Not My Heart's Desire 3

183 3 0
                                    

MINDA

"Anak. Ang dami na ng nakain mo" sinuway ako ni nanay habang sarap na sarap akong kumain. Gutom na gutom talaga ako.

"Nay gutom na gutom ako" sumubo ako ng magkasunod na puno ang kutsara. "Ang dami po kasing trabaho kanina di ko naisingit ang nagsnack" inangat ko ang tingin ko sa kanila. Nakabuka ang bibig ng kapatid ko. Bumaling ako kay Pablo. Halos gabi-gabi siyang naghahapunan dito kasi sinusundo niya ako sa trabaho. Inaaya siya lagi ni Mama na maghapunan sa bahay. Nakabuka din ang hibig niya parang hindi nakapaniwala sa ginagawa ko eh kumakain lang naman ako.

"Sinta okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Timango lang ako at sumubo ulit.

"Ate.." Nagsalita bigla si Mike. "Ang siba mo naman"

Di ko din alam nong nakita ko yung nakahain na itlog maalat na may kamatis na takam ako.

"Paki mo ba?" Inirapan ko siya at nagpatuloy lang sa pagkain. Dinagdagan ko ang kanin ko. Narinig kong suminghap si Mama.

"Anak baka sumakit ang tiyan mo. Ang dami mo na nakain. Ngayon lang kita nakitang kumain ng ganyan ka dami" pinunsan ni Mama ang gilid ng labi ko gamit ang palad niya.

Nainis ako bigla sa kanila. Bakit ba kanina pa nila ako pinapansin. Kung kumain nalang kaya sila at wag ako pakialaman. Gutom ng ako. Di ba sila makaintindi.

"Ano bang problema niyo?"

"Ang sungit! Nag-aalala lang kami kasi di ka naman nakain ng itlog maalat kahit kailan! Bakit sarap na sarap ka?" Sinagot ako ni Mike. Natigilan ako bigla at napatingin kay Pablo na nanlalaki ang mga mata.

"S-Sinta..." Parang alam na don niya ang nasa isip ko.

I know what he meant. Kaya tumikhim ako at pasimpleng sumubo ulit. "Panget. Samahan mo ko bukas"

"Okay ka lang ba, Sinta?" Humigpit ang hawak ni Pablo sa kamay ko. Mas nininerbyos pa siya sa akin. Niyakap niya ako bigla o kinabig? Kasi tumama ang noo ko sa dibdib niya. "Andito lang ako Sinta hindi kita iiwan. Ano man ang mangyari"

Tinulak ko siya. "Ano ba naman yang mga pinagsasabi mo Pablo! Tigil tigilan mo ako ha?! Nag-iinit ulo ko sayo!" Hinampas ko siya sa balikat. Timing naman na lumbas yung assistant nung doctor. Nakatayo lang kami kasi kanina pa nininerbyos si panget. Ako naman parang wala lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ano Man Ang MangyariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon