CHAPTER 3

10 3 0
                                    

"Papa!" Malakas na sigaw ni Orson habang dala-dala ang kulay pulang paper bag na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi.

"Nak, laki na ng bunso ko!" Anito at kinarga ang bunso kong kapatid.

Tumigil ako ilang dipa mula sa kinakatayuan nila, habang naka-hawak naman sa balikat ko si Mama.

"Chan, birthday ng papa mo ngayon. Anong regalo mo?" Mahinahong sambit ni Mama.

Umukit ng kaunting ngiti ang mga labi ko bago nagtaas ng tingin.

"He's a good father. Hindi ko naman alam ang iniisip ni Papa, kung ano ang naranasan niya, kaya nya tayo iniwan...after all, he take care of you and Orson." Mahina kong usad.

I maybe young but I think, Im already full of experience. Pero ngayong kaarawan ni Papa mismo, I want to make memories with him. I want to eat with him...

Malalamig ang pareho kong palad. Dama ko na ang pawis na tumutulo mula sa 'king noo habang nakatayo sa harapan ng kuwarto ni Papa.

Tiningnan ko ang kulay pulang kahon na hawak.

Magugustuhan kaya to ni Papa?

Ano ba ang paborito niyang kulay?

Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago napagdisisyonang buksan ang pinto. Subalit, natigilan ako nang makitang nakaawang ang pintoan.

Dito ba galing si Mama?

Tumingin-tingin ako sa likoran subalit ni isang anino ay wala.

Hinawakan kong muli ang doorknob, at inunang pinasok ang ulo sa pintoan.

Walang tao sa loob ng kuwarto, maliban sa taong naka higa sa kama.

Dahan-dahan akong pumasok at mahinang sinirado ang pintoan.

"Papa?" Mahina kong sambit habang naglakad papuntang kama.

Subalit, ganon nalang ang pagtigil ng hininga ko nang makita ang kabuoan ni Papa.

"PAPA!" Habol ang hiningang hinawakan ko ang dibdib ko.

Ano yun? Panaginip?!

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.

Mula'y tanaw ko ang pamilyar na lamesa aa harapan, sa gilid ay mayroong bintana at sa kabilang gilid ay ang pamilyar na pintoan.

Im home!

Mula'y kinuha ko ang cellphone sa gilid ng aking unan.

4:30 am.

"Tsk."

Tumayo ako at kinuha ang short kong nasa sahig bago nagsuot ng makapal na jacket.

How could I sleep peacefully when it's just yesterday's Astrid's death?

Inayos ko ang unan ko pataas bago tinabunan ng kumot. Sinigurado ko munang naka-awang ang pintoan ng kuwarto ko para hindi manghinala sina Mama.

Matapos kong ayusin ang higaan ko ay mabilis ang lakad ko patungong kabinet. Bawat matataas na tela ay hindi ko pinalagpas at tinali isa-isa bago ko hinulog sa bintana.

The welcoming embrace of the wind meet my soul. I saw the marvelous lights of River City. The sound of the breeze filled my ears.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko dahilan kung bakit nag-balik sa isipan ko ang kalagayan ni Papa.

Familia Dela RosaWhere stories live. Discover now