Hello Japan!

18 1 0
                                    

STELL's POV

Helloooo Welcome to Japan!!!!

Yes nandito na ko sa Japan, ito muna ang magiging mundo ko. Ilang araw? Weeks? Months? Years? Hindi ko alam.

Pero joke lang yun syempre. Alam ko naman na may trabaho ako na dapat kong harapin, but for the meantime, habang may inaayos pa kaming problema, will take this break lang muna para makapag-isip at mapag-isa.

Hindi rin naman puro laboy ang gagawin ko dito. When I've found out na Pau is looking for someone na mag-aayos sa nalalapit na concert namin dito, matic nag prisinta ako. Nung una ayaw pa pumayag ni Pau, ilang weeks ko na din tong inaawaitan sa kanya. Not until one day, na kinausap ko sya at sinabi ko ang personal reason ko bakit gusto kong pumunta dito at lumayo muna.

Flashback

Stell hindi nga pwede na ikaw ang pumunta dun sa Japan, what if may biglang offer sa grupo, syempre hindi natin pwedeng matatanggihan yun! You know naman yung financial problem ng company, kailangan natin ng maraming raket ngayon. Yan si Pau as usual ate chona mode nanaman.

Pau sige na please, kailangan ko lang talagang lumayo muna, besides plantsado naman na lahat eh, yung Racer nakapag shoot naman na tayo dun, sa DD din tapos naman na, even yung MT, ano pa bang lineup wala naman na diba???

Wala nga Stell pero paano kung may biglaan??

Pau naman, kelan ka pa tumanggap ng offer na biglaan, lahat naman ng ganap natin naka-plan yan ahead! Pigilan nyo ko gigil ako sa ate chona nyo.

Sige bigyan mo ko ng valid reason bakit kailangan kitang payagan na pumunta dun??

Wow! Kailangan talaga may reason, hindi ba pwedeng dahil gusto ko lang mag relax ganun?? Bakit ba kasi hindi tayo yung nanalo sa Racer edi sana hello Japan tayong lima diba???

Stell, magseryoso ka naman! Kala mo lahat biro eh. Tssskk

Galit na ang Pinuno nyo, nag tsssskk na eh.

Pero hindi tayo papasindak syempre.

Sino ba kasi nagsabing hindi ako seryoso?? Gusto ko ngang pumunta ng Japan para makapag pahinga din, promise, gagawin ko ang lahat para makahanap ako ng partner natin dun. Si tita matutulungan ako nun!

Mukhang effective ang sinabi ko, di nakaimik ang pinuno nyo.

Hindi pa din! Sige bukod dun ano pang reason mo? Alam mo ikaw, ilang taon na tayong magkaibigan, kilala ko na bawat isa sa inyo. Alam kong hindi yan ang dahilan. Kaya sabihin mo kung anong dahilan mo kung gusto mong magbago ang isip ko.

Okay sabihin daw ang totoo, edi sige!

I– I'm in love with Ken...

Yun lang pala eh... what???

Oh di ngayon napapa-what ka dyan!!!

I am falling in love with Ken, ewan ko paano, kelan, saan nagumpisa, basta naramdaman ko nalang na hindi na to basta as brothers lang. Nahihiya man umamin kay Pau pero eto na eh, para sa Japan!

Baka akala mo lang yan!!! Nadadala ka lang siguro sa mga Au Au at ship ship na yan! Sabi ko naman sayo tigilan mo pagbabasa ng Au nyo eh! Yan nasasabuhay mo na!

Pau naman ganun ba kababaw tingin mo sa feelings ko?? Seriously, naisip mo tong nararamdaman ko dahil sa Au lang?? My gahd!!

Minsan tong si Pau may pagkaabnormal din talaga eh.

Baka naman dahilan mo lang yan para pumayag ako.

Pau ewan ko sayo, anong tingin mo, sasabihin ko tong nakakahiyang sitwasyon ko ngayon para lang payagan mo ko? Kung ayaw mong pumayag fine! But please wag mo naman isipin na gagawa ako ng kwento para lang masunod ang gusto ko.

Dramahan natin, baka effective

Sorry di naman sa ganun, gusto ko lang naman makasure na hindi prank to. Iko't pa mata nya at naghanap ng camera

I'm dead serious, kaya please, kailangan kong umalis para malaman ko kung totoo ba tong nararamdaman ko, oh baka nga sige baka nga ka ka Au ko lang din to.

Sana nga talaga ganun lang ang dahilan no? Edi sana itulog ko lang to tapos bukas okay na.

Fine, how about Ken, nag-usap na ba kayo about this?

Yes, and kung ano man ang side ni Ken it's for you to know. Ako lang naman yung issue dito. You can talk to Ken about this, but please don't tell him na may alam ka. Atleast wag muna ngayon. Pakiusap ko kay Pau.

Ewan ko sa'yo, sige pagbibigyan kita. Ikaw na pumunta ng Japan, ayusin mo lahat ng need ayusin dun, mapapersonal man o business. Balik ka ng masaya. Pau hugs me. Napaiyak tuloy ako, pinayagan ako 😭

Thank you Pau.

Balik ka agad, at mag-iingat ka din. Basta tandaan mo, nandito lang ako, susuportahan kita at naiintindihan ko ang sitwasyon mo ngayon. Just take a break.

Thank you so much Pau. Nabunutan ako ng isang tinik sa dibdib. Sobrang bigat din kasi talaga lalo na at wala akong mapagsabihan, glad you're here. Salamat lagi kang nandyan to comfort me.

Nandito tayo para tulungan ang isa't isa, sige na ayusin mo na lahat ng backlogs mo, umuwi ka na ngayon at bukas balikan mo ko kung kailan ko ipapa-book ang ticket mo.

Sige, thank you talaga. Sobra

And yun nga, alam na ni Pau yung feelings ko for Ken.

Hindi naman ako nagkamali or nagsisi na sinabi ko yung totoo kay Paulo, aside from Ken isa siya naman ang madalas na pinagsasabihan ko ng mga super secret ko, actually before Ken ,siya naman talaga yung unang naging ka-close ko. Thankful ako na meron akong kaibigan na tulad nila. Syempre Josh and Jah din. Soon makilala nyo kung sino ang dalawang yan.

Daddy's Home (A Kentell Au)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon