PABLO'S POV
"Minda!" hinabol ko siya kasi napansin ko na nagmadali siya ng makita niya akong papalapit sa pwesto nilang magkakaibigan.
"Minda hintay!" Nagmadali siyang lumiko upang malihis ako ng landas. Malas niya at may pagkamalakas ang pang-amoy ko kaya nasundan ko padin siya hanggang sa umabot kami sa canteen.
"Minda! Sinta!" Lahat halos ng mga tao sa canteen ay napalingon sa amin. Napahinto sa paglalakad si Minda at naiinis na lumingon sa akin.
"Pwede ba Pablo lumayu kana sakin please?" Tila naiirita siya nang hindi ko siya pinakinggan. Nilapitan ko siya ng may ngiti sa labi at iniiabot ang Caramel cake na paborito niyang kainin simula pa lang first year high school kami.
"Minda Sinta good morning" tinignan lang niya ako na tila ba baliw ako na nagbibigay ng tae sa kanya.
"Pablo pede tama na please? Kasi nasisira ang araw ko sayo" inirapan niya ako at nagmamadali ulit na lumayo sa akin.
Kahit ganyan niya ako tratuhin mahal ko yung babaeng yun. Alam ko naman kung bakit ayaw niya saakin kahit malinis yung intensyon ko sa kanya kasi kapos ako sa kagwapuhang lalaki. Halos magkasing tangkad lang kami. Moreno ako at ang puti niya. Mahilig siya sa lalaking matatangkad at matitipuno ang katawan ako naman ay normal lang ang pangangatawan. Hindi dinnaman ako kagandahang lalaki kung mukha ang pag-uusapan nasa kategorya lamang alo ng ordinaryo at hindi kapansin-pansin. Sa madaling salita hindi ako yung tipong lalaki na maipaparada niya sa mga kainigan niya.
Akala ng mga babae sila lang yung ginaganun ng mga lalaki pati kami napapangit zone.
Tinignan ko yung Caramel cake na hawak ko. Ni hindi man lang siya nasiyahan. Lumapit nalang ako basta sa isang babae dun at binigay sa kanya ng walang sabi-sabi yung cake at umalis nalang din bigla.
----
Naglalalad ako papunta sa Arts building nang may marinig akong babaeng umiiyak sa bandang tagong lugar nung building.
"Gaspar. Please bitawan mo ko! Ano ba nasasaktan na ko!" Nawindang alo nang makita kong pilit hinahalikan nung lalaking tinawag ni Minda na Gaspar. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa katawan nang makita kong nababastos na ang babaeng mahal ko.
"Hoy! Gago ka! Bitiwan mo si Minda!" Tili nakalimutan ko namas malaki siya sa akin at mas malaki ang chansa na durigin nalang niya ako bigla ng walang ka hirap-hirap pero ayoko talaga na nasasaktan ang mahal ko.
Hinataw ko siya nang T-square sa ulo dahilan para mabaling saakin ang atensyon niya.
"Pablo?! Anong ginagawa mo rito?!" Natatarantang sabi ni Minda habang patuloy na nanginginig at umiiyak.
"Eto ba yung mga pinagmamalki mo Minda kaya ayaw mo makuha sa maayos na salita ha?! Naknampupu ha?! Ang baba ng standards mong malandi ka" mapanuyang tumawa siya nang malalas na tila malalagutan na siya nang hininga. Sinamantala ko ying pagkakataon na tadjakan siya sa tiyan.
"Minda! Takbo!!" Hinila ko soya papalayo at tumakbo. Kung Hindi lang talaga mayabang yung lalaking yun hindi ako nakabwelo. Pwiw buti nalang.
Tumakbo kami nang tumakbi hanggang sa mawala na kami sa pananaw nung Gaspar na yun. Hindi namanako duwag ayoko lang talaga nung magulong sitwasyon.
"Minda.." hinihingal kaming dalawa habang unti-unting binabagalan ang pagtakbo namin. Hindi niya ako inimik kahit nung nakatigil na kami sa parling lot nang school.
"Minda!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Hindi ko miwasang mainis at magalit sa kanya.
"Bakit ba?" Mahinang usal niya na tila nanghihinang sumasandal sa pader. Hinihingal at pawisan.
BINABASA MO ANG
Ano Man Ang Mangyari
HumorHi this is a compilation of my brain's short stories. If ever you might like one story and you want a full version please do inform me para alam ko kung anong story yung magandang pahabain :) Thank you. May mga SPG na hindi ko maiiwasan pero keri la...