LAST DANCE PART 1

2 0 0
                                    

Huminga siya ng malalim bago tiningnan ang sarili sa napakalawak na salamin. She can see herself there and Anabella look stunning to her red elegant dress. Gusto niya simple lang ayaw niya ng masyadong mabular dahil baka mahirapan ang kanyang katuwang na isayaw siya.

Anabella heard a knock but she didn't bother to look back.

"Pasok." Pagkuway imik niya at kasunod noon ang pagbukas ng pintuan bago doon na siya tuluyang napalingon.

Biglang umawang ang kanyang mga labi and her lips formed into a wide smile.

"What are you doing here, James?" Tanong ni Anabella.

"Just." Napailing siya sa sagot nito.

"Lagot ka kay Tita Sherly once na makita ka niya dito. Tsaka wow, hindi ka na late." Sa huling sinabi ni Anabella ay mahina na tumawa si James.

James looked at what she was wearing habang bahagya na tumatango.

"Beautiful." He said.

"Yeah, kaya doon ka na sa labas at hintayin mo ako. Alam ko na maganda ako pero hindi tayo talo par." Naiiling na sagot ni Anabelle.

James Alladin is her bestfriend since elementary at the same time, Anabella has a crush on him. O sa madali't salita ay may pagtingin siya para sa kaibigan ngunit wala siyang lakas ng loob upang umamin. 

Anabella look once again at the mirror. Sinisipat niya ang kanyang sarili mula roon at hindi na nag abala na tingnan pa si James, for her atleast ito ang katuwang niya. Escort niya si James tulad ng napag-usapan nilang magkaibigan noon at hindi naman siya binigo nito. 

Anabella felt a soft embrace from her back. Pumitlag siya upang makawala ngunit mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya nito. 

"I'm sorry." He whispered. Tinitigan ni Anabella si James mula sa reflection nito sa salamin at tumigil sa pag galaw. 

"Sorry for what? Tsaka umalis ka nga diyan, nakakailang." Tapat na sabi niya dito at muling sinubukan na alisin ang mga bisig ni James.

"I'm sorry dahil hindi man lang kita maisasayaw." Natigilan si Anabella sa narinig at tinitigan ng mabuti si James mula sa salamin. Unti-unti na nagluwag ang yakap nito sa kanya kaya nakakuha ng chance si Anabella na harapin ito.

"B-Bakit? Paalis ka rin ba?" Naguguluhan na tanong niya sa kaibigan.

Bahagya ito na tumango sa kanya. "But you promise, James. Ano na lang ang ipapaliwanag ko kayna Tita?" Nangingilid na ang luha ni Anabella sa mga oras na 'yon.

Pinahid ni James ang ilang butil ng luha na siyang naglalandas sa kanyang pisngi. 

"Sorry kung hindi man lang ako tutupad, Bella. Hindi ko gusto ang iwanan ka pero kailangan ko ng umalis." Napatungo siya at hindi mapigilan ang mapahikbi. 

"B-Bakit? Bakit pati ikaw, iiwanan ako?" Umiiyak niyang tanong kay James. 

May kanya-kanya na kasing pamilya ang kanyang mga magulang at siya ay naiwan sa kanyang Tita Sherly. Ito ang nagpalaki sa kanya at ni isang beses mula noong iwanan siya ng kanyang mga magulang sa kanyang Tita Sherly ay hindi na niya muli ang mga ito nakita.

"I have my reasons, Bella. Once you find out, please be strong. I need you to be strong." Mabilis si Anabella na umiling. 

Hinawakan ni James ang kanyang mga kamay at malamyos na ngumiti sa kanya. 

"I love you, Anabella." Humagulhol ng iyak si Anabella hanggang sa mapaupo siya sa malamig na sahig kasunod noon ang pagbitaw ni James sa mga kamay niya at tumakbo na ito palayo sa kanya. 

Hindi niya alintana ang mga luha na naglalandas mula sa kanyang pisngi at mahina ang galaw na tumayo. Hinawakan niya ang may kahabaan niya na saya at tumakbo palabas. Nagbabaka-sakali na maabutan pa niya si James.

Ngunit hindi niya ito makita sa dami ng tao na naroon. Ang lahat ng mata ay nakatuon sa kanya marahil ay nagtataka. 

"Ana!"

"Anabella!" Nilingon niya ang babae na nagsalita sa tabi niya. 

"Tita, si James po." Bakas ang gitla sa mga mata ng kanyang Tita Sherly. Mabilis siyang niyakap nito. "Titaa!" Umiiyak na sambit ni Anabella na akala mo'y batang nagsusumbong. 

"He's not here yet, Ana. Ano ba ang nangyari, pinapakaba mo ako—"

"He's here, Tita! He's here! I saw him, pumunta pa siya sa room ko upang magpaalam pero bigla na lang siyang tumakbo paalis. He's leaving tita! Iiwanan niya ako." Hagulhol na iyak ni Anabella at lahat na ng tao ay sa kanya na naka focus. 

"No, hindi ka niya iiwan. Tatawagan ko ang parents niya." Pag aalo sa kanya ng tita niya. 

(❁'◡'❁) ----------------

OH NO! HELLO KA-CUTIEESSSS HAHA SANA MAGUSTUHAN NIYO. THIS IS THE FIRST TIME NA GAGAWA AKO NG ONE SHOT STORY AT HINDI KO ALAM KUNG SAAN ITO HAHANTONG BUT LET'S SEE. 

WHAT HAPPEN TO HIM? GUESS WHAT?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORYWhere stories live. Discover now