CHAPTER FIVE
Kirsten's POV
"Uhm, hello Mrs. Sanchez?" Nakakahiya naman, para na kaming naging magtropa these past few days. Siya kasi ob-gyne ni mama, eh. Kaya palagi kaming nagkikita, kaya ayon gumaan na loob niya sa'kin.
"Hi Kirsten! Tumawag ako para i-invite ka na pumunta sa birthday ni Sophia tonight," sagot niya sa kabilang linya.
"Ay, nakakahiya naman po, baka po sa family members lang yan, eh, anak lang naman po ako ng patient niyo."
"No! No, halos lahat ng mga friends nila Sophia at Yain ay invited. Kaya, wag ka nang mahiya. Kaibigan ka naman ni Sophia, eh."
"Talaga po? Ahh, sige po." Pumayag na'ko. Mas nakakahiya kung tumanggi ako, di'ba? Tsaka may pagkain naman do'n, eh. Hahahahaha.
"Alright! I'll see you tonight? 8pm, I'll text you nalang the address."
"Opo, Mrs. Salvador. Thank you po." sabi ko at naputol na ang linya.
*****
P*tang--- hindi ko alam isusuot ko! 7 pm na, isang oras nalang wala pa akong mahanap na isusuot para sa party na yon! Ahh, alam ko na! Putek! Bat hindi ko naisip yon?!?!?!
Tadaaaaaa! Nakahanap na ako ng damit! Yellow dress! Hahahaha, pang summer nga, eh. Nahanap ko sa drawer ko sa sulok, laman kasi nito yung mga damit na di ko sinusuot kasi nga, bongga.
*****
Bahay nila to, malamang. Ang laki, tas parang aabutin ata tong four floors.
"Ate Kirsten! Ang ganda mo! Thanks for coming sa party ko, ha." sabi ni Sophia nang makita niya'ko.
"Thank you, at welcome din. Hahaha. Ah, eto regalo ko oh, sorry, ayan lang. Babawi ako next time." Feeling ko nga ang panget ng regalo ko, eh. Dumaan lang kasi ako ng mabilis sa mall para bumili ng regalo. Nakakahiya naman kung wala, diba?
"Hoy gatas! Yung mga kaibigan mo! Crush ako! Hahahahaha!" Si Yain ba yun? Ang kulit, ah.
"Baliw ka kuya! Ampanget mo kaya!" sigaw niya sa kuya niya. "Thanks sa gift ate, pupunta na ako don, ha? I'll call kuya Yain para may kasama ka."
"De, wag na. Sige, enjoy ka lang. Happy birthday!" sabi ko at ngumiti.
"Thankyou ate! I gotta go na!"
"Okay." ngumiti nalang ako at umalis na si Sophia.
"Oy, bakit ka nandito?" sulpot ni Yain.
"Kase... ininvite ako?" Matawa-tawang sabi ko. Talaga naman, eh.
"Tss." sabi niya at umirap pa. Mukhang bakla!
"Nagsusungit ka na naman? Sinasagot ko lang naman tanong mo, ah."
"Tara." sabi niya sabay hila sa'kin.
"O-oy, san tayo pupunta?!" sigaw ko sa kanya.
"Sa langit." sagot niya at nalaglag ang panga ko.
"Saan?!" sigaw ko. SA LANGIT?! MAY HAGDAN BA SIYA?!
"Sa garden, bakit, may angal ka?"
"A-ah.. W-wala!" Garden lang pala, eh.
Ang laki ng garden nila, ah. Parang buong bahay namen, jusko.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya.
"Kase, wala tayo doon?" natawa ako ng konti sa sinabi niya pero pinigilan ko.
"Ha-ha. Bakit nga?"
"Wala lang, ayoko doon, gusto ko dito."
"Ang gulo mo. Party kaya yon ng kapatid mo."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa langit, nakangiti. Ano kayang iniisip nito?
Yain's POV
Matagal kong hinintay yung pagkakataon na to, ah. Osige na, aaminin ko. May gusto ako kay Kirsten. Dati pa. Paano? Next time, sasabihin ko. Pero basta ngayon, mas lalo ko na siyang nagugustuhan.
"Huy!" sigaw ni Kirsten habang tinatapik ako.
"Ano ba! Sinusulit ko yung pagkakataon," sabi ko.
"Ano?"
"Alam mo ba, matagal ko nang pangarap to.." Wala nang paligoy-ligoy pa. Wala na akong masabi, eh. Sasabihin ko na.
"Yung? Teka nga, ano bang mga pinagsasasa--" kitang kita mo sa mukha niya na gulong gulo na siya. Tch, cute.
"Ssshhh.. Makinig ka nalang kasi.." ka-kulit ng babaeng to, ah. "Matagal ko na tong pangarap.. Dati lang, tinitignan-tignan lang kita, pinapangarap na makatabi ka."
"Ano ba kasi yang mga sinasabi mo?"
"Gusto na kita, dati pa." sagot ko at biglang nanlaki ang mata niya.
"Ha? P-paanong? Dati? Kelan?" sunod sunod na tanong niya.
"Ganto kasi yan..."
__________________________________________________________________________________________
Lol. Pinutol ko pa. Hehez.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Customer [KathNiel]
Fanfiction"sa pagkakaalam ko bulaklak lang binebenta ko. pero bakit pati puso ko binili niya?"