang siya.

“Ayy, oo nga pala. Libre ko nga pala to hehehe XD” dagdag ko, sabay talikod agad.

Regret is real. Sana sinabi ko na lang na “ako na lang maglalaba ng damit mo,” kaysa nag-offer ng libre!

“Ahhh… Femi!” tawag niya ulit.

Lumingon ako, naka-Bakit-May-Kailangan-Ka-Pa-Look.

“Wala lang… T-thank you ahh.” sabay takip ng mukha gamit ang menu card.

?___? Hala. Ano na naman problema nun?

Weird talaga ng lalaking ‘to. Weird… pero mabait. Weird… pero nakakakaba. Weird… pero bakit parang… gusto ko?

Maid for Him (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon